CHAPTER 22

3.7K 97 7
                                    

"Dad, okay ka lang? May masakit ba sayo? Anong nangyari sa inyo?" Aligaga nitong tanong.

Nagulat ako ng paputukin nung lalaking yun yung baril sa braso niya. Pero di yun nakita ni Allen, and of course yung mama niya, tas di din nila narinig dahil nga may silencer.

"A-anak ko, m-masama yang babaeng yan! Muntik na niya akong patayin! Buti nalang at braso ko lang ang natamaan niya! Delikado siya! W-wag kang lalapit sa kanya!" Aligaga niyong sabi at sumigaw sigaw pa. Hinarap pa yung braso niya kay Allen. Tsk! As if namang papaniwalaan siya ni Allen---

"HARUNA?! ANONG GINAWA MO SA DAD KO?!?!" tumakbo siya papalapit sakin at saka ako tinulak kaya napa atras ako.

Nagulat ako dahil sa ginawa ni Allen. N-naniwala siya sa taong yun?! What the hell?!

*PAK!*

Nagulat ako nang makaramdam ako ng bagay na dumikit sa pisngi ko. Nang malaman kong sinampal ako, mas nagulat ako nang malamang nanay ni Allen ang sumampal sakin.

"Walang hiya ka! Akala ko mabuti kang tao! Pero anong ginawa mo sa asawa ko?! Naging mabait naman kami sayo ah! Bakit ganto ang iginanti mo sa amin?!" Napaiyak nalang ako hindi dahil sa pagsigaw sakin ni tita Liza, kundi dahil sa sinabi niya.

Hindi ako makapagsalita dahil wala akong masabi sa mga salitang binitawan niya. Mas naniwala pa sila sa mga taong yun?!

*PAK!*

Nagulat ako nang makatanggap na naman ako ng isa pang sampal mula sa kanya.

"Lumayas ka sa pamamahay namin!!! Wag na wag ka nang magpapakita samin kahit kailan!! Wag na wag ka nang babalik dito!!!" Sigaw nito kaya naman napahagulgol nako.

Dali dali akong tumalikod at saka tumakbo. Nakita kong lumabas sa pinto sina mommy kasama ang lahat kaya napahinto ako ng bahagya, pero di ko nalang sila pinansin. Dali dali akong tumakbo palabas at saka nagtatatakbo..

"HARUNA!!!!!!" narinig ko ang boses ni Allen na sumisigaw kaya napahinto ako at humarap kung nasan siya.

"Hanggang sa muli, Allen. Salamat sa lahat ha..." mahina kong sabi kahit alam kong di niya maririnig..

Saka ako tumalikod ulit at nagtatatakbo. Di ko alam kung saan ako papunta dahil wala naman akong alam sa lugar na to. Habang tumatakbo, bigla akong nakaramdam ng parang bagay na bumagsak sa ulo ko.

Nang tumingin ako sa taas, nakita kong may tumulong tubig sa muka ko. Hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang mga ito. Umambon, hanggang sa umulan. Nagtuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa may maaninag akong park sa di kalayuan.

Tumakbo ako dun at saka umupo sa isang bench. Dun ko na tinuloy ang pag iyak ako. Humagulgol nako. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa maramdaman kong wala nang tumutulong tubig sakin.

Tinignan ko yung paligid pero umuulan parin naman. Tumingin ako sa taas ko at may nakita akong payong. Tinignan ko yung may hawak nun at nakakita ako ng hindi pamilyar na lalaki. Ang gwapo niya. Singkit, maputi, matangos ang ilong, kissable lips.

Pero hindi ko siya pinansin. Umiyak parin ako. Namimiss ko na agad sila. Wala nakong mukang maihahatap sa kanilang lahat.

"Miss..."

Pano pako haharap sa kanila? Sina Allen at tita Liza tingin nila masama ako. Sigurado sinabi na nila yun kila mommy...

"Uy miss,.."

Sigurado ngayon kahit sila mommy, kahit sina Izzie, lahat sila ang tingin isa akng kriminal...

"Miss, miss~"

The Ability UserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon