Chapter 13

27.2K 817 21
                                    


MATAPUS ang concert ni Austin ay sa restaurant agad ni Mark tumuloy ang magkakaibigan. Lahat kasi sila ay nakaramdam ng gutom. Kaya napagkasunduan nilang lahat na bago sila magsipag uwian ay dun na muna sila dadaan.

"Babe, ang cute ng aso oh!" Ani Mizzy ng makita niya ang asong akay-akay ng may-ari nito habang nasa daan sila. Bahagya kasing nahinto ang sasakyan sa pagpapatakbo ni Tyrone dahil sa traffic light.

"You like dog, babe?" Curious nitong tanong sa nobya.

"Yeah! Meron noon aso si lola pero nasagasaan ng truck kaya namatay. Kaya mula noon wala na kaming aso. Gustong-gusto kung magkaroon sana pero wala akong mahanap na pweding ampuning aso." Anitong biglang nalungkot ng maalala ang aso ng lola niya.

"I have a dog, too." Ani Tyrone.

"Talaga, pero nasaan?" Nagtatakang tanong nito.

"Binigay ko sa kamag-anak sa side ni Dad. Ang girlfriend kasi ng kaibigan kung si Yugene ay takot sa aso." Sagot nito.

"Lahat kaming magkakaibigan ay nagkasundong bawal mag-alaga ng aso sa bachelor village." Saad pa nito.

"Why? Dahil ba kay Aslea Dennisee, right, yun ang name ng girlfriend ni Yugene?" Anito.

"Uhm! pinagbibigyan I mean ginagawa namin 'to for her dahil narin sa thankfull kaming lahat at nabuhay pa siya. Muntik na kasi siyang mamatay noon. Kaya halos kalahati sa clan namin ay baby Princess ang tawag sa kanya kahit hate niyang tinatawag siyang ganun." Paglalahad nito sa nobya.

"Huh! Bakit anong nangyari sa kanya, babe?" Curious nitong tanong.

Bahagya namang piningot ni Tyrone ang ilong ng nobya sabay ngiti nito. "Umm! Meron siyang sakit noon. Saka naming lahat nalaman na meron siyang sakit na tinatago ay noong sinumpong siya ng sakit niya, sa party na dinaos sa mansyon ng lolo ni Kurt. Kaya itinakbo namin sa hospital at doon nga namin natuklas na meron siyang heart problem I mean sakit sa puso. Kaya kinailangan siyang magkaroon ng heart transplant. Pero hindi ganun ka dali naging buhay niya sa hospital. Agaw buhay na nga siya ay kinidnap pa ng mga taong pangsariling interest lang ang alam at gustong gawin sa buhay. Pero dahil sa tulong ng buong clan at mga kapolisan ay nabawi namin siya agad at naibalik sa hospital." Pagkwekwento nito.

"Oh! My God, kaya pala ganun niyo siya pahalagaan." Naisatinig nito.

"Um! Rain like her, too. But AD like him like a big brother. But that was before, noong hindi pa niya nakikita si Raids." Pambubko nito kay Rain.

"Kahit sino naman siguro ay magkakagusto sa kanya sa ganda ba naman ni AD." Kumento nito.

"Yeah! Pero si Yugene lang ang love niya, first love niya ang lukong yun. At si Yugene ay parang ako lang din yan, certified playboy noon pero nagbago ng makilala niya si AD." Saad pa nito.

"Nhaaaa....e parang lahat naman kayo playboy e." Anitong nakasimangot.

"Hindi ko itatanggi babe, halos lahat nga kami pero nagbago ng makita namin ang babaeng nagpatibok ng puso namin." May pagmamalaki nitong aniya.

Dahil napahaba ang usapan nilang dalawa ay hindi nila namalayan ay nasa MA restaurant na pala sila. Kaya agad inipark ni Tyrone ang dalang sasakyan bago niya pinagbuksan ang nobya. Magkahawak kamay silang pumasok sa restaurant ni Mark at gaya ng inaasahan ni Tyrone ay close ang restaurant dahil buong barkada ang naroon. Halos kasabay lang nila Tyrone na dumating si Duncan na kasama si Danica. At si Austin na nakaakbay sa kapatid ni Tyrone na si Hyacinth.

"Ang tagal niyo naman." Reklamo ni Rain sa mga ito.

"Gusto mong mabasagan ng isang balls?" Sikmat dito ng nakangising si Brexx. Kararating lang din nito kasama si Kathryn.

Falling In Love With Me(Completed)Where stories live. Discover now