Chapter 4

31.7K 956 29
                                    

PAGKAALIS ng mga kaibigan ni Tyrone ay agad iniligpit ni Mizzy ang mga pinagkainan nila. Madali lang naman siyang natapus magligpit. Ng matapus siya ay agad siyang lumabas ng kusina at nagpasyang pumunta ng kwarto niya bago siya magsimulang maglinis sa dapat niyang linisan sa loob ng bahay ni Tyrone.

"Magbihis ka at aalis tayo." Boses ni Tyrone na halos ikatapilok ni Mizzy dahil sa gulat. "I'm sorry kung nagulat kita." Hinging paumanhin nito ng makitang nagulat niya si Mizzy.

"It's okey, saan tayo pupunta?" Anitong hindi makatingin ng tuwid kay Tyrone na kampanting nakaupo sa couch kung saan ang sala.

"Uhm! Bibili tayo ng mga gamit na kailangan mo dito sa bahay. Maggrogrocery narin tayo dahil tiyak mapapadalas ang panggugulo ng mga kaibigan ko dito." Saad nito kay Mizzy.

"Sige po, magbibihis lang ako." Anito at nagmadali ng umakyat patungo sa kwarto niya.

Agad na naghanap ng maisusuot niya si Mizzy. At dahil wala naman siyang gaanong matinong damit ay napili na lang nitong magsuot ng feated jeans. Pinarisan niya ito ng slim long-sleev shirt na bahagya niyang tinupi hanggang siko at ininsert niya ito sa suot niyang feated jeans. At dahil hindi naman siya nagsusuot ng high heels ay sinuot na lang nito ang flat shoes niyang mayron siya. Ang mahaba nitong buhok ay hinayaan lang niyang nakalugay. Naglagay din siya ng kunting poweder sa mukha at ng masiguro ang ayus niya ay agad nitong sinukbit sa balikat niya ang kanyang bag bago siya nagpasyang lumabas ng kanyang silid.

Pagkababa niya ay nakita nitong nakapikit ang mga mata ni Tyrone habang hinihintay siya nito. Kaya agad siyang tumikim ng tuluyan siyang makalapit dito.

"Ehmmm....boss?"

Dahan-dahan naman nagmulat ng mata si Tyrone at doon bumungad sa kanya ang mukha ni Mizzy. Upang itago ang paghanga sa dalaga ay agad itong tumayo mula sa pagkakaupo.

"Let's go." Aya nito kay Mizzy at nagpatiuna na siyang lumabas ng bahay at agad tinungo ang kotse niya. Nakasunod lang naman dito ang tahimik paring si Mizzy. Ng makapasok silang dalawa sa sasakyan ay agad din itong pinaharurut ni Tyrone at sa V-mall agad silang tumuloy. Ng marating nila ang V-mall ay nagsuot muna si Tyrone ng baseball cap at sunglasses bago siya lumabas ng sasakyan. Hindi na hinintay ni Mizzy na pagbuksan siya ni Tyrone ng pinto dahil nagpatiuna na itong bumaba ng sasakyan.

Sabay silang naglakad papasok ng V-mall at dahil weekend ay marami ang tao sa V-mall. Habang papasok sila sa entrance ng V-mall ay may nakasabayan silang ilang grupo ng mga kalalakihan at nasa mata ng mga ito ang paghanga ng makita nila ni Mizzy.

"Tol, ang ganda ng chicks oh!" Anang isa na ang mata ay nakatuon kay Mizzy.

"Mukhang hindi pinay, tol." Sigunda naman ng isa.

"Mukhang turista mga tol." Saad naman ng isa sa mga ito.

Dahil sa narinig ni Tyrone ay agad nitong hinapit sa baywang si Mizzy na kinabigla ng dalaga pero nagkunwaring ayos lang siya. Natahimik naman ang mga lalaking pinag-uusapan si Mizzy ng makita nila ang inasta ni Tyrone. Dahil ang akala ng mga ito ay walang kasama ang dalaga.

"Thank you, boss." Pasalamat niya dito ng makalayo sila ng tuluyan sa grupo ng mga lalaking kanina ay pinagtitinginan siya.

"Your welcome. Tara at maggrocery muna tayo." Aya nito kay Mizzy na binitawan na niya sa pagkakahapit dito sa tagiliran. Nakahinga naman si Mizzy ng maayos ng medyo malayo sa kanya ang boss. Kung magkalapit kasi sila ng boss niya ay parang tumitigil ang pag-inog ng mundo niya na hindi niya maipaliwanag.

Agad silang nagtungo sa grocery station para mamili ng kailangan nila sa kusina at iba pa. Tulak-tulak ni Tyrone ang cart samantalang si Mizzy ay nakahawak lang sa cart.

Falling In Love With Me(Completed)Where stories live. Discover now