CHAPTER 39

3K 90 4
                                    

Sorry po sa slow updates. Mabagal po talaga ako sa ngayon. Sobrang busy po. Baka po next month pa ulit bibilis. XD

***

"Oh ano, napagod ba kayo?" Taning ko. Lahat kaming tatlo ay may sari-sariling bitbit.

"Aba! Pasukat sukatin niyo ba naman ako?"reklamo ni Allen. Marahan ko lang siyang hinampas ng bitbit kong paperbags.

"Ikaw talaga! Ayaw mo yun? Nagmuka kang model!" Nag apir kami ni Beth.

"Kayo talaga pinagtitripan niyo ko. Tara kain tayo! Libre ko."

Naglakad na kami papunta sa isang food chain at saka umupo nang makarating. Tumingin ako sa wall clock at nakita kong 8:30pm na. Woah there! Ang tagal na pala namin dito. Maygas.

Nag order na kami ni Allen sa counter ng anim na slices ng specialty nilang Cremeschnitte cake at saka tatlong frappe. Nagbayad na si Allen at bumalik na kami sa table kung nasan si Beth habang dala dala yung mga inorder.

"Itadakimasu!!" Sabi namin matapos magpray at saka nagsimulang kumain.

**

Nandito kami sa tapat ng tenement ni lola. 10:45pm.

"Hoy! Bat nandito pa kayo sa labas?" Nagulat kami nang may mga tanong na lumapit samin habang may dala silang flashlight. Paktay. May curfew na nga pala!

"Ahy! Pauwi na po kami!" Gulat na sigaw ni Beth at pinawisan. Ayaw namin sa prisinto/kulungan mga bes.

"Ilang taon na ba kayo?" Tanong ng isang tanod.

"21!!/22!!/23!!" Sabay sabay naming sigaw at nagkatinginan.

"Huh? Ano ba talaga?" Naguguluhang tanong ng isa. Lima kasi sila eh.

"Ahhh--- ehhhh---... ang ibig po naming sabihin ay 23 na siya *turo kay Allen*, 22 na ako, at 21 na siya." Sabi ko at tumuro kay Beth.

"Ahhh. Osya sige. False alrm. Sorry, pasensya na. Umuwi na kayo ha." Nagsisihan muna yung mga tanod at saka naglakad paalis.

"Grabe. Muntik na yon ah. Ayoko matulog sa kulungan." Sabi ni Beth. I looked at her, confused.

"Matulog sa kulungan? What do you mean?"

"Pag nahulu ka ng mga tanod dahil sa curfew, papatulugin ka ng isang gabi sa kulungan at kinabukasan ka na pauuwiin."

"Hindi ah! Para yon sa mga nag-iinuman! Kakausapin lang ng pulis yung mga magulang ng nahuli dahil sa curfew, pag first offense." I protested.

"Ah. Hehe, ganun ba? Sorry." Awkward nitong sabi.

Binuksan ko yung bag ko para kunin yung cellphone ko pero nakita ko yung letter ni Mavis kaya napahinto ako. Oh ky gosh. Bakit ko nga ba kasi to nakalimutan?! I-ibibigay ko na ba to?

Pero ito nalang yung chance talaga.


I owe Mavis my life.


"Davis, una na kami." Nagulat ako nang magsalita si Allen.

"C-Chotto matte kudasai!" Pagpigil ko sa kanila. (Hold on/wait)

Nagdadalawang isip kong iniangat mula sa bag yung envelope.

"Sore wa nan desu ka?" Nagtataka niyang tanong habang tinitignan yung envelope na hawak ko.

"A-ah! E-e-eto?" Shet bat ako nauutal.

"What's that Haruna?" Tanong niya ulit.

"M-may nagpapabigay nga pala. Punta ka bukas ng 8am sharp sa MOA ha. May naghihintay sayo duon. Sige una nako. Bye." Pinahawak ko sa kanya yung envelope at saka ko siya hinalikan sa labi. Pumanik nako sa itaas nang makapasok sa tenement.

The Ability UserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon