Chapter Four

107 22 12
                                    

More Than

Naka-upo lang ako habang hinihintay si Sir Elmer. Tapos na ang session namin ni Alec. Mahirap nga lang siyang turuan. Hindi ko maipaliwanag ng maayos sakaniya.

"Ang tagal naman ng sundo mo," aniya. Kanina pa kami dito sa labas ng music room.

Napairap ako. "Wala naman kasi nagsabing hinatayin mo ko." Inis na sabi ko. Nakakainis. Kanina pa 'to nagrereklamo. Malamok, matagal, mainit. Ewan ko sa'yo.

"Easy. 'To naman oh. Joke lang." Pambawi niya. Napailing ako.

"Kaano-ano mo ba 'yang si Sir Elmer?" Tanong niya bigla. Nagkibit balikat ako. "Uncle." Sagot ko. Narinig ko ang pagbulaslas niya ng 'Ahh'.

"Saan ka niyan after finals?" Tanong niya ulit.

"Hindi ko pa alam." Sagot ko. Napasinghap siya.

"Wala kang kwenta kausap," komento niya at tumawa. Nagkibit balikat lang ako at hindi siya pinansin. Natigil siya sa pagtawa at tumahimik. Walang umiimik saamin.

Kanina pa siya salita ng salita pero hindi ko pinansin. Bakit? 'Di naman kami close. I only know him by name, I only know his reason why he wants to learn piano, but not his personality.

This? Him laughing like a psychopath? Seems like he's a carefree and a jolly person. But, what if he's just like that cause I'm doing him a favor? I don't know. That's why I don't easily trust him.

Madalas may mood swing siya. Tatawa na parang tanga pagkatapos tatahimik bigla. Parang sira. Tsk.

Tulad niyan. But a minute or two, he'll return to his normal aura. Alec who laughs like a retarded seal.

"Bakit ang tahimik mo? Ganiyan ka ba talaga? Teka--may kaibigan ka ba?" See? He'll be the retarded seal again.

"Tahimik ako kasi wala naman akong sasabihin. Oo, ganito talaga ako. Oo, may mga kaibigan ako." Sagot ko at huminga ng malalim.

"Talaga? Sino?" Ang daldal naman nito. So, he's trying to open up a lively conversation huh? Really, Alec? With me?

Patulan na nga. Sabagay, med'yo boring nga.

"'Di mo sila kilala." Sagot ko nalang.

"Kaya nga tinatanong 'di ba?" Ani niya at tumawa.

"Bakit mo kailangang malaman?" Balik tanong ko. Natigil ulit siya sa pagtawa.

"Okay, okay.." Simula ko. "Una si Yasmin, tapos si Elysa, tapos si Angel." Sagot ko sa tanong niya.

Tahimik pa din siya. Ito yata ang first time ko magkwento sa iba tungkol sa mga kaibigan ko. Nagpatuloy ako..

"Si Yas, pinakamatanda sa'min. Dean's lister. Matalino. Humahabol din ng Latin honors kaya minsan busy.." I trailed off. He is still silent so I continued..

"Elysa. Matino. Kungbaga walang kapintasan. And Angel, the complete opposite of Elysa."

"I bet kilala mo ang tatlong iyon. Lalo na si Angel." Sambit ko.

"Yasmin Cruz, naka-group ko siya sa project noong isang araw lang. Elysa Carix girlfriend ng kateam ko sa basketball. And Angel Peralta, nakikita ko siya palagi sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko." Sabi niya na ikinabigla ko. Pinagtatrabahuhan?

"Nagta-trabaho ka? Working student?" Tanong ko, naguguluhan. Ilang taong na ba 'to?

"Oo. Kailangan ko ng pera. Hindi ako mabubuhay kung hindi ako magta-trabaho." Sagot niya. Tumango ako.

BlindedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon