Chapter 10

28.4K 907 27
                                    

KINABUKASAN ay maagang nagising si Mizzy at kung pano sila natulog ni Tyrone ay ganun parin ang position nila. Nakayakap parin sa kanya ang binata na kinangiti niya. Nakasanayan na siguro ni Mizzy ang maagang nagigising sa umaga kahit anong pagud niya. Maingat nitong tinanggal ang kamay ni Tyrone ngunit mas lalo lang itong humigpit ang pagkakayak na ginawa kay Mizzy. Kaya marahang tinampal ng dalaga ang kamay ng binata na bahagya lang umungol.

"Zane Tyrone, come on wake up. Nakakahiya sa parents mo baka isipin nila may ginawa na tayong milagro dito kapag tinanghali tayo ng bangon." Anito kay Tyrone. Ngunit parang wala lang itong narinig.

"Zane.....wake up." Muling panggigising niya dito na nilalaro ng mga daliri niya ang mukha ng binata.

"Hubby.....!!!!"

Habang pilit ginigising ni Mizzy si Tyrone ay napapangiti ng lihim ang binata. Dahil ang totoo ay gising naman talaga ito, nagtulog-tulogan lamang siya.

"Babe.....!!!!

Dahil sa tinawag ni Mizzy sa kanya ay parang napaka sexy nitong pakinggan. Kaya dinilat ni Tyrone ang isa niyang mata. At kita nito ang nakangiting si Mizzy. Ang sabi nila ay makikita mo ang tunay na ganda ng isang babae kung bagong gising ito. At sa nakikita niya ay masasabing mas lalong gumanda sa paningin niya ngayon ang dalaga. Walang bahid ng kung ano ang mukha nito ngunit naroon parin ang gandang taglay nito.

"Give me five minutes more babe at babangon na." Anito sabay nakaw niya ng halik sa labi ni Mizzy. Agad naman tinampal ni Mizzy ang braso nito ng mahina.

"Hey! Luko ka, but ka nanghahalik e hindi pa nga ako naghihilamos." Ani Mizzy na nakasimangot.

"It's okey babe, your still beautiful kahit kakagising mo lang." Anitong kinangiti niya.

"Ewan ko sa'yo, bumangon ka na nga dahil tapus na ang five minutes na hiniling mo." Anito kay Tyrone na muling pumikit at isiniksik lalo ang mukha sa leeg ni Mizzy.

"Zane ano ba, tsinelasin na kita. Buong magdamag kana nga nakayakap e." Saad nito sa binata sabay tampal nito sa braso ni Tyrone. Ngunit parang baliwala lang ito sa binata. Kaya tinigilan na lang ni Mizzy sa kakakulit na bumangon dahil mukhang walang balak itong bumangon. Nilaro na lang ng dalaga ang buhok ni Tyrone habang hinihintay niya itong bumangon. Habang nasa ganun silang position ay biglang bumukas ang pinto at lumuwa doon ang ina ni Tyrone na nakangiti. Agad din naman sinara ng ina ni Tyrone ang pinto at hinayaan silang dalawa.

Makalipas ang ilang minuto ay nakaramdam ng pagkainip si Mizzy kaya inabot nito ang tawagan ni Tyrone sa side table malapit sa kanya. Agad nitong binuksan ang iPhone ng binata at nakita nitong maraming message sa binata pero hindi naman niya binubuksan kaya pinakyalaman yun ni Mizzy.

'Hi! Honey, I miss you. Bakit hindi na kita nakikitang nagpupunta sa ACH?'

Basa ni Mizzy sa unang message na inopen niya. "Malamang loyal siya sa panliligaw sa'kin at pagmamahal." Anito sa isip. Muli nitong inopen ang next message.

'Honey, sino yung girl sa IG mo? Nakaka sakit ka ng heart. I miss you na talaga.'

Anang next message kay Tyrone.

'Hon, anong meron sa girl na yun sa IG mo na wala sa'kin? Magaling naman ako ah! Kayang kaya kitang paligayahin.'

Basa ni Mizzy sa message na kinaismid niya. "Ang lalandi niyo talaga, ayaw na nga sa inyo ng tao e nagsusumiksik parin kayo. Tst! Manigas kayo dahil over my dead body kung ipapahimas ko pa sa inyo ang abs niya. His mine and only mine now. No one can take him with me." Anitong nakaramdam ng inis. Lahat ng message kay Tyrone ay binura yun lahat ni Mizzy.

Falling In Love With Me(Completed)Where stories live. Discover now