Chapter Three

115 20 4
                                    

Blindfold

"TULONGGGGGGGGG!"

Napabalikwas ako ng higa. Hiningal akong umupo. Panaginip na naman. A fire. A plane crash. A blurry image.

'Yan lagi. Nagwawakas sa sigaw na TULONG ang panaginip ko. I asked my doctor about this. Maybe, this are the accidents from my unremembered memories.

Sinubukan kong muling matulog.

--

"Yas, bakit ang tahimik mo?" Tanong ko at tumawa. Natawa din siya.

"May iniisip lang." Aniya at tumawa ulit. Ganoon?

"Napapanaginipan mo pa rin ba?" Tanong niya. Bahagya akong tumango. Napasinghap siya.

Katahimikan ulit. "Si Angel? May balita ka ba sa babaitang 'yon?" Tanong niya bigla. Natawa ako. 'Yong babaeng 'yon. Mag bakasyon ba naman eh may pasukan pa?

"Wala. 'Di pa tumatawag. Umiiwas siguro sa pasalubong para sa'tin." Komento ko at tumawa. Tumawa din siya. Tumunog ang ring ng cellphone niya.

"Hello?... Oh, Jess, bakit?.. Ha? Sino?... Ano? Bakit daw?.. O'sige sige. Pupunta na." Aniya. Hinawakan niya nag kamay ko.

"Dems, alis lang ako saglit. Pinapatawag daw ako ni Dean. Babalikan kita." Aniya. Tumango ako at sinabing ingat siya.

Sa tantiya ko, mag-iisang oras na akong nakatayo dito at nakahawak sa railings ng rooftop. Nakakatawa. Mukha tuloy ako nagsa-sight seeing.

"Nandito ka pala.." Anang isang boses. Tsk.

'Yung lalaking feeling close na naman.

Hmm. Hindi ko siya pinansin. Titigil din 'yan. Seriously, I have this feeling that this guy is... hitting on me. I don't wanna assume, but, nevermind.

"Tara sa music room. Turuan mo na ko.." Aniya at tumawa. Hindi ko ulit siya pinansin. Wala akong pake. Gaya ng sabi ko, titigil din 'yan.

"Psh. Tahimik. Last time I checked bulag ka lang, ngayon pipi na?" Aniya at tumawa pa ulit. Humigpit ang hawak ko sa harang dito sa rooftop. Hindi ko maintindihan kung paanong nagagawa ng hayop na 'to na sagarin ang pasensya ko.

"Tanga ka ba? That's it. Bulag ako. Bakit ka magpapaturo?" Tanong ko at umiling. Sira ulo. 'Wag ako.

"Bulag ka lang, pero kaya mo." Aniya. "I can. But I may not." Sagot ko.

Kung hindi lang ako bulag, kakayanin ko. Pero bulag nga ako hindi ba?

Napailing ako sa inis. Ang tagal naman ni Yas. Ang sabi niya dadaan lang siya sa dean's office dahil pinapatawag daw siya. Pero, na saan na siya?

"Bakit ba nire-restrict mo sarili mo?" Aniya at tumawa. "You can, but you may not? Why? Bakit naman hindi mo ko pwedeng turuan?" Aniya. Napahinga ako ng malalim sa iritasyon.

"Bulag nga diba? Pu.." Hindi ko tinuloy pa ang kung ano mang sasabihin ko.

"Tsk. Halika." Aniya at hinila ako. Hinarap niya ko. Naramdaman kong hinawakan niya ang binti ko atsaka sinikop mula sa pagkakatayo. Anak ng--!

"Bitawan mo nga ko! Bwisit! Hindi ko kilala kung sino kang hayop ka pero napaka-feeling close mo! Kung balak mong kuhanin ang loob ko, I'm telling you! Your not gonna win!" Sabi ko at nagpumiglas. Sa pagpupumiglas ko natumba kami parehas.

Narinig ko pa ang mahina niyang pag-usal ng mura at natawa.

"Aray!" Sigaw ko. Bwisit. Ang sakit ng p'wit ko.

BlindedWhere stories live. Discover now