CHAPTER 16

5.3K 132 4
                                    

*kinabukasan*

Alas tres ng madaling araw nang magising ako. Nag unat unat muna ako. Umupo ako at humikab. 8am pa kami magbybyahe papunta sa Bulacan dahil yun yung lugar na sinabi ni Shena na lungga nung kaaway.

Tumayo ako at pumunta sa closet dala dala ang isang flashlight na nakabukas. Kumuha ako ng damit ko. Black leggings na hanggang ankle ko, black tshirt, denim jacket, tapos undies. Pinatay ko na yung flashlight at saka ako nagtungo sa banyo at naligo.

Nang matapos akong maligo, nagbihis nako at nagblower. Nilagay ko na din yung wallet ko sa bulsa ng jacket ko. Lumabas ako ng CR at nagsuot ng white na highcut na converse na may touch of black. Well yung outfit ko nato, dito ako komportable kaya ito yung pinili ko. Inbraid ko yung buhok ko na parang ganun kay Elsa at saka ako naglagay ng white na scarf sa leeg.

Lumabas ako ng dorm at saka naglibot libot muna sa academy. Napadaan ako sa caf at nakitang bukas na yon. Woah? Ang aga naman. Pumasok ako dun para umorder ng kape. Nang makuha ko na yung kape, umupo muna ako.

Habang umiinom, may nakita akong pumasok sa pintuan at nagulat ako nang makita ko si Izzie na nakapyjama's pa at ang gulo ng buhok. Mukang nagulat din siya nang makita ako.

"Huy! Ang aga mo naman!" Gulat niyang sabi at lumapit sakin.

"Hehe. Kadalasan nga dati alas dos ako gumigising. 3:30am na nga oh. Eh bat ikaw ang aga mo?" Tanong ko sabay higop ng kape. Woooh ang inetttt. Pero mas hot ako.

"Ahh. Wala lang. Para makapag prepare. Nga pala, 5am magkita kita tayong lahat sa SC Room. Nakaready na dun yung mga earpiece na gagamitin natin." Sabi niya. Ngumiti ako at tumango.

Umalis na siya at pumunta sa counter. Umorder din siya ng kape at naglakad na paalis. Bago siya lumabas ng pinto, tumalikod muna siya sakin at kumaway. Tinanguan ko lang siya hanggang sa umalis na siya ng tuluyan.

Inubos ko na yung kape at tinapon yung baso sa basurahan. Lumabas nako ng caf at saka naglibot ulit. Ang laki ng academy. Ang ganda pa. Woooosh. Tumingin ako sa relo ko at nakitang 4:30 am na. Pumunta muna ako sa CR at saka umihi.

Pagkalabas dumiretso nako sa SC Room. Nakita ko dun sina Ayumi, Bianca, Izzie at MM. Pumasok nako at umupo sa tabi ni Ayumi. Lahat sila nakabihis na din. Ehh nakakatamad i explain eh. XD

Maya maya bumukas yung pinto at pumasok na sila Allen, Andie at Nicco at nakabihis na din sila. Tumabi sakin si Allen at sila Nicco at Andie magkatabing umupo sa isang sofa.

"Ohayo" nakangiti kong saad kay Allen.

"Ohayo^^" nakangiti din niyang sabi sakin.

"Oh. Eto yung mga earpiece naten. Isuot niyo na yan" sabi ni Izzie at binigay samin yung mga earpiece namin at sinuot na yon. Pati sila ni MM sinuot na din yun. Alam niyo ba yung earpiece? Basta parang cellphone na sa tenga lang namin nakalagay. Hehe

"Hey" narinig kong nagsalita si Izzie. Parehas ko yung narinig sa personal at sa earpiece.

"Yow/yow" sabi naming lahat sa personal kaya narinig ko sila sa earpiece.

"Oh yan gumagana naman. Wag niyo aalisin yan ha. Nga pala, san sila Shena at Beth?" Sabi ni Izzie.

"Oo nga ang tagal nila ah" sabi ni Bianca at maya maya lang bumukas na yung pinto at iniluwa nun sila Beth at Shena.

"Bat ngayon lang kayo?" Mahinahong tanong ni Izzie.

"Huh? Sabi niyo kaya 5am. 4:59 palang kaya!" reklamo ni Beth at nagpout pa. Napafacepalm nalang kami.

"Tss. Oh eto na yung earpiece niyo" inabot na ni Izzie yung earpice nilang dalawa.

"Salamat. Haisttttt!" Sabi ni Beth at kinuha na nilang dalawa yung earpiece nila.

The Ability UserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon