CHAPTER 29

3.6K 98 26
                                    

Naligo na ako at saka nagbihis ng floral dress na long sleeve at above the knee tapos boots na color black. Nagsuot din ako ng denim kasi ang lamig.

Maya maya tumunog yung buzzer kaya lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa pinto. In-on ko yung monitor at nakita ko na si mommy, kasama sina dad, Carlo at Dustin.

Napangiti ako at saka binuksan yung pinto. Mahigpit ko silang niyakap lahat.

"Kunin ko lang po yung bag ko."

Pumunta nako sa kwarto at saka kinuha yung backpack kong may design na Kyoukai no Kanata. Nilagay ko dun yung cellphone ko at yung spare na nasa box pa din.

Lumabas ako ng kwarto at saka bu alik sa sala.

"Aalis lang kami ha. Kayo muna dito. Hehe byebye!" Paalam ko.

Nagpaalam din Sa kanila sila mommy tapos umalis na kami.

**

Nandito na kami sa restaurant daw namin. Grabe ang ganda! Parang di naman restaurant to eh. XD ang dami kasing chandeliers tapos yung mga tao eh halata mong mayayaman.

Pumunta kami dun sa VIP are na exclusive para daw samin. Parang normal lang din siya kagaya nung ibang mga tables pero ang pinagkaiba, mas maganda yung upuan. Hahaha

Umupo na kami at nasa may dulo ako. Katabi ko si Mom at kaharap ko si Dustin, kaharap naman ni mom si Carlo tapos nasa may gitang gilid si daddy.

May dumating na waiter tapos binigay na samin yung menu.

"Chiffon Cake and double espresso, if you please." Sabi ko.

Nilista naman nung waiter yung inorder ko. Nag order na din sila. Medyo naboboring ako kaya dumuko muna ako sa lamesa.

"Haruna, honey. Please show your respect, wag kang duduko sa lamesa." Sita ni mommy kaya umayos ako ng upo.

"Sorry, mom." Nginitian niya lang ako.

Maya maya lang dumating na yung mga inorder namin at nagsimula na kaming kumain.

**

Nandito kami ngayon sa mall dahil naisipan naming gumala. Cheap ba ang way ng paggala namin? Di ah! Ako lang kasi nag isip at nagyaya nito.

"Oh, anak. San tayo pupunta?" Tanong ni daddy.

"Gala po muna tayo. Hehe. May bibilhin din po kasi ako para sa condo ko eh." Sabi ko.

"Oh sige. Ano bang bibilhin mo?" Sabi naman ni mom.

"Tara po dun." Sabi ko at saka naunang maglakad papunta sa tindahan para sa mga gamit sa bahay.

Pumasok na kami dun at wala namang masyadong tao. Kumuha ako ng cart at nagtulak.

Kumuha ako ng dalawang malaking bote ng dishwashing liquid, dalawang plastic na may tig apat na rolyo ng tissues, isang box na may medium size na coffee maker, isang box na may blender, isang frying pan, whisk, at saka electric mixer. Naalala ko kasi nagluto ako ng pancake kahapon, tinidor lang yung ginamit kong panghalo, tapos malaking kutsara lang yung gibamit kong panghalo sa paggawa ko ng cake.

Binayaran ko yun sa cashier at saka pinabuhat kay Carlo yung mga plastic.

Sunod naming pinuntahan yung Robinsons Grocery. Kumuha din ako ng cart at nagtulak.

Iniwan muna ni Carlo yung mga plastic sa iwanan ng gamit at saka siya sumunod samin. Kumuha ako ng madaming packs ng pancit canton na iba't ibang falvors tapos mga noodles, nasa cup at nasa pack. Kumuha din ako ng dalawang malaking garapon na may Milo at yung isa Bearbrand. Kumuha din ako ng 10 boxes ng pancake mix tapos sobrang daming snacks.

The Ability UserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon