Chapter Twelve

63 13 16
                                    

Behind Success 

Huminga ako ng malalim. Tatanggalin na ang benda ko.

"Hintayin nalang po natin si Doc. May meeting pa po siya e." Anang nurse. Tumango ako. I am nervous for heaven's sake.

Nakarinig ako ng yabag at pagsara ng pinto. Lumabas yata ang nurse.

"B'wisit!" Sigaw ni Yas. Kasama ko silang dalawa ni Elysa sa kwarto ko. Problema nito?

Kumunot ang noo ko. "Problema mo? Pft." Nagpipigil tawang tanong ni Elysa. Ano bang mayroon?

"'Yung nurse kasi e! Nakakaloka. Nakita mo ba 'yung suot niyang palda? Ang ikli! Lumalabas pa hati ng dibdib niya! Respeto sa sarili 'te meron ka!?" Natawa ako sa pag-aalburoto niya. 'Yun ang kinaiinis niya? Pft.

"Alam mo Yasmin, kung naiinggit ka lang kasi siya merong dibdib, sabihin mo nalang. Pft." Natatawang asar ko.

Sinabi kasi sa'kin nina Angel, dalawa likod ni Yas. Harap at likod. Natatawa tuloy ako.

"Ulol ka Demi! Tigilan mo ko ha! B'wisit!" Sigaw niya at padarag na naglakad at nakarinig ako ng malakas na kalabog ng pinto.

Napuno ang silid ng malalakas na tawanan namin ni Elysa. Naramdaman ko ang pag-batok niya saakin. "Pft. Tumigil ka na ha? Mamaya masapak ka ni Yas." Aniya at tumawa pa. Ang sarap niya pa namang tumawa kaya nadala ako. Minsan talaga, tatawa ka hindi dahil nakakatawa 'yung sinabi nila. Matatawa ka kasi sa mismong tawa.

Humupa ang tawanan namin. Huminga ako ng malalim upang makasagap ng hangin. "Teka Dems, paano 'yan? Next sem ka pa papasok ulit? Hmp. Sayang." Wika niya.

Ako man, nanghihinayang. Halos kalagitnaan na ng sem noong huminto ako pansamantala. Sayang. 'Di tuloy ako makakasabay sakanila mag-graduate. Unless mag summer classes ako.

Hmm. Summer classes.

"Summer classes kaya? What do you think?" Tanong ko. Tumango siya.

"Mas maganda, Dems. Magbabakasyon na niyan dahil araw nalang ang bibilangin bago mag-finals." I need to attend summer classes.

Yes. Summer classes.

"Pwede ba 'yun? Kasya ba? God. Isa o dalawang buwan? Kaya ko ba?" Baka kasi 'di p'wede ang isang buwan.

"Dems, 'wag ka ngang mag-overacting. Para namang ang tagal mong nawala." Base sa tunog ng boses niya, alam kong pa-irap niyang sinasabi iyan.

Tumango ulit ako. Sabagay. Kaso, bakasyon. Tinatamad ako.

Napalingon ako sa banda ng pintuan ng may kumatok dito. Hindi ko man nakikita. Pinapakiramdaman ko kung sino ang papasok.

Narinig kong sumipol si Elysa. "Sino?" Pabulong kong tanong.

"Parents mo at si Doc." Sandaling nahigit ko ang hininga ko sa sinabi niya.

Naramdaman ko ang hawak ni Mommy sa kamay ko. At ang presensya ni Dad sa ka-bilang side. Tumikhim ako.

Madaming in-explain si Doc, pero ni isa walang tumatak o pumasok sa isipan ko. Isa lang ang nakalagay sa utak ko.

At ito ang makakakita na ko. Sa wakas.

"..'yun. Kaya patabi lang po sandali Mr. Corpuz." Nagpalit yata sila ng p'westo ni Dad. Hinawakan ng kung sino ang balikat ko at nasisiguro kong si Doc ito.

Hinawakan niya ang benda sa likuran ng ulo ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa sarili ko. Parang tumigil ang lahat.

Ang pagdaloy ng dugo ko, ang hininga ko, ang pagpintig ng puso ko, at ang pagka-manhid ko sa nangyayari. Lahat tumigil. Parang nawala ako sa sarili ko.

BlindedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ