Chapter Ten

71 14 9
                                    

Sigaw Ko

Three more days. Three days to go for the eye surgery. Angel's flight in Greece is supposed to be now. But, here she is. Inside my room. Ang sabi niya, private plane nalang daw ng Tito niya ang susundo sakaniya mamayang madaling araw.

Of course, Angel's here means Elysa and Yas are here too.

"Hindi ko maintidihan kung bakit natatakot ako." Sabi ni Yas.

"Yas. Pare-parehas tayong natatakot."

"Anyways, buti pinayagan ka?" Pag-iiba ko ng topic kay Angel.

"Payagan nila ako or hindi, mananatili pa rin ako 'no. Wala kaya tayong formal goodbye." Aniya at tumawa. Tumawa nalang din kami.

"Hmp. Kainis ha!? Ni hindi mo pinagbigyan 'yung wish ko na tumugtog ka sa assembly!" Talak ni Angel. Umiling ako at napairap.

"'Di nga pwede 'di ba? Kailangan ko na mag-stay dito." Sagot ko.

"Excuses!" Napailing nalang ako.

"So, naka-ready na 'yung eye na idodonate sa'yo?" Tanong ni Elysa. Umiling ako.

"Baka bukas daw." Sagot ko. Naramdaman ko ang malalamig na magagaspang kamay na humawak sa braso ko.

"Dems, kinakabahan talaga ako." Bulong ni Yas ng may diin sapat na para marinig din nila.

"Ako rin pero mas magiging maganda 'to, hindi ba?" Wika ko at napabuntong-hininga.

"Dems. I'm happy for you. S-sa wakas, makakakita ka na." Napangiti ako sa tinuran ni Angel. I felt here arms enveloped around my body.

"Ano ba!? Naiiyak na si Elysa, Angel naman!" Sigaw ni Yas na mababakas sa boses na gusto ng umiyak. Nailing nalang ako.

Nagpatuloy ang kwentuhan namin sa mga walang kwentang bagay. Hanggang sa nagpasya na silang umalis.

Maya-maya ay nagpaalam na silang tatlo. Nagbukas ang pinto. Nakangiti ako sa direksyon nila at kumakaway.

"See you soon, Demi. Take care of the light." Angel's last words before she left.

Take care of the light. Can I?

--

Hours have passed. Ilang hinga nalang uumpisahan na ang surgery.

Sure I was nervous. Who wouldn't anyway?

"Anak, may bisita ka." Sabi ni Mommy.

Narinig ko ang pagbukas-sara ng pintuan. "Sino 'yan?" Tanong ko.

I was expecting it would be Sir Elmer but..

"Hi, Tria!" Anang isang boses at tumawa. His voice and laugh made me roll my eyes. The retarded seal.

"Alec?" Tawag ko. How come? Paano niya nalaman na nandito ako sa ospital na 'to?

"Paano mo nalamang nandito ako?" I mean... wala naman akong nasabi sakaniya. Unless may nagsabi.

"Nakita ko kasi tatay mo kanina paakyat dito. Saktong parehas kami ng daan na tinatahak dahil pupunta ako sa banyo. Gamit kasi nila ate Alexa 'yung banyo sa private room. Naka-confine kasi si Mama." Nagulat ako sa narinig ko.

"Anong nangyari?" Tanong ko. Alam kong may sakit ang mama niya dahil 'yun ang sabi niya.

"Nagka-seizure siya bigla." Bulong niya. "Nagpatulong kami sa Tito ko na ipagamot si Mama. Kaya pina-diretso na siya dito."

Hinigit ko ang hininga ko. So, totoo pala? Na may sakit mama niya?

"Uhh.." Hindi ko tuloy alam sasabihin ko. Hindi ko alam kung magsosorry ako o ano. Bakas kasi sa boses niya ang lungkot.

BlindedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon