Chapter 11

30K 835 22
                                    


KAMPANTING nakaupo si Jae-Hwa sa kanyang opisina ng dumating ang pinagkakatiwalaan niyang taohan. Agad niya itong hinarap at umaasang may maganda na itong dalang balita tungkol sa pinapahanap niya dito.

"Good morning, Sir." Magalang na bati ng bagong dating kay Jae-Hwa.

"Good morning, too." Ganti niya dito.

"Sir, yung pinapahanap niyo po ay napag-alaman naming matagal ng lumuwas dito sa Manila. At ito po ang larawan niya." Anang lalaki sabay abot nito ng larawan sa ginoo.

"Great, gusto kung hanapin niyo siya kung nasaan man siya ngayon. Kung kinakailangang haluglugin niyo ang buong kamaynilaan ay gawin niyo makita niyo lang siya." Anito.

"Yes! Boss." Sagot ng taohan nito bago umalis. Napangiti naman si Mister Jae-Hwa sa natanggap na balita. Maya't maya lang ay biglang tumunog ang tawagan niya at agad naman niya itong sinagot.

"Hello....napatawag ka Mister Park?" Bungad niya sa tumawaga.

"Mister Lee, mukhang nakakalimutan muna ang usapan natin?" Anang kausap niya sa salitang Korean.

"Oh! Mister Park, of course not. Just give me a time." Ani Jae-Hwa.

"Make sure na tutupad ka sa usapan natin Mister Jae-Hwa. Remember kung ano ang kaya kung gawin." Ang makahulugang anang kausap nito.

"Of course, of course Mister Park, I never forget that. But I'll promise you, soon ay mangyayari ang kasunduan natin." Saad nito kay Mister Park.

"Good to heared that Mister Lee." Anito. Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam din agad ang kausap ni Jae-Hwa. "I need to find you as soon as posible." Anito sa isip.

HINDI nga tumuloy sina Tyrone at Mizzy na sumama sa cruise. Pagkauwi nila sa bahay ni Tyrone ay ipinagluto ng dalaga ang binata ng favorite beef steak nito. At habang nagluluto si Mizzy ay nakayakap sa likod niya si Tyrone at panay halik nito sa kanya. Laking pasasalamat niya at natapus nito ang ginagawa kahit walang tigil sa paglalandi sa kanya ang nobyo.

"Babe......"

Tawag ni Mizzy kay Tyrone habang nasa sala sila at nanood ng movie.

"Yes! Babe?"

Sagot nitong bahagyang tiningala ang nobya. Dahil nakaunan siya sa dalawang hita ni Mizzy.

"Gusto kung kumain ng ice cream kaso naubusan tayo dito sa bahay. Pwedi ba tayong bumili?" Anito at agad naman bumangon si Tyrone.

"Sure babe, let's go." Anitong agad tumayo. "Nhaaaaa....pwede bang magbihis muna tayo babe, amoy kusina atah 'tong suot natin e." Saad nito sabay amoy ng suot niya. Napangiti naman si Tyrone sa tinuran ng dalaga. Kaya agad nitong binuhat si Mizzy na parang pang bridal style paakyat sa kwarto nila.

"Bakit kailangan mo pa akong buhatin babe, kaya ko naman maglakad?" Anitong nakangiti habang nakapulupot ang dalawang kamay niya sa leeg ng binata.

"Nothing babe, ayaw ko lang paglakarin ang mahal ko." Sagot nito sabay kindat kay Mizzy. Kaya naman may pumasok na kapilyahan sa isip ng dalaga. Binigyan nito ng padampi-damping halik ang buong mukha ng nobyo hanggang sa labi nito. At doon ay hindi pinakawalan ni Tyrone ang mga labi ni Mizzy. Kaya ang nangyari ay bago nila narating ang kanilang silid ay nagkaroon muna ng mainit na palitan ng halik sa pagitan nilang dalawa.

"Silly, girl." Naisatinig ni Tyrone ng maghiwalay ang kanilang mga labi. "Ikaw ang nagturo sa'kin niyan, babe." Ang natatawang sagot ni Mizzy.

Agad na nagbihis ang dalawa ng pagkapasok nila sa silid ni Tyrone. Hindi na kasi hinayaan pa ng binata na sa kabilang silid pa matulog ang dalaga matapus maging officially magkasintahan sila.

Falling In Love With Me(Completed)Where stories live. Discover now