CHAPTER 30

3.6K 86 8
                                    

Nagulat ako nang makita yung muka niya nung magkaharap kami.

"Karma-kun?/Haruna-san?" Sabay naming tanong ni Karma habang nanlalaki ang mga mata.

"Ehhh? Mukang magkakilala na pala kayong dalawa eh." Sabi ni lola kaya napatingin ako sa kanya.

"Uhmm. Nung isang araw po kasi galing ako sa resto nila at dun ako nagbreakfast. Saka ko naman po siya nakilala. Hehe, siya po pala yung tinutukoy niyong apo niyo. Mabait naman po siya." Pagpapaliwanag ko.

"Naku, oo mabait talaga yang apo ko. Oh siya, sige. Bababa muna ako at magluluto ng agahan. Makisabay ka na ding kumain ha." Sabi ni aling Baby.

"Hehe sige po." Nahihiya kong sabi. Bumaba na din siya.

Sinara ko yung pinto sa likod ko at naglakad papalapit kay Karma. Pati siya naglakad papalapit at parehas kaming nakangiti.

"So.... ikaw pala yung apo ni aling Baby." Nakangiti kong sambit at saka huminto sa paglalakad nang nasa harap ko na siya.

"Yepp! Haha. At ikaw naman yung sinasabi ni lola na bagong lipat." Sabi niya.

"Oo. Ako yun. Hahah. Ikaw din pala yung tinutukoy niyang hindi pumapasok sa school." Unti unting nawala yung ngiti sa labi niya hanggang sa naging seryoso na siya. Nawala din yung ngiti sa labi ko.

"So, sinabi din pala niya yun sayo." Seryoso niyang sabi.

"U-uhmm. Sorry." Sabi ko at napayuko na.

"Hindi, okay lang yun. Basta ang mahalaga magkatabi yung apartment natin." Sabi niya. Pabulong na yung huli niyang sinabi kaya di ko na narinig.

"Huh?"

"Wala. Haha. Sige. Balik muna ako, di pako naghihilamos eh." Sabi niya.

Naalala kong hindi pa din ako naghihilamos at nagtotoothbrush kaya nanlaki yung mga mata ko at napatakip sa bibig.

"O-oo nga. Ako din!" Gulat kong sigaw at dali daling pumasok sa apartment ko at sinara yung pinto at nilock.

Waaaah! Nakakahiya! Bad breath ako eh kinausap ko siya!

Dumiretso ako sa CR at saka naghilamos at nagtoothbrush. Nang matapos na lumabas nako ng CR at saka dumiretso sa sala ko. Nanuod muna ako ng isang episode ng Tom and Jerry hanggang sa may kumatok na sa pintuan ko.

Pinatay ko na yung TV at saka ako tumayo at dumiretso sa pinto. Binuksan ko na yun at nakita ko ang gwapong muka ni Karma.

Ahy oo nga, di ko alam ability niya ah. Sinuri ko siya at nakita kong pyrokinesis yung kapangyarihan niya. Sugoiiiii! Parehas kami ahhh. His ability fits perfectly to his red hair. Boom! Red ba ang apoy? XD

"Kakain na." Nakangiti nitong saan kaya tumango ako.

Sinara ko na yung pinto at saka na kami sabay na bumaba sa 1st floor at dumiretso sa dining nila.

Naabutan namin si aling Baby na kalalabas lang ng kusina na may hawak pang pichil ng tubig at 3 baso na magkakapatong.

Dali dali akong pumunta dun at saka ko kinuha mula sa kanya yung pichil at mga baso at nilagay yun sa lamesa.

Inalalayan ko din siyang umupo. Umupo na din kami ni Karma. Rectangle yung lamesa at magkatabi kami ni Karma habang nasa harap namin si aling Baby.

Nag lead muna ako ng prayer at nagsimula nang kumain. Lugaw, hotdog, itlog, ham, sausage, at kanin yung mga nakahain sa mesa at yung lugaw lang yung kinakain ko.

"Aling Baby, ang sarao naman ho nitong luto niyo." Nakangiti kong saad.

"Salamat. Naku, Lola nalang ang itawag mo sakin at ang haba ng Aling Baby."

The Ability UserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon