CHAPTER 47

3K 79 6
                                    

Kasalukuyan naming kinakain ang pagkaing dinala nila; gumawa din ako kanina ng fruit salad at nagluto ng dumplings kaya nadagdagan yung mga kinakain namin.

Nang maubos namin lahat ay nagyaya ako kung sinong gusto mag ice cream.

"Kahit busog na tayo sige parIn!" Tawang sigaw ni Izzie na sinundan na ng tawanan ng lahat.

"Osige ako nalang bibili." Sabi ko.

"Babe sama nako."

"Wag na. Ako nalang. Dito nalang kayo. Sandali lang naman ako eh." Nakangiti kong sagot kay Allen.

Nagsuot muna ako ng cargdigan at vans. Tinungo ko na ang pinto at bago lumabas ay nagsalita muna si Allen.

"Babe, ingat ka." Tumango ako at lumabas na.

Nabalitaan ko na may bagong tayong ice cream parlor sa di kalayuan, kaya naman naglakad ako patungo dito at hindi ko maiwasang mamangha nang makita ko ito ng harapan.

"Woahh!" hindi ko mapigilang pagkamangha, ang ganda.

Vintage Ice Cream Parlor ang pangalan kaya naman curious akong pumasok sa loob.

At mas lalo akong namangha nang makarating ako sa loob.

Puro pink ang paligid pero halata mo paring vintage nga dahil sa mga designs.

Matapos ang ilang minuto kong pagmamasid sa buong paligid ng parlor, lumakad nako patungo sa counter para um-order.

"Limang galon po ng best flavor niyo at isang galon ng double-dutch." 

"Sige po pakihintay nalang." sinabi ng cashier and order ko sa mic na nakakonekta sa isa pang parte ng parlor at maya maya lang ay may isang tao ang lumabas mula dito habang dala dala iyon.

"P920.00 po" binigyan ko nalang siya ng P1000 at di na kinuha yung sukli.

Habang naglalakad pabalik sa tenement ay may humintong van sa harap ko na syang labis kong ipinagtaka pero isinawalang bahala ko nalang. Bakit naman to hihinto sa harapan ko mismo?

Pero hindi pako nakakabuo ng limang hakbang ay nagulat ako nang magbukas ang pintuan at hilahin ako nito papasok.

Pinosas nila ang kamay ko at tinakpan ang mata ko.

"Hoooooy!!!! Pakawalan niyo ko!!!!" hindi ko mapigilan na mapasigaw at magwala nang maipasok na nila ako sa sasakyan. Pero teka... something's strange.

I continued on shouting while trying to get away from their grasps, at nang sinubukan kong gamitin ang kapangyarihan ko, unti unti akong napahinto nang mapagtanto na hindi ito gumagana.

H-Hindi ako makapagteleport! Parang may pumipigil sa kapangyarihan ko!

"Takpan niyo nga ang bibig niyan, masyadong maingay!" Utos ng isang lalaki na di ko alam kung sino.

Bakit nila ako kini-kidap? Baka naman nagkakamali lang sila!

Kinabitan nila ng bimpo ang bibig ko. No... this can't be happening. Being able to prevent my abilities from working only means danger... someone out there has a stronger ability than mine.

"Xhinoh vha khayohhh?!?!" pilit kong tanong kahit may bimpo ang bibig ko.

"Life is just a never go round, baby. Buying ice cream as if you have no problems at all? What about a payment for what you did? You killed my best monster and now you're celebrating because you think the victory is yours." Sabi ulit ng lalaki at hinaplos haplos sa leeg ko ang daliri niya.

Bwisit! Pasalamat siya at may busal tong bibig ko kundi mas magrereklamo sya sa pagkabingi dahil sa mga sigaw ko. 

"Ohh. Kanina pa'ko magrereklamo dahil sa pagkabingi ko? Heh," he smugged. "You're funny with your words."

The Ability UserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon