Chapter Sixteen

52 11 17
                                    

No Strings Attached

"Malapit na debut mo." Boses ni Sir kaya nilingon ko siya. Pinipitas ko ang bawat petal ng mga bulaklak na nakikita ko.

Naglilibot kasi ako dito sa bagong bukas na park sa subdivision namin. Napupuna ko na nga ang masasamang tingin na ipinupukol nila saakin dahil sa kapipitas ko ng bulaklak.

Humalukipkip ako habang tinititigan siya. I want to say sorry but my pride... Kailangan ko nalang panindigan. No, my pride won't allow me to.

Hindi rin naman matatawag na kasalanan ang ginawa ko. No need to say sorry.

"About my issue with Nur--" hindi pa siya natatapos magsalita nang dumugtong na ako.

"Nah. I don't need any word from you. I don't know a thing. Remember?" I sarcastically said. Between me and Kuya David, I am always the rude one. The sarcastic ranter.

Tumango siya. "Stay away from it." Yeah, whatever. Tumalikod na ko at nagpatuloy sa pagpitas ng bulaklak.

"Anyways, back to the topic. Next month na ang debut mo. Any requests?" He asked. Sinabayan niya ko sa paglalakad at inakbayan. Damn. This man is really tall. Buti matangkad din ako.
"Don't make it too grand. I want a simple birthday celebration." I said and took a glance at him.

"I don't think so your parents would allow that. They'd always want the best for you. 'Wag mo ng subukan ipilit, magtatalo lang kayo. Sila din ang mananalo." Huminto ako sa paglalakad at tiningnan siya.

"But I am the celebrant! They should deal with what I want." Inis kong sabi. Umiling siya kaya napa-irap ako sa inis.

"As if they would listen at you. Matigas ang ulo ng anak, paano nalang ang magulang?" Tinalikuran ko na siya dahil alam kong talo ako. Magmumukha akong tanga kung ipipilit ko pa.

On my past birthdays, palaging may party. Kahit noong bulag pa ako. I want a simple party dahil ayoko na makisalamuha pa sa mga pinsan ko sa mother's side.

Masiyadong maaarte. Nakakainis pa minsan ang kaplastikan.

"O?" Sagot ko sa tawag. Nag-papiano ako dito sa kwarto ko nang tumunog ito.

"Tria." Napahinto ako sa pagtipa. Inalis ko sa tainga ko ang cellphone. Tiningnan ko ang caller at nabasa ko ang pangalan ni Alec. Ibinalik ko sa tainga ko ang cellphone at nagsalita.

"Kailangan mo?" Tanong ko at tumayo. Lumabas ako sa veranda at tiningnan ang kalangitan. Hindi malinaw ang kalangitan. Big form of clouds enveloped it. Uulan panigurado.

"Wala. Anong ginagawa mo?" Humikab ako.

"Tumutugtog kanina kaso tumawag ka. Istorbo ka, alam mo?" Pinagsikapan kong magtunog galit ang boses ko.

Tumawa siya. "Talag? Such an honor. Pft." Aniya at humagalpak sa tawa. Gusto ko siyang murahin. B'wisit talaga.

"Mang-asar ka pa, ibababa ko 'to." Banta ko. Tumawa ulit siya.

"E'di patayin mo." Wika niya at tumawa ulit na agad kong sinunod. Akala ba niya nakikipag-lokohan ako? Akala ba niya pipilitin ko siya at magpapa-baby ako? You wish.

Tumalikod na ko. Tumawag siya ulit pero 'di ko na sinagot. Kapal kasi ng mukha. I am not an ordinary woman. Not at least his ideal ordinary woman.

Humiga na ko at hinayaan ang cellphone ko. Tumunog siya ng tumunog pero 'di ko na pinansin.

--

Maaga akong nagising dahil may pasok pa ko ng alas siete. I checked the time on my phone. Nanliit ang mata ko sa bumungad sa'kin.

BlindedWhere stories live. Discover now