Chapter 9

29.5K 860 38
                                    


KUNG hindi lang siguro kapareho din ni Tyrone nang liko ng bituka ang mga kaibigan niya ay ipinasalvage na niya ang mga ito. Wala siyang kaalam alam na nandito ang mga ito sa bahay ng magulang niya at take note kung sino ang pasimuno, si X na pinsan niya. Pinakita talaga nito sa mommy niya ang picture nila ni Mizzy noong time na tulog silang dalawa na kinunan ni X.

"Oh! My God, anak she is beautiful like me." Anang kanyang ina ng makita nito si Mizzy. Napangiti naman si Mizzy dahil sa tinuran ng ina ni Tyrone.

"Magandang hapon po ma'am." Magalang na bati ni Mizzy sa ina ni Tyrone. Kung maganda ito sa larawan niyang nakita ni Mizzy sa opisina ng binata ay mas lalo pala sa personal. Akala nga niya ay namamalik mata lang siyang kamukha ni Scarlett Johansson ang ina ni Tyrone. Yun pala ay hindi dahil magkahawig na magkahiwig ang dalawa. Kaya hindi mo tuloy maiaalis sa isip mong baka kambal ang dalawa.

"Magandan hapon din sa'yo iha and please don't call me ma'am, tita na lang please." Anang ginang kay Mizzy.

"S-sige po t-tita." Anitong nahihiya at kinakabahan.

"Son, she is beautiful like me. I like her at gusto kung lagi siyang makakwentuhan." Anang ina ni Tyrone sa kanya. "Sure, Mom, basta wag mo lang araw-arawin." Makahulugan nitong turan sa ina na agad nakuha ng ginang.

"Abah! Iho, pati ba naman ako ay pagdadamutan mo sa girlfriend mo kahit ina mo ako. Nakakatampo ka Zane Tyrone." Kunwari ay pagtatampo-tampuhan ng kanyang ina na bahagyang kinindatan si Mizzy na kinangiti ng dalaga.

"Mom, naman. Hindi kita pinagdadamutan. Alanganin namang kami ni Daddy ang magdate araw-araw." Anitong nakasimangot na siyang kinatawa ng mga kaibigan niya.

"Maiba tayo ng usapan, nasan si Cynth?" Maya ay tanong niya ng hindi makita ang kapatid.

"Magkasama sila ni Aslea Dennisse, doon daw siya matutulog sa bahay ng tito Aljhon mo." Anang kanyang ina. "Ah! Magkasama na naman pala ang dalawang yun, tyak hindi na naman mapaghiwalay ang mga yun." Naisatinig ni Tyrone sa ina.

GAYA ng inaasahan ni Tyrone ay walang bukang bibig ang mga kaibigan niya kundi siya. Laking pasasalamat niya at nitong nagdaang mga araw ay hindi niya nakakasama ang buong clan. Kundi baka sabunin siya ng mga ito ng kantyaw at baka maging si Mizzy ay matakot pa sa mga ito.

Matapos ang halos walang humpay na panunukso at pambubuko ng mga kaibigan ni Tyrone sa kanya ay tamang-tama namang nakahanda ang dinner na pinahanda ng ina ni Tyrone. Kaya ang lahat ay dumulog sa mesa kung saan nakahaing ang pinahanda ng ginang.

NANG magpasyang magsiuwian ang mga kaibigan ni Tyrone ay nagpasya rin siyang uuwi na sila ni Mizzy ng maunahan siya ng kanyang ina.

"Pinalinis ko ang kwarto mo anak at wag niyong tangkaing umuwi kundi hinding-hindi ko kayo papansin at kikibuin." Pananakot nito.

"Mom, naman." Naisatinig ni Tyrone.

"Anong mom, ka dyan. Hindi ako nagbibiro Zane Tyrone. I'm serious at papansinin ko lang kayo kung mabibigyan niyo ako ng apo." Anitong kinabigla ng dalawa. Si Mizzy naman ay napayuko ito dahil pakiramdam niya ay umakyat ang lahat ng dugo niya sa mukha.

"Wag mo na nga pakialaman pa ang anak mo dahil malaki na. Hayaan mo kung ano ang gusto at diskarte niya sa buhay." Ani Sean sa asawa.

"Wag kang makialam kung ayaw mong matulog sa labas ng kwarto." Anitong pinandilatan si Sean. Kaya napakamot ng batok si Sean dahil sa tinuran ng kanyang asawa.

"Son, ikaw na ang bahala sa mommy mo. Ayaw kung matulog sa labas ng kwarto dahil malamig matulog sa guest room." Ani Sean kay Tyrone sabay ngiti nito ng nakakaluko na kinakamot ni Tyrone ng ulo.

Falling In Love With Me(Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora