Chapter 14: Definitely, SHE'S BACK

2K 23 0
                                    

"MAMITAAA!!!" Sabay naming takbo at yakap sa kanya. Nag-group hug kami! I missed her so much, wait let me rephrase that WE missed her!

"Papatayin niyo ba ako ng maaga?" sabi niya kaya sabay din kaming kumalas sa yakap, pero di parin naming maalis ang mga ngiti. Nakatingin lang kami sakanya, speechless kami!

"Tara puntahan natin si CC, at turuan ng leksyon." Agad naman kaming sumunod without any contradictions, parang aso na sumunod sa master nila! We end up leaving our dates behind. AY Leche! Leaving THEIR dates behind! Agad namang nakita niya at dinukot talaga niya si CC ng literal, nakita ko pa nga si Ian na paglingon niya sa pwesto ni CC na biglang nawala, parang nagpapanic na. EPIC ang peys!

"Mamitaaa! Buti nakarating ka!" sabi ni CC habang yakap-yakap si Mamita, mga ilang minuto na siyang ganyan. Nakatayo lang kami at patingin-tingin sa mga relo naming kahit wala namang suot na relo.

"Oh? Tapos na drama mo?" sabi bi Liz. Napabitaw naman si CC sa pagkayap niya. Pinalibutan namin si Mamita, grabe di talaga ako makapaniwala nandito siya. 'Mamita' tawag namin sa kanya dahil, may pagkamaldita ang muhka niya! Para sosyal diba? Nag-migrate kasi siya sa Canada years ago because she found her 'so-called prince charming', grabe ang tagal narin!


She's our guardian angel! Actually, Mamita is our house mother noong nakatira pa lang kami sa dorm slash sorority house namin (Wag! Gayahin)noong college kami. Siya talaga ang naging ina namin back then, in times of problems mapa-school o love life problems siya ang linalapitan nila. Ako about school problems lang at stress kasi noon dahil napasali ako sa SG! Putragis nay an, dahil kasi 'dun marami akong nakaaway. BACK TO THE TOPIC!

"Ok sush girls! Cecile BA'T ANG AGA MONG NAGPAKASAL? BUNTIS KA BA? MALILINTIKAN KA SAKIN!" sakit sa tenga! Bagay talagang Mamita ang tawag namin sa kanya kita niyo pangalan palang! Pero may napansin ako, nung nagsabi siya ng word na 'buntis' napatingin siya kay Stephanie, or it was just my imagination?

"Tama ang edad ko sa pagpapakasal no! Nabasa niyo ba ang Arti----"

"OO NA!" sabay naming sabi, magdedefend pa eh!

"As I was saying, no I'm not pregnant! DUH! I found love Bow!" Neknek niya! I found-Ifound nayan!

"OH LIZZY! HINDI PARIN BA NABAWASAN ANG PAGIGING BUNGANGERA MO? AND WORSE PARANG LUMALA AH?"

"Hindi naman masyado." Sagot ni Liz, talaga Liz ah? Humanap naman si Mamita ng susunod niyang target . Napatingin siya, ang kanyang matatalim na titig which always gives me the creeps! Mamitaa! I have to be ready, not now lagot! Please not now, not now! Mag-iisip pa ako ng isasagot kung sakali man. Nakahinga naman ako ng maluwag ng tumingin siya kay Hana.

"HANA! I'M SO PROUD OF YOU!! SIKAT NA ANG LINE MO SA CANADA! PERO TAKE TIME TO REST OK? TIGNAN MO EYEBAGS MO KASING LAKI NI DUMBO!" laughtrip kami 'dun! Mamita, talaga astig kung makapang-asar kahit masakit.

"ZEN, ZEN NA SABON! HIMALA! NABAWASAN NA ANG PAGKA-BITCH MO! NAGTINO KA NGAYON AH? I'M SO PROUD OF YOU!" akala mo sinong dalaga ah?

"DUH, Mamita! Thank you sa may last part ng speech mo." Sagot ni Zen.

"ARAH, ARAH! NPA (No Permanent Address) PADIN? SAN KABA NAKATIRA NGAYON? SA JAPAN O SA PILIPINAS? MAMILI KA!! SAYANG ANG PAMASAHI! NATURINGAN PAMANDING AMBASSADOR AGAINST POVERTY AND HUNGER! SAN KA BA TALAGA HAH?" Nakakatakot na talaga swear! Buti malayo-layo kami sa mga tao baka naturingang party crusher pagnagkataon. Napatingin kami kay Arah

"50/50, HALF KAYA AKO!" seriously Arah? That's your argument? Nagtatawanan na naman kami well except for Mamita lagi lang smile ang pinapakita.

"STEPHANIE, ARE YOU OK DEAR? I HEARD WHAT HAPPENED." Pinalapit niya si Stephanie sa kanya at yinakap, napayakap tuloy kaming lahat na wala sa oras. " BAKIT BA KASI ATAT KA?" ganda na sana eh sinira naman agad ni Mamita.

The Heart Doctor ✔Where stories live. Discover now