CHAPTER 5

9.3K 211 18
                                    

Kaaalis lang namin ni Allen at kasalukuyan kaming bumabyahe.

Maliwanag na kasi tapos ng sumikat yung araw. May nakikita akong nag jojogging, o kaya naglalakad lakad, yung iba may dala dalang aso, may nakita din akong nagbabike tapos nagtatapon ng diyaryo.

Kailan ko kaya magagamit yung collapse?

Tanong ko sa sarili ko sa isip ko. Collapse. Yan ang pinakadelikadong ability sa lahat. Ha! Once na ginamit ko yan, pwede akong makasira ng kahit ano. Example, nasa may building ako, tapos kinontrol ko yan, pwede kong sirain yung buong building. Naalala ko kung pano ko nakuha yan.

*flashback*

Nandito ako ngayon sa tapat ng isang Junior High sa America. Basta school lang siya ng mga elementary.

Loot, Pyrokinesis, at Telekinesis palang yung abilities ko.

Maya maya lang may nakita akong isang batang babae na umiiyak tas may nakasunod sa kanyang limang babae na ang sama ng tingin sa kanya. Lumabas sila ng gate at lumiko sa may kanan. Sinundan ko sila pero malayo ako.

Lakad lang sila ng lakad kaya lakad lang din ako ng lakad. Malayo layo na din to sa school nila. Hanggang sa huminto sila sa may isang abandoned building. Nilibot ko yung paningin ko pero wala akong makitang tao.

Pagkahinto na pagkahinto nung babaeng umiiyak, huminto na din ako at sumandal sa may isang matabang poste. Sinilip ko sila at nagulat ako nang makitang binubugbog na nila yung babae. As in bugbog na parang Manny Pacquiao, basta ang lakas tas rinig na rinig ko.

Hanggang sa may marinig akong isang bagay na ikinagulat ko, parang cutter na binubuksan. Lamniyoyun?

*tik*tik*tik*

Dahan dahan lang yung tunog na para bang dahan dahang binubuksan yung cutter. Sumilip ako at saka ko nakita yung isang babae may hawak na cutter. Tas nakita ko yung umiiyak na babae, nakatingin siya sa cutter na takot na takot. Nung umamba yung babaeng may cutter na sasaksakin na niya yung babae..

"HEEEEEEELPPPP!!!!!!" buong lakas na sigaw nung babae tapos nagulat ako nung biglang lumindol sa may banda namin. Pero mas nagulat ako nang biglang gumuho yung abandonadong building sa likod nila.

Gamit yung telekinesis ko, nilayo ko yung mga bitak na babagsak sana sa kanila. Tumakbo ako papalapit sa kanila at naririnig ko silang nagsisigawan habang nakaupo at hawak yung ulo.

"Run! Get away from here!RUN!!!" sigaw ko sa kanila. Yung limang babaeng nambully dali dali tumakbo palayo hanggang sa naiwan nalang kami nung babaeng umiiyak parin hanggang ngayon. Tumigil na yung pag collapse nung building kasi lahat ng parte nasa baba na, tas may mga crack pa sa sahig.

Hinawakan ko yung babae sa magkabilang balikat niya. "Hey, are you okay?" Sabi ko habang sinusuri siya. Collapse. Yan ang ability niya. Siya ang may gawa nung nangyari sa building.

"Yes, I am. Please let's get out of here." Sabi niya.

"Wait." Nakipag eye to eye ako sa kanya. Nang dumaloy na sakin yung ability niya, bigla siyang nawalan ng malay.

Arghhhh ~ binuhat ko siya ng pa bridal style. Syempre ginamitan ko ng telekinesis para di mabigat noh. Naglakad ako pabalik ng school nila at dinala siya sa clinic. Saka ako umalis dun na parang walang nangyari.

*end of flashback*

Habang bumabyahe, nakaramdam na naman ako ng gutom. Haistttttt.

"Allen" tawag ko sa kanya. Tumingin siya sakin sandali.

"Bakit?" Tanong niya at tumingin na sa daan.

"Nagugutom ako." Sabi ko habang nakahawak pa sa tyan ko.

The Ability UserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon