CHAPTER 4

11.2K 260 25
                                    

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Tinignan ko kung sino yun at nakita ko si Allen na nakangiti sakin. Hinawakan ko pabalik yung kamay niya.

"Oh bat ka nakangiti?" Tanong ko

"Wala, ang ganda mo kasi. Tas ang bango mo na. Haistt nakaka in love ka." Nanlaki yung mata ko sa narinig ko.

"N-nakaka in love? Love? As in, that deep emotion that a human can feel to someone he or she cherish? Uhmm. What is Love? Hmm. Love is good, it changes people, for better or for worse. Love requires more than one person. But, what do you mean by 'nakaka in love'?" I asked confusedly while looking in his eyes.

"Woah, ang haba naman nung explanation mo. Talino mo ah. Basta. Wala yun. Sabi ko crush kita." Nagulat na naman ako sa sinabi niya.

"C-crush? You're having a crush on me because some of my attitude attracts you. It means, you like me. Not love, because love is different. You like me because there's something in me that makes you like me. Wait wait ang gulo ko na, di na magfunction sa utak ko. Alam mo kasi kaw lang ang pinakaunang naging kaibigan ko. Arghhhh ikaw lang din ang nagsabi sakin niyan, na crush moko. I mean .. arghhh ang gulo." Sabi ko habang napapadyak na pero di parin kami humihinto sa paglakad.

Ngumiti si Allen. "Alam mo kasi DAVIS" nabigla ako ng tawagan niyako sa apilyedo ko. "DAVIS nalang, ang haba ng Haruna eh" tumango nalang ako.

"Alam mo, wag mo na problemahin yan. Basta magkaibigan na tayo. And I will help you. Sa Mission mo. Yung mission 'MO', magiging mission 'NATEN'. Okay?" Napangiti nalang ako at nag thumbs up.

"Sure. O bukas lalarga tayo ha. Iiwan munna natin yung unit mo. Lilibutin muna natin yung buong manila. Hehe" tumango naman siya habang nakangiti.

Lumabas nakami ng mall at umuwi na.

**pagkadating sa unit niya**

"Allen may extra toothbrush ka naman jan diba? Hehe" sabi ko habang nagkakamot ng ulo. Tuyo na din yung buhok ko, salamat naman.

"Ahh oo nasa may lababo. Tignan mo nalang naka box yun." Dumiretso naman ako sa kusina niya at kinuha yung toothbrush dun na naka box.

Naglagay nako ng toothpaste dun at nagtoothbrush na. Habang nagtotoothbrush, naramdaman kong may yumakap sakin mula sa likod pero di naman ako nagulat, si Allen lang naman yun at saka yakap lang naman.

Nagmumong nako tapos nilinisan yung toothbrush. Habang nakayakao siya humarap ako sa kanya at niyakap ko siya sa leeg.

"Alam mo ang sweet mo." Bigla niyang sabi sa gitna ng pagyayakapan namin.

"Hala? Kelan mo pa ko natikman?" Biro ko.

"Wag mo sabihing di mo alam yun?"

"Joke lang alam ko yun. Haha. Nagbibiro lang. O e bat mo naman nasabing sweet ako?" Tanong ko habang nakayakap parin sa kanya.

"Uhmm kakikilala lang kasi natin. Tas parang boyfriend mo ngako kung ituring eh." Waaah ganun na ba ko ka sweet? Alam ko din yung boyfriend at girlfriend eh. Basta relasyon yun diba? Di lang yung kaibigan, more than friends pa nga.

"Hala? Ganun ba? Ayaw mo ba yun? At least walang malisya diba?" Sabi ko. Di ko kasi alam kung pano mag entertain ng tao. Siya yung pinakaunang taong nakasalamuha ko ng ganito katagal.

"Haha gusto ko nga eh. Iniisip ko palang na maging girlfriend kita, ramdam na ramdam ko na. Ang caring mo. Tas yung kaninang umiyak ako, talagang na comfort moko nun. Mas lalo naman na nung hinalikan moko. Hehe pwede pakiss pa?" Humiwalay ako sa pagkakayap pero nakalagay parin yung kamay ko sa leeg niya at yung kamay niya sa bewang ko.

The Ability UserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon