Chapter 2

34.3K 1K 53
                                    


GAYA ng habilin ni aling Clara ay maagang gumising si Tyrone at agad nagtungo sa airport. Inagahan nito ang pagpunta sa airport na hindi niya alam kung bakit napasunod siya ng matanda ng ganun kadali. Kung tutuusin ay ganitong oras ay natutulog pa siya. Pero, ito siya ngayon nasa airport at naghihintay sa pagdating ng nagngangalang Mizzy.

Nakajogging pants lang si Tyrone at sando na pinatungan niya ng jacket. Nakahood ang jacket niya upang hindi siya makilala ng mga taong nakakakilala sa kanya. Nagsuot din siya ng sun glasses na kulay black.

Makalipas ang ilang minutong paghihintay niya sa labas ng airport ay tinawagan siya ni aling Clara. Agad niya itong sinagot.

"Tyrone, nasaan kana nasa labas na daw ng airport si Mizzy." Anang kausap niya. "Nandito na po ako sa labas ng airport manang." Saad nito sa mababang tuno. Agad naman niya inilinga ang mata sa paligid. Pinag-aralan niya ang bawat kakabaihang naroon. At isang tao ang umagaw ng pansin ni Tryrone. May katangkarang babae at balingkinitan nitong katawan. Kahit napaka simple lang ng suot nito ay makikita mo parin ang taglay nitong ganda. Agad nitong pinatay ang tawagan at nilapitan niya ang babae.

"Hi Miss, ikaw ba si_Mizzy?" Tanong dito ni Tyrone.

"Huh! Bakit po, ikaw ba si Sir Tyrone?" Tanong din niya sa binata.

"Yes! I am, let's go." Anito sabay kuha ng walang pasabi ang dalang travelling bag ni Mizzy. Wala naman nagawa si Mizzy kung ang hindi sumunod dito.

Nang marating nila ang kotse ni Tyrone kung saan niya ito inipark ay agad nitong inilagay sa passenger seat ang ang bag ni Mizzy. At agad siyang gumawi sa driver seat. Agad na binuksan ni Mizzy ang passenger seat upang doon maupo ng mapansin ito ni Tyrone.

"Dito ka sa front seat maupo, hindi mo ako driver." Pasupladong ani Tryone kay Mizzy. Nakasimangot namang isinara ni Mizzy ang pinto at lumipat ito sa front seat.

"Tst! Ang suplado, nagmemenopause na siguro." Ani Mizzy sa isip.

Bago binuhay ni Tyrone ang sasakyan ay tinanggal muna nito ang suot niyang jacket. Doon tumambad kay Mizzy ang gwapong boss. Kaya halos malaglag ang panga niya sa pagkabigla. Hindi kasi ito ang inaasahang magiging boss niya. Parang gusto tuloy niyang bumaba ng sasakyan at tawagan na lang si aling Clara at sabihing magtaxi na lang siya. Ngunit wala itong nagawa ng paharurutin na ng kasama ang sasakyan. Kaya itinuon na lang nito ang mata sa labas ng sasakyan.

Habang nasa byahe sila ay bigla naman tumunog ang cellphone ni Tryone. "Paki sagot ang phone ko, nagadrive kasi ako." Utos nito kay Mizzy.

"Sige po, nasaan po ang cellphone niyo?" Magalang nitong tanong.

"Wag mo akong i-po, hindi pa ako matanda. Ang phone ko ay nasa bulsa ko, pakikuha na lang." Anitong kinalaki ng mata ni Mizzy.

"P-po....?"

Gulat itong napamaang sa binata.

"Sabi ko kunin mo ang cellphone ko sa bulsa ko." Pag-uulit nito. Samantala naaaliw naman si Tyrone sa reaction ni Mizzy sa pinag uutos niya dito. Namumula kasi ang mukha nito na nagpapatingkad sa taglay nitong ganda.

"E-eh! Boss naman e, bakit kailangan ako pa ang kumuha dyan sa bulsa niyo. Pwedi naman kayo at ako lang ang sasagot." Anito sa binata na nagpipigil na wag mapangiti.

"I told you, I'm driving. Gusto mo bang maaccident tayo dito sa daan?" Tanong niya kay Mizzy na agad umiling.

"Ayaw ko pang mamatay, hindi pa ako nagkakaboyfriend at lalong hindi pa ako nakakapag asawa." Walang preno nitong turan sa binata. Saka lang nito narealize ang katabilan ng bibig ay ng mapatanga ang binata dahil sa sinabi niya. Kaya agad nitong natikom ang bibig.

Falling In Love With Me(Completed)Where stories live. Discover now