Chapter 12

27.5K 804 29
                                    

LUMIPAS ang araw na masasabing masaya ang buhay ni Mizzy sa feeling ni Tyrone. Kahit na nasa iisang silid silang natutulog ay walang ginagawang milagro ang binata. Ayaw daw umano nito pwersahin ang dalaga hanggat hindi pa ito ready. Kaya pa naman daw niya maghintay in the right time.

-Kung mahal ka niya ay handa siyang maghintay. Kung totoo ang hangarin niya sa'yo ay hindi ka niyang mamadaliin. Ika nga ang mga lalaking panandalian lang ang pagmamahal na nararamdaman para sa'yo ay mamadaliin ka niyan hanggang bumigay ka. Sa tamang salita ay isang paghanga lang ang naramdaman niya para sa'yo at ikaw naman ay nahulog sa kanyang mabubulaklak na panunuyo. Ang sampaguita ay hindi mamumulaklak ng talong kaya mag-isip ka muna.

Ika nga wala sa kama ang totoong pagmamahal, dahil hindi doon nasusukat ang pag-ibig. Ang pagmamahal ay hindi basehan ang pagbukaka kundi kung ano ang kaya niyang gawin para sa'yo na ikakabuti mo at ikakasaya. Parang pera at kanin lang yan, hindi mo pweding piliin ang isa kundi ang dalawa. Dahil aanhin mo ang pera kung walang kanin, aanhin mo ang kanin kung wala kang pera. Oh! diba ang gulo? Pero may paraan naman para hindi maging magulo choose the two things. Nakuha niyo ba ang pinupunto ko? I know hindi niyo nakuha....pinaikot ko lang ang mga isip niyo dahil puro kayo pag-ibig.

Peace tayo!

Oh! Ito na. Kung magmahal ka ay dapat wag mong pairalin ang puso o isip lamang. Dapat mong pag-isahin ang isip at puso. Ang iba kasi puro puso ang pinairal kaya ang labas ay 'umiiyak ang puso't humihiyaw' dahil 'wasak na wasak ang puso' mo. Dahil naniwala ka sa 'I Love You Forever' yun pala isang buwan lang inabot niyo e pinagluluko ka na niya.

Oh! Yan, wag puro 'love in the air' sabay sabing 'love is blind' thats why I love him/her.

"Babe, what are you doing?" Boses ni Tyrone na nagpatigil kay Mizzy sa binabasa niya.

"H-huh! ito binabasa ko itong isang post sa FB. Nagtuturo kuno about pag-ibig, babe. And I'm not sure kung may boyfriend ba 'to." Anito sa nobyo na hindi siya maunawaan.

"May nabasa rin ako dito na yung mga single daw ay sila yung mga magagaling humugot. Nabubuhay daw sila sa internet." Dagdag nito sa binata.

"Nhaaaa....hayaan mo sila babe. Get up, may pupuntahan tayo." Anito kay Mizzy.

"Saan?"

"Sa concert ni Austin." Sagot nito sa nobya. "Uhm! Siya ba yung boyfriend ng kapatid mo babe?" Anito sabay lapag ng hawak na tawagan.

"Umm....it's him." Sagot nito sabay buhat kay Mizzy. At dahil sanay na siyang ganun ang ginagawa sa kanya ni Tyrone ay ipinulupot na lang nito ang mga kamay sa leeg ng binata.

At habang patungo sila sa kanilang silid ay panay naman ang halik ni Tyrone sa dalaga na natatawa na lang sa ginagawa ng binata. Dahil mukhang wala na itong kapaguran pagdating sa kanya. Wala itong sawa sa pagpaparamdam sa kanya kung gano siya nito kamahal.

Agad na nagbihis ang dalawa. At hindi pa sila nakakalabas ng kanilang silid ay siya namang pagtunog ng tawagan ni Tyrone. Kaya agad niya itong sinagot ng makita kung sino ang tumatawag.

"Oh! But napatawag ka Martinez?" Bungad niya dito.

"Gusto lang kitang paalalahanan na concert ko ngayon sa Araneta. This time ay hindi dapat kayo mawawala lahat kundi isa-isahin ko kayong hihingan ng tig-fifty pesos. Abah! Ni isa nga sa inyo hindi nagpapakita sa mga mall tour ko, even tour abroad ay hindi niyo man lang ako sinamahan." Anitong kunwari ay nagtatampo.

"Ang dami mong drama Martinez, gusto mong mabasag ang two balls mo?" Saad dito ni Tyrone.

"Umm! Ang sama niyo talagang mga kaibigan, bakit ko ba kayo naging kaibigan?" Anitong kinangisi ni Tyrone.

Falling In Love With Me(Completed)Where stories live. Discover now