Chapter Fifteen

47 10 24
                                    

Agenda

Magkatitigan kami ni Nurse Tin. For the people she value and love the most, she's willing to sacrifice. I want to salute her bravery for sacrificing. But, it's so irritating specially on my part. I want them to end up together. I've been with nurse Tin and I must say she's kind and all.

"O. Anong ginagawa mo dito, Demi?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Sir Elmer..

Kasama si Glain.

Glain was smiling at my direction. While Sir Elmer looked at with confusion. Nagtataka pa siya na nandito ako, e palagi naman akong nandito noong bulag pa ako.

Hindi ako plastik na tao. Kumukulo ang dugo ko kay Glain. Ewan. Naiinis ako sa mga taong lagi nalang pinag-sasakripisyohan. And I hate it na wala pa siyang ginagawa naiinis na ko.

I nodded at Glain. I am rude, yes. Given na iyon. Pero hindi ako sobrang sama para hindi siya i-approach. P'wede na 'yon. Kaysa irapan ko siya.

Nilingon ko ulit si Nurse at tumaas ang kilay ko ng nakangiti siya ng malawak kina Glain.

"Tin! 'Di na ko sasabay pauwi sa'yo mamaya huh? Niyaya ako ni Elmer mag-date e. Ihahatid niya naman daw ako." Nakangiting sinabi ni Glain at ikinawit ang braso kay Sir.

Liningon ko ulit si Nurse at  nakitang masayang masaya siyang tumango. Halos humiwalay na nga ang ulo niya sa katawan niya sa kaka-tango at masayang nakangiti.

Tumawa siya. "Oo naman! Hoy Elmer! Ihatid mo kapatid ko ha? Baka mamaya i-tanan mo." Pabirong sinabi ni Nurse.

"Anong masama kung itanan niya ko Tin?" May bahid na inis na saad ni Glain. Nanlaki ang mata ko at tiningnan siya. Nakataas ang perpekto niyang kilay kay Nurse at inis ang mababakas sa mukha.

Tinapunan ko ng tingin si Nurse para makita ang reaksiyon niya. Umiling siya. "Hindi naman sa ganon, Glain. Nagbibiro lang naman ako." Aniya at ngumiti.

Napairap ako at hinarap sina Sir. Tumayo ako at pinakatitigan si Glain.

"Seriously, miss? Ganiyan ang ire-react mo sa sinabi ng kapatid mo? Goodness." Tunog dismaya kong sinabi at tiningnan siya. Nanlaki ang mata niya at inilipat sa'kin ang tingin niya mula sa kay nurse Tin.

Naramdaman ko ang kamay na humawak sa braso ko. "Demi.." May bantang sinabi ni nurse. Hinawi ko ang kamay niya at nakipagtitigan kay Glain.

Iritang umiling si Glain at inirapan si Nurse. Tumalikod siya at nag-walk out.

"Bilisan mo Elmer! May date pa tayo." Aniya. Hindi agad sumama si Sir kay Glain. Tinitigan ako ng mariin ni Sir.

"'Wag ka ng makisali dito, Demi. Wala kang alam." Aniya at umalis. Nang nasa pinto na siya ay lumingon ulit siya.. Ngunit hindi sa direksyon ko.

Malungkot at tila nahihirapan ang ekspresyon ng mga mata niya. Malungkot siya. Pero nagawa niyang ngitian si Nurse. "Hi Tin!" Aniya at umalis.

One thing's for sure.

Sir loves nurse Tin deeply. Dahil kung hindi, hindi maglalabas ng ganoong ekspresyon ang mata niya. Ang mga mata niyang nakadirekta lamang sa isang babae. Mga matang nakatoon lamang kay Nurse Tin.

"Wala ka pang alam, Demi. 'Wag ka munang makisali." Aniya. Tinapunan ko siya ng naiiritang tingin.

"Okay Fine! Wala pa kong alam. But at least wake up, Nurse Tin! Sure, she's your sister, pero 'yung ugaling 'yon? Pinagbibigyan mo!?" Inis kong sabi. Tumawa siya.

"I told you, you don't know a thing." Saad niya. Umalis ako doon at lumabas. Ano bang dapat kong malaman!?

I don't get her. Ang kitid ng utak noong Glain. Kainis.

BlindedWhere stories live. Discover now