Chapter 27: Mom's Words

1.5K 17 0
                                    

Tumakbo ako upang maabutan ko siya. I’m not too late right?  Naabutan ko ang Mama at ang ibang katulong, na nagliligpit ng ilang pinggan. Binilisan ko ang takbo papunta sa kanya, hinihingal ako habang nasa tabi na ako ng Mama. Napansin niya ako at nangunot ang noo nito. Huminga ako ng malalim. “M-Ma, si C-Cyl?”

“Hindi niya ba nasabi sayo? May meeting kasi, talaga iyon ngayon gabi. But he’s just too eager to see you so he cancelled and move the meeting just to see you here. E, wala narin akong magawa kasi miss ka raw niya. Nako, naglihim pa sayo. Ayun, nagmamadaling umalis.”  That man, unbelievable!

 Pumasok ako sa bahay at umakyat papunta sa kwarto ko. Dali-dali akong kumaripas papuntang kwarto ko at nag-lock. Kinuha ko ang phone ko. “I can’t believe I’m doing this.” I said as I stared at my phone. It’s not my nature to call a man’s digit. Tumatawag lang ako kapag work and family related ito. I dialled his number, it rang a few then it was cut.

I dialled again, and this time sinagot niya. “Ramo—“ Pinutol niya ang tawag! Pinutol ng langya! I tried again, and again pero hindi na talaga macontact. Naka-thirty calls ako sa kanya, pasalamat siya’t.. Naku! Naku!

I let you cool off Ramos. E teka nga Thia Ramos este Ferrer! Bakit ka ba namomoblema sa kanya? He said “He’s done.” Humiga ako sa kama ko and curled up like a ball. My gaahd! This situation is making me insane. He’s making me insane! Inabot ko ang phone ko, at tinignan ang digits niya. Namemorise ko na yata sa kakatitig nito. I touched the call button,

Dialling...

Connecting...

Call Ended..

Paulit-ulit, iyang nakakabubwisit na mga salita ang palaging nakikita ko. Ba ka, nakarating na’yun sa meeting niya. May meeting ba ng ganitong oras? Ang pagkakaalam ko, meron ganoon kasi kapag sa ospital. Yun palagi, nakakatamad pero enjoy naman. E kung itext ko kaya? ‘Talk to me’ SEND. Forwarded, again and again.

Please? Talk to me. Answer my calls.  Nakailang ulit akong text sa kanya. Grabe, ito ba ang feeling nang hindi nirereplyan? The feeling neglected and unimportant sucked. I never felt this way before! Ganito rin ba ang palaging nararamdaman ni Cyl kapag hindi ko sinasagot ang mgatawag at texts niya?  Is this some kind of revenge?

“Isabelle?” Rinig ko kasama ng ilang katok sa pintuan. Oh Ma! I hope you’ll see the invisible sign hanging in my door. ‘Do not disturb. Heart Break: On-going’ Where in the world did I get, Heart break? Come on! Hearts don’t break, well at least not literally or is it? Now I’m confused. I’ve studied years to be a Cardiologist but I still get confused upon this matter. That’s stupid Thia, really stupid.

Napasabunot ako sa buhok at napaupo. Ay ang pinto? Wala ng kumakatok, humiga nalang ako ulit. Siguro, akala ni Mama na tulog ako. I pulled up the bed covers upto my neck. Ng marinig ko ang pagbukas sirado ng pintuan.

Ghost please? Not now.Ramdam ko rin ang pagbigat sa may bandang paanan ng kama ko. Napatigil ako sa paghinga at nagpikit ng mata. “It’s not such a bad thing to listen to your heart, Isabelle.” The ghost said, I mean my mother. Malumanay ang kanyang pagsasabi sa bawat salita. Dali-dali akong umupo at humarap sa kanya.

 Magsasalita sana ako ng pinakita niya ang hintuturo niya sakin. Opo, tatahimik na! “Minsan, may mga bagay na hindi na kailangang pag-isipan, kailangan lang pakiramdam.” Lub-dub. Lub-dub lang naman po kasi ang tunog ng puso! Hindi ito nagsasalita, wala rin itong pakiramdam puro dikta lang ng utak.Come to think of it, the heart supplies at least 15% of cardiac input to keep the brain working. Ano ba talaga Thia? Naguguluhan na ako!

Napangiwi ako sa sinabi ng Mama. “Anong silbi ng utak kung hindi gagamitin? Nasa ibabaw nga ito para mag-isip bago makiramdam. At isa pa Ma, hindi nagsasalita ang puso, walang pakiramdam. Utak, utak ang nagdidikta sa lahat.”

The Heart Doctor ✔Where stories live. Discover now