Chapter Forty-nine

43 3 0
                                    

Make Love To Me

Everything passed by a blur. Alec and I met the wedding organizer just last month. Next week would be our wedding and we want it to be perfect. Magtatravel kami bukas ng hapon sa Puerto Galera. Well at least before we will get married, we had a small date as non-married couple.

Itinigil niya ang makina ng sasakyan, "I will pick you up before 1AM. No boys please," natatawa akong tumango. Today is my bridal shower. Mayroon din siyang stag party na gaganapin sa Raven Manila. We are at Valkyrie since this is the best bar for me.

He doesn't want to have a stag party pero ay pinilit siya nila Sir. He just shrugged and let it all flow. We kissed goodbye and then I entered the club. Saka lang yata siya umalis pagkapasok ko. Sinalubong ako nila Yas at Elysa.

White shift dress and a pair of black platform slingbacks is what I'm wearing.

Iginiya nila ako sa isang private space. Nasa loob ang mga kaklase at mga naging kaibigan ko dati.

"The soon-to-be-bride is here!" sigaw ni Che. One of my classmates before. Dinumog nila ako kaya't natawa ako.

"Never thought ikaw ang unang matatali sa inyong magkakaibigan. I mean, back then, you are one hell of a rude woman who shows no interest when it comes to love!" aniya.

"Well, expect the unexpected they say," sagot ko. Natawa nalang kami pareho. Umalingawngaw ang malakas na trance music.

"Woman! Come here! Do the honor!" lumapit ako sa kinaroroonan ni Yas. Pinalibutan ako ng mga kaklase ko. Masuyo niyang iniabot saakin ang bote ng Hennessy at dali ko itong binuksan.

Nagpatuloy lang kami sa pagkukwentuhan.

"Saan kayo nagkakilala?" tanong ni Aizle. Napangiti ako sa tanong niya. I found the right words and spit them out of my mouth.

"Well, it was six years ago. Nagkakilala kami sa school. I was at the music room and he happened to be there too. At first, iritado ako sakaniya but then, I just found myself craving for his presence," ani ko. Nagtilian sila sa kinuwento ko. I am not actually as vocal as I am right now, before.

"Grabe 'no? Nakasama ko dati 'yang si Alec sa isang project. He's smart and very strategic. He has a good sense of humor. Kaya nga nagkacrush 'tong si Lindsay sakaniya dati e!" napalingon ako kay Lindsay na pinapalo si Shake.

"Hoy! Hindi ah! Sabi ko lang ang gwapo niya! Wala akong sinabing crush ko siya," depensa niya. If I am still the Demetria I used to be years ago, pauulanin ko talaga ng irap 'tong babaeng 'to.

With an apologetic look on her face, she looked at me.

"Sorry, Dems. Hindi naman totoo 'yon e," aniya. Natawa ako at umiling.

"Ano ba! Wala 'yon. Matagal na rin naman," sagot ko. Humingi pa siya ng paumanhin saakin at sinapak si Shake.

This two are the crazy duos back then. They used to be the kind of 'bff-always-and-always'.

"Si Demi may Alec na, si Yas may Cronn, ikaw Elysa?" napalingon ang lahat kay Elysa na tahimik na nakaupo sa tabi ko. Nag-iwas siya ng tingin at nagkibit-balikat.

"Teka lang, anong may Cronn ako? P'wede ba!" iritang turan ni Yasmin. Nakangiti akong humarap sakaniya. Pinandilatan niya ko ng mata kaya't natawa nalang ako.

"Anyways, as a part of the party, meron kaming 3 questions and a dare for you, Dems. Game na?" nanlalaki ang mga mata kong nilingon si nurse Tin.

"Ano kamo?" gulat kong tanong.

BlindedWhere stories live. Discover now