Chapter Thirteen

58 14 31
                                    

Alec

Mabilis na dumaan ang panahon. Nag-summer classes ako. Kalahati ng vacation lang. Although may mga subjects ako na hindi pwede i-take.

I've been to Rome with my parents. Doon kami nagpalipas ng bakasyon.

Today is my second year in college. Nakasuot ako ng uniporme ng school namin. Mas naappreciate ko ito ngayong nakakakita na ko. One inch below the knee white pencil skirt and white blouse with the logo of our university.

Nagpagupit ako noong nasa Rome pa ako. Ang dati kong mahabang straight at brown na buhok ay umikli at naging itim. Natural na brown ang buhok ko pero mas gusto ko ang itim na buhok kaya pinakulayan ko.

"Nakakainis ka! Ang puti mo!" Sigaw ni Yas at hinablot ang buhok ko. "Bakit ang itim na!?" Aniya pa. Inirapan ko siya at tinampal ang kamay niyang nakahawak sa buhok ko.

"Pinakulayan ko." Sarkastiko kong sagot. Inirapan niya din ako.

It's been months since my surgery. Noong una, hirap pa ako. Nag-aadjust pa ako. Lalo na noong unang linggo. Liwanag lang naman ang problema dahil nasanay ako sa dilim.

"Ano oras first subject niyo? Papasok kayo? Tinatamad ako." Sabi ni Elysa at umupo. Umiling si Yas. "Kailangan pumasok." Oo nga pala. Humahabol ng Latin honors ang isang 'to. Kaya kahit minsan walang prof, pumapasok pa rin.

"Yas, walang prof. 'Wag ka masiyado magpaka-dakila." Inis na sagot ko. Tumawa si Elysa kaya't sinamaan niya kami ng tingin.

Binalewala ni Yas ang sinabi namin. Tumayo na siya at binitbit ang shoulder bag. "Alis na ko. Ten minutes nalang, first subject na namin." Aniya.

Tumango nalang ako. Naiintindihan ko naman si Yas. Scholar siya at mahalaga sakaniya ang pag-aaral niya. "Ingat." Paalam ko. Kinawayan niya ko pagkatalikod niya.

"Ikaw? Aalis ka?" Tanong ko kay Elysa na tamad na tamad sa pagkakaupo. Umiling siya.

"Mamaya pa. Susunduin ako ni JC." Aniya at humikab. "Kayo pa rin pala n'un? Akala ko break na kayo." Komento ko. Napangiwi siya sa sinabi ko.

"Hala. 'Di ah. Wala akong rason para makipag-break 'no!" Aniya. Nagkibit balikat ako. Akala ko pa naman, nakumbinsi na siya ni Angel noon. Wala naman akong kaso kay JC na boyfriend niya kaya 'di ko siya pinipilit na hiwalayan niya si JC.

'Di ko naman nakikilala pa 'yung tao e. Inaalala ko lang 'yung sinasabi nina Yas at Angel na nanloloko lang si JC. Anyways, wala pa naman akong alam kaya nananahimik muna ko.

"Bakit satingin mo nasabi nina Angel na nanloloko si JC?" Tanong ko at sumipsip sa juice sa harapan ko. Napasimangot siya.

"Ewan ko nga sakanila. Kapag tatanungin ko sila nagkikibit balikat lang sila." Aniya at umiling. Kakaiba talaga 'tong si Elysa. Kahit naiinis, kalmado pa rin.

Tumango ako. Sabagay, kahit ako rin naman ganoon maiinis. Wala pa silang masabing rason.

"Nga pala.." She trailed off. Tinaasan ko siya ng kilay. "Si Sir Elmer, alam mo ba 'yong issue sakaniya?" Kumunot ang noo ko.

"Anong issue?" Tanong ko. Wala akong nababalitaan kay Sir Elmer.

"Ah! 'Yung nakitang magka-date sila ni ano.. ah.. Sino kasi?" Aniya at nagkamot ng ulo. Sandali... Si Nurse Tin kaya?

"Si Nu--" hindi pa ako natatapos magsalita nang pumitik siya sa ere. "Kilala ko na!" Aniya at mahinhing tumawa. Si Nurse Tin nga.

"Si Miss Glain!" Utas niya at tumawa. Teka.. Miss Glain? Ano?

"Sino? Sino 'yun?" Tanong ko. Nagtataka ako. Sila ni Nurse Tin e. Alam ko 'yan.

"'Yung bagong teacher na kapatid ni Nurse Tin. Ang ganda niya grabe!" Nanlaki ang mata ko. Ano na naman 'to!? Akala ko ba si Nurse Tin at Sir? Mali ba assumption ko? Teka.. Ha?

BlindedWhere stories live. Discover now