Chapter 6

30.1K 961 40
                                    

GAYA nga ng pinangako ni Tyrone kay Mizzy ay maayos silang nakarating ng bahay. Kahit na napakabigat na ng pakiramdam niya ay pinilit parin niyang patakbuhin ang sasakyan ng maayos. Habang ang dalaga naman ay subrang nag-aalala sa nakikita nito sa binata. Alam niyang subrang sama ng pakiramdam nito dahil panay ang daing nito. Kaya naman pagkarating nila ng bahay ay nauna ng bumaba si Mizzy sa sasakyan at agad gumawi sa kabilang side kung nasaan ang binata.

Agad nitong inalalayan si Tyrone na nanghihina na dahil sa sama ng pakiramdam niya. Kaya ang dalaga na ang nagbukas ng pinto at agad niyang inalalayan paakyat sa kwarto niya si Tyrone.

Pagdating nila sa misong silid ni Tyrone ay agad kinapa ni Mizzy ang switch ng ilaw ng magkailaw sa kwarto ng binata bago niya ito dinala sa kama. Maingat niya itong tinulungan makasampa sa kama hanggang sa makahiga. Siya narin ang nagtanggal ng suot ng binata na sapatos.

"Dito ka lang at maghahanda ako ng soup ng makainom ka ng gamot." Anito sabay sapo niya sa noo ni Tyrone.

"Okay. Thanks." Mahina nitong sagot habang nakapikit ang mga mata. Kinumutan naman ito ni Mizzy bago niya iniwan.

Pagkalabas ni Mizzy sa kwarto ni Tyrone ay patakbo siyang bumaba sa hagdan patungong kusina. Laking pasalamat niya at ng mamili sila ni Tyrone ng grocery ay bumili siya ng ready to cook na soup kaya dali-dali niya yun isinalang.

Habang hinihintay niyang maluto ang soup ay naghanda rin siya ng fresh orange juice para sa binata. Naghanda rin siya ng toast bread with garlic and cheese dahil yun ang madaling gawin gamit ang oven. Ng maluto ang soup ay agad niyang nilagay ang pagkain ng binata sa tray maging ang gamot nito bago siya muling pumanhik patungo sa silid nito.

Pagdating ni Mizzy sa kwarto ni Tyrone ay nakahiga parin ito habang nakapatong ang isa niyang kamay sa kanyang noo. Nakapikit ang mga mata nito. Doon naalala ni Mizzy ang sabi ni X kanina ng tumawag ito. Kaya naisip niyang dahil siguro sa pagud nito sa trabaho kaya nagkasakit.

"Zane." Mahina nitong tawag sa binata. Hindi niya alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig niya.

Narinig naman ni Tyrone ang pagtawag sa kanya ni Mizzy. Hindi niya alam kung bakit parang ang ganda pakinggan ang pagkakatawag nito sa pangalan niya. Dati rati naman e ayaw niyang may tumatawag sa kanyang Zane dahil nababaduyan siya sa pangalan nitong Zane. Pero ng tawagin siya ni Mizzy ay parang kakaiba sa pandinig ang dating nito na hindi niya maipaliwanag.

Maingat naman inilapag ni Mizzy ang tray sa mesa at nilapitan nito ang nakahigang binata. "Zane Tyrone, wake up." Tawag niya dito sabay tapik niya ng mahina sa pisngi nito. Dahan-dahan naman minulat ng binata ang kanyang mga mata. At doon bumungad sa kanya ang nakangiting si Mizzy.

"Kaya mo bang bumangon, ng makakain ka at makainom ng gamot?" Malumanay nitong tanong kay Tyrone na agad tinangkang bumangon. Dahil sa sama ng pakiramdam niya ay hirap itong bumangon kaya tinulungan na ito Mizzy bago niya inilapag ang tray sa harapan ni Tyrone.

"Ako na ang magsusubo sayo." Presinta nito sa binata. Dahil sa masakit ang katawan ni Tyrone ay hinayaan na niya si Mizzy. Kung siya lang siguro mag-isa ngayon ay mas pinili na niyang matulog hanggang kinabukasan. Ngunit dahil naroon si Mizzy ay pinipilit niyang gisingin ang natutulog niyang diwa.

Dahan-dahan na sinubuan ni Mizzy ng soup si Tyrone at bawat subo naman niya dito ay tinatanggap naman ng binata. Sa dalawang linggo na nasa bahay ni Tyrone si Mizzy ay masasabi ng dalaga na hindi mapili ng pagkain ang binata.

Napangiti si Mizzy ng maubos ni Tyrone ang soup na nilagay niya sa bowl. Kaya kumuha naman siya ng ginawa niyang toast at sinubuan naman ang binata.

Falling In Love With Me(Completed)Where stories live. Discover now