Special Chapter

32.9K 872 29
                                    

SA paglipas ng mga taon ay nanatiling matatag ang pagsasama nila Zane Tyrone at Mizzy bilang mag-asawa. Masaya sila kasama ang tatlo nilang anak. Yes! Nakatatlo agad si Tyrone. Ika nga e masipag siyang magtanim sa gabi.

Biniyayaan silang mag-asawa ng dalawang lalaki at isang babae. At ang panganay nila. Ayun minana lang naman niya ang ugali ni Zane Tyrone noong binata pa ito. Ang pangalawa nilang anak ay minana naman nito ang ugali ni Mizzy. Tahimik pero saksakan ng kapilyohan. At ang bunso nila ay pinaghalong ZT at Mizzy.

“Daddyyy,” sigaw ng bunsong anak nila ZT. Agad naman napatingin dito si Tyrone dahil sa sigaw ng anak nilang pababa ng hagdan. “Daddy si kuya Zaid po nilagyan niya ng spider ang bag ko.” Umiiyak na sumbong ng bunso nilang kinailing ZT. Sinumpong na naman ng kapilyohan ang anak nilang si Zaid Marvey.

“Zaid Marvey.”

Tawag ni ZT sa pangalawa nilang anak. Kakamot-kamot naman itong bumaba at lumapit sa kanya habang nasa kanadungan niya ang bunso nilang anak na umiiyak.

“Ano na naman ang ginawa mo sa kapatid mo?” Tanong agad dito ni ZT ng makalapit ang anak.

“Dad, it's a prank. Hindi po real spider ang inilagay ko sa bag niya.” Mabilis nitong paliwanag.

“Stop doing that with your sister. Alam mo namang madaling matakot. Ilagay mo sa tama ang pagbibiro mo, dahil minsan hindi nakakatuwa.” Pangangaral nito sa anak. Sa paglipas ng panahon ay naging matured na talaga ang pag-iisip ni Tyrone. Kung noon e puro kalukuhan at kapilyohan ang alam niya ay ngayon ibang Tyrone na ang makikita mo. Mapagmahal na asawa at ama ng mga anak nila.

“Oh! Ano naman ang nangyari dito?" Tanong ni Mizzy na kararating lang kasama ang panganay nila. Galing silang grocery at naiwan ang mag-ama niya.

“Mommy, tinakot ko po si Princess.” Pag-amin naman ng pangalawa nilang anak na si Zaid. “At bakit mo naman siya tinakot. Diba sinabihan kana ng daddy mong wag mong i-prank yang kapatid mo?” Anito kay Zaid.

“Sorry, Mommy.” Agad nitong paghingi ng sorry. Ganun ang mga anak nila. Kapag alam nilang mali ang ginawa nila ay agad magsosorry ang mga ito. Pero kung tama sila ay mangangatwiran talaga ang mga ito.

“Kuya, bati na tayo.” Anang bunso nila kay Zaid. Agad naman itong napangiti. “Okay! Let's watch Tom and Jerry.” Yakag nito sa kapatid.

“Mom, Dad can I play basketball with my friends?” Biglang saad ng panganay nila. “Okay! Go ahed. Pero ayaw ko ng gulo. Uwi ka agad.” Ani Mizzy.

“Yes! Mom.” Anito sabay halik kay Mizzy bago ito kumaripas ng takbo palabas ng bahay nila.

“Yang anak mo, nagmana talaga sayo.” Ani Mizzy ng balingan niya ang asawa. “Thank you.” Ani Tyrone sa halip na sagotin ang tinuran ng asawa.

“Thank you for what?” Taka nitong tanong kay Tyrone. “For everything. I'm the luckiest man on earth because I have a wife like you. At mga anak na masunurin. Hindi man perfect ang buhay mag-asawa natin pero kuntento na ako at laking pasasalamat kung dumating ka sa buhay ko.” Saad nito kay Mizzy na napangiti.

“Ikaw talaga. Don't thank me. Ako dapat ang magpasalamat dahil ang isang playboy na gaya mo e nagbago dahil minahal niya ang isang probinsyana. I love you hubby.” Anito kay Tyrone sabay halik niya sa labi ng asawa na agad nagtagal dahil hindi niya pinakawalan ang labi ni Mizzy.

PAGSAPIT ng bandang tanghali ay kunot noo na napasilip si Tyrone sa bintana mula sa loob ng bahay nila. Naririnig kasi niya ang ingay mula sa labas ng bahay nila. At napailing na lang siya ng makita kung sino ang nasa labas bahay nila.

“Hello everyone.” Sigaw ng isa sa mga bagong dating.

"Kuya Asher Jade." Sigaw ni Zia na agad tumakbo palapit kay Asher Jade. “Hey! Princess.” Agad naman ginulo ni Asher Jade ang buhok ni Zia.

Falling In Love With Me(Completed)Where stories live. Discover now