Chapter 7

30.9K 861 24
                                    

LUMIPAS ang araw na laging pinaparamdam ni Tyrone kay Mizzy kung ga'ano ka special ang dalaga para sa kanya. Ngunit hindi naman siya nito minamadaling sagutin ang nararamdaman para sa kanya. Natutuwa rin sa kanya si Mizzy ngunit hindi nagpapahalata ang dalaga. Ika nga nila pakipot muna ng kunti.

Nagleave rin si Tyrone sa trabaho dahil sigurado na talaga ito sa binabalak niyang sasama sila ng dalaga sa Monte Silva Cruise patungong Australia.

"Babe, maghanda ka ng gamit natin. Dahil sasama tayo kay Kurt sa Monte Silva Cruise." Anito kay Mizzy na naghuhugas ng pinagkainan nila sa kusina sabay yakap nito sa dalaga mula sa likod. Mula ng aminin nitong may nararandaman siya sa dalagang kakaiba para sa kanya ay 'babe' na ang naging endearment niya sa dalaga.

"Talagang seryoso ka sa bagay na yan." Anang dalaga na patuloy sa ginagawa. Hindi na nito pinagkaabalahan pang lingonin ito. Baka kasi halikan naman siya nito at mahirap ng iwasan dahil pakiramdam ni Mizzy ay nakakalasing ang labi at halik ng binata.

Kaya nga hindi na magtataka si Mizzy kung bakit maraming babae ang humahabol dito. Gaya na lang noong isang araw na may tinayaran ang kapatid ni Tyrone na babae. Nagpupumilit kasi itong kausapin si Tyrone ngunit nagkataon namang dumating ang kapatid ni Tyrone kaya ito ang humarap sa kanila.

---flashback----

NANG gumaan ang pakiramdam ni Tyrone kinabukasan ay nagpasya itong pumasok sa opisina at isinama niya si Mizzy.

Pagtapak palang ni Mizzy kung saan ang sariling pag-aari ni Tyrone na kumpanya ay namangha na ang dalaga. Nakasuot lang si Mizzy ng simple dress na natatakpan lang ang tuhod niya sa haba at pinarisan niya ito ng sandals. Kung mag-aayos si Mizzy ay hindi ito mahihiyang makipagsabayan sa katawan nila Erich Gonsalez, Maja Salvador etc.

Dahil sa nagpark pa ng kotse si Tyrone ng dumating sila sa kumpanya nito ay naunang pumasok sa lobby ng kumpanya si Mizzy. Bawat nakakakita sa kanya ay namamangha sa aking ganda nito. At ang paghangan yun na makikita mo sa mga kalalakihang nagtratrabaho sa kumpanya ni Tyrone ay hindi niya gusto. Mizzy is only for him and he don't want to share with anyone.

"Babe, let's go." Anito kay Mizzy na agad ipinulupot ang isa niyang kamay sa baywang ng dalaga. Hindi pa ito nakuntento at dinampian pa niya ng halik ang labi ni Mizzy ng lumingun sa kanya ang dalaga. Halos magkulay kamatis ang magandang mukha ng dalaga dahil sa hiya. Halos lahat ng mga taong nakasaksi ay nagulat sa inasta ni Tyrone. Oo, nga certified playboy ito ngunit hindi naman ito ang klase ng tao na PDA. Kaya nagulat ang mga nakakita sa ginawa nito. Si Tyrone naman ay gusto lang nitong iparating sa mga itong si Mizzy ay sa kanya lang. Ika nga kung ano ang puno ay siya rin ang bunga. Kaya saan pa nga ba magmamana si Tyrone sa pagka possessive sa babaeng gusto kung hindi sa ama nitong si Sean.

Agad inakay ni Tyrone si Mizzy sa lift at dahil may nakasabay sila sa loob ng lift ay hindi inalis ni Tyrone ang kamay niya sa baywang ni Mizzy. Hanggang sa bumukas yun kung saan ang floor ng mismong opisina ng binata.

"Good morning, Sir, Ma'am." Bati sa kanila ng secretary ni Tyrone.

"Morning, too." Ganti nito sa secretary at nginitian naman ito ni Mizzy.

Agad inakay ni Tyrone si Mizzy papasok sa opisina nito. Pagkapasok pa lang nila ay bumungad agad sa mata ni Mizzy ang isang family portrait na naroon sa opisina ng binata at unang beses pa lang niya yun nakita. Dahil wala naman ganun sa bahay ni Tyrone. Pinakatitigan niya ito at selos ang naramdaman niya. Hindi man lang kasi niya nakita ni picture ng kanyang ama, tanging ina lang nito ang nakita niya.

"That's my Mom, my Dad and my sister." Ani Tyrone kay Mizzy.

"Kamukha mo ang daddy mo. Pero ang mata at kilay ay sa mommy mo." Anitong nakangiti. "At ang kapatid mo ay napakaganda." Walang halong biro nitong kumento.

Falling In Love With Me(Completed)Where stories live. Discover now