Chapter 18

26.3K 806 19
                                    

NEAR END

ANG lahat ng GSB at ang mga kasama nilang NBI ay handang-handa na ang mga ito. Handa narin si Dave sa pwesto nito bilang sniper at look out ng grupo. Ang nagkukunekta sa kanilang lahat para magkarinigan at magkaintindihan ay mini microphone na nakakabit sa kanilang mga tainga.

"Mr. Lee, please manatili ka na lang dito at kami na ang bahala. Don't worry at sinisigurado naming makakaligtas ng maayos ang pinsan mo." Ani Frank kay Shun. Nasa labas sila ng bahay ni Jae-Wa kasama ang ilang grupo ng NBI sa pamumuno ni Renan at Brexx.

"Pero_

_Mr. Lee, magtiwala ka sa'min. Para narin ito sa siguridad mo." Singit ni Renan sa usapan ng mga ito.

"Okey..."

Ayaw man ni Shun na gawin ang gusto ng mga ito ay napilitan siyang manatili kasama ng ilang NBI na naroon. Dalangin nito ay mailigtas nang mga ito ng maayos ang pinsan niya.

"This is GBS, Jeb. All location is cleared, over." Ani Jeb. Kaya agad na nagsipaghanda ang mga kasama niya para isagawa ang mission nila.

"Copy bro, over."

Sagot ng dalawang team. Agad ngang kumilos ang dalawang grupo. At agad na pumasok ang grupo ng GBS sa loob ng bahay ni Jae-Hwa. Sa likod ng malaking bahay dumaan ang magkakaibigan. Samantalang nakaantabay naman sa harap ng bahay ang grupo ng NBI.

Daig pa ng magkakaibigan ang ninja ng akyatin nila ang bakod upang makapasok sa bakuran ng malaking bahay ni Jae-Hwa. Gabi ng isagawa nila ang opirasyon dahil ayaw nilang makalikha ng ano mang ingay, kaya walang kaalam-alam ang nasa loob ng bahay ni Jae-Hwa na napasok na pala ito ng GSB.

NANG magising naman si Mizzy ay namulatan nitong hindi pamilyar sa kanya ang silid na kinalalagyan niya. Maayos naman yun ngunit hindi niya alam kung kaninong kwarto iyon.

"Nasaan ako?" Tanong nito sa sarili ng magising siya at mahimasmasan. Maya't maya ay naalala niya kung ano ang nangyari kaya bigla itong napaupo ng tuwid.

"Hey! Palabasin niyo ako dito." Sigaw ni Mizzy mula sa loob ng kwartong kinalalagyan niya. Agad nitong kinalampag ang pinto.

"Manahimik ka dyan kung ayaw mong malintikan." Saad ng nasa labas ng pinto. Nakaramdam naman ng takot si Mizzy kaya nanahimik ito at napaupo sa sahig.

"Babe, if you really love me. Please come here and save me." Naisatinig ni Mizzy.

"Patunayan mo ngayon ang mga pangako mo sa'kin at kapag dumating ka ay maniniwala na ako sa'yong mahal mo talaga ako ng totoo." Anito sabay patak ng butil ng luha mula sa kanyang mga mata.

SA kabilang banda naman ay tahimik na nakapasok ang magkakaibigang GSB ng walang kahirap-hirap sa loob ng bahay ni Jae-Hwa. Maging ang grupo ng NBI na pinamumunuan nila Renan at Brexx ay nakapasok din ng tahimik sa bungad ng malaking gate.

Agad na natuhog nang baril ng mga NBI ang nakatalagang mga security guard sa mean gate ng bahay ni Jae-Hwa. Kaya hindi nakakilos ang mga ito at nakagawa ng ingay lalo pa at agad pinusan ito ng mga NBI at isinakay sa dala nilang mga sasakyan.

Ang grupo naman ng GSB ay kanya-kanya ang mga ito nga go signal kung saan sila pupunta. Ngunit agad na nagsign si Elejah na meron tao sa loob kaya hindi sila makakapasok sa loob ng malaking bahay.

"Let me handle this mga bro." Ani Elejah sa mahinang boses.

Agad nga siyang pumasok sa loob ng bahay habang abala sa paglalaro ng cards ang dalawang lalaking naroon. Dahil sa akala ng dalawa na isa lang sa mga kasama nila ang lumapit kaya hindi nila ito pinagkaabalahan pang tingnan. Agad kinalabit ni Elejah ang dalawa ng tuluyan siyang makalapit sa mga ito. Kaya napaangat ang mukha ng mga ito na siyang sinamantala ni Elejah. Agad ginamit ni Elejah ang natutunan niya sa martial arts na isang ataki mo lang sa kalaban ay makakatulog na ito ng wala sa oras.

Falling In Love With Me(Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat