Chapter 3

31.5K 1K 17
                                    

WALANG masabi si Mizzy sa bagong tahanan niya ngayon. Kung dati ay natutulog lamang siya sa papag kung saan naglalatag ng banig ay ngayon sa malaki at malambot na kama na siya natutulog. Maganda sa pakiramdam na malambot at fresh ika nga ang tinutulugan mo. Kaya naman kinabukasan bilang ganti naman sa kabutihan ng boss niya sa kanya ay inagahan niyang gumising ng maaga para ipagluto ito ng breakfast. Kahit may pagkaweird ang boss niya ay thankful parin si Mizzy dito. Naligo muna ito bago siya nagtungo sa kusina para maghanda ng almusal ni Tyrone.

Matapus maghanda ni Mizzy ng breakfast para kay Tyrone ay nakarinig naman siya ng ingay sa labas ng bahay ng boss niya na ipinagtaka nito. Kaya agad niya itong sinilip mula sa loob gamit ang bintana. Napakunot ang noo nito ng makilala ang mga ito, ang mga kaibigan ni Tyrone ang naroon sa labas at halatang dumaan ang mga ito sa pader ng mansyon ni Tyrone.

Agad binuksan ni Mizzy ang pinto na kinatigil ng mga ito. Sabay-sabay ang mga itong napapeace sign ng makita si Mizzy.

"Hi! Good morning." Kakamot kamot na bati ni Rain kay Mizzy. Ang mga ito ay halatang bagong gising lang dahil pawang magulo pa ang mga buhok ng mga ito.

"Morning too, but nag under the bakod kayo? Pwedi naman kayong magdoor bill." Nagtataka nitong tanong sa mga ito.

"Ano kasi, kapag ginawa namin yun ay baka shot gunin kami ni Javier." Sagot naman dito ni Austin.

"Yeah! That's true." Sigunda naman ni Blake.

"May baril si boss Tyrone?" Gulat na tanong ni Mizzy sa mga ito.

"No, joke lang yun, Miss. Walang shot gun si Javier." Pambabawi naman ni Flake sa sinabi ng mga kasama niya ng makita ang pagkabigla sa mukha ni Mizzy.

"Oh! Akala ko meron, thanks God at wala pala. Ano palang ginagawa niyo dito?" Tanong niya sa mga ito.

"Makikikain kami dito ng breakfast." Mabilis na sagot ni Austin sa tanong ni Mizzy.

"So, nagbyahe pa kayo para makikain lang dito ng breakfast. Sana tumawag kayo ng nadamihan ko sana ang hinanda kung almusal." Anito sa magkakaibigan.

"Uhm! Nasa tapat lang ng bahay ni Javier ang bahay ko." Sagot naman dito ni Rain.

"Aw! sorry, don't worry next time ay magsasabi na kami sa'yo. Pero hindi kay Tyrone baka magka-LBM lang kami dahil sa kanya." Sabat naman ni JB sa mga ito. "By the way, I'm Jayce Brandon Samonte. But you can call me JB for short." Pakilala nito kay Mizzy.

"Austin Jake Martinez." Pakilala din nito kay Mizzy.

"Luam Blake Vergara." Nakangiti namang pakilala nito sa kanya.

"Liam Flake Vergara. Blake and I are twins. JB and Austin were cousins." Ani Flake naman dito. Kaya napatango-tango si Mizzy. Kaya pala hindi nalalayo ang mukha ng mga ito ay dahil magkakadugo lang sila.

"And I'm the handsome of them. Easthon Rain Castillo. Rain for short." Pakilala din ni Rain sa kanya na agad sinupalpal ni Mark.

"Ang yabang mo Castillo." Ani Mark na meron dalang paper bag. "Can we come in?" Nakangiti nitong turan kay Mizzy. Agad naman nilakihan ni Mizzy ang pagkakabukas ng pinto. Sa kusina agad dinala ni Mark ang dala nito, halatang kabisado na nito ang bahay ni Tyrone.

Habang nakamata kay Mark si Mizzy ay nahalata nito ang katanungang namumuo sa isip ng dalaga. "Lagi ako ditong naglalagay ng pagkain ni Tyrone. Hindi kasi marunong magluto yun." Ani Mark na kinangiti ni Mizzy.

"Ikaw na ang gumising kay Tyrone, Mizzy. Ako na ang bahala dito." Nakangiting ani Mark na sinimulang ihanda sa mesa ang mga dala niya.

"Are you sure?" Paninigurado pa nito.

Falling In Love With Me(Completed)Where stories live. Discover now