CHAPTER 15

5.3K 137 9
                                    

"W-wala naman. Kahawig mo sina Mr. and Mrs. Davis." Nagulat ako sa sinagot ng dad ni Allen. Napatango naman yung mom ni Allen.

"K-kahawig? Nagkakamali po yata kayo. Baka lang po malayong kamag anak ko yun. Hehe" tsaka ako tumawa ng awkward pero nakatingin parin sila sakin.

"Mom, dad tara na." Pagyayaya ni Allen kaya napatingin kami sa kanya.

"Tara na." Sabi nung dad niya.

Lumabas na kami at dahil magkahiwalay kami, nagkita kita kami dun sa may harap at sabay sabay na kaming naglakad papuntang parking lot. Arggghh ang layo kasi ng parking lot dun sa arrival
Ehhh. Tchhh

**parking lot**

Sumakay sa driver's seat si Allen habang nasa passenger seat naman yung dad niya. Tapos magkatabi kami sa backseat nung mom niya. Mmm. Ang bago nung mom niyaaaa. *Q*

"Ahh. Hija, pasensya ka na ha. Di kasi nakarating sina Mr. and Mrs. Davis eh. Di mo tuloy sila agad mamemeet." Ngumiti nalang ako at tumango sa mom ni Allen nung sinabi niya yun.

"Okay lang po. Diba po sinabi niyo susunod naman po sila pag gumaling na po yung anak nila? Hehe pwede ko naman po silang ma meet next time" nakangiti kong sambit.

"Oo naman." Nakangiti ding sambit ng mom niya.

"Mom, hatid lang namin kayo sa bahay at babalik din kami agad sa academy. May gagawin pa kasi kami eh. At saka may lakad pa kami bukas." Sabi ni Allen habang tinitignan ang mom niya sa rearview mirror, at ibinalik agad ang tingin sa daan.

"Sige lang. Mag ingat kayo ha."

**

Hinatid na namin yung parents niya sa bahay nila. Ang ganda nga nung bahay, este mansyon nila eh. Ano kayang feeling tumira dun? Haissstttt =___= masaya kaya magkapamilya? :((((

Mga 7pm na kami nakarating sa academy. Pagkadating, dumiretso kagad kami sa cafeteria kasi nagugutom na kami.

Nakota namin ang SC dun pero wala si Shena at Beth. Huhh? Nasan sila? Lumapit kami sa SC pero di muna kami umupo.

"Where's Shena and Beth?" I asked.

"Ahh. Nagtetraining sila para bukas. Susunod na kami dun mamaya. Sabay na kayo." Sabi ni Izzie.

"Osige." Sabi ni Allen.

"Sexy mo Haruna ah! *wiwit*" pang aasar ni MM at pumito pa kaya nagtawanan sila. Inisnaban ko nalang siya at sabay na kami pumunta ni Allen sa counter at umorder.

Dalawang sandwich at isang bottled water lang ang inorder ko kaya di ako gumamit ng tray. Bumalik na kami sa table namin at umupo. Nagtaka naman ako kasi lahat sila mukang gulat habang papalit palit ang tingin sakin at sa pagkaing hawak ko. Ngayon lang ba sila nakakita ng sandwich?

"Nande??" I asked, confused.

"DIET KA?!" sabay sabay nilang tanong na pasigaw. Dahil sanay nako, di nako nagtakip ng tenga pero napapikit ako. Tsss

"Hindi! Di lang ako gutom! Pero magugutom ako mamaya at alam ko yun! Hehe" sabi ko kaya nag make face lang sila at bumalik na sa pagkain.

Nang maubos na namin yung pagkain at inumin namin, dumiretso na kami sa training room. Pagkadating namin dun. Nakita kong may humahagis na kutsilyo sa foam na hugis tao at nanggagaling yung kutsilyo sa kawalan. At alam kong si Shena yun.

Sa may dulo naman nakita kong mag mga nakahilerang bote at tinatamaan ni Beth yun ng kidlat. Marami nading mga basag na bote. Pinalipad ko yung sarili ko nkasi gusto kong ilibot yung paningin ko kung san ako magtetraining.

The Ability UserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon