Chapter 16

26.8K 792 11
                                    

PAGBUNGAD pa lang nila Tyrone at Mizzy sa likod nang mansyon ng mga Vergara kung saan naroon ang mga kaibigan ng binata ay kantyawan na ang maririnig mo.

"Tangina mo Jeb, sino yung babaeng kinulong mo sa bahay mo?" Tanong ni Dave kay Jeb na nagdirty finger bilang sagot kay Dave.

"Anong babae, bro?" Curious na tanong naman ni Elijah kay Dave. "Mga gago, napaka tsismuso ninyo." Anito sa dalawa.

"Teka! Kailan pa nagtatago ng babae si Michael Jeb Hernandez?" Bigla namang tanong sa mga ito ni Axel habang nakasakay sa likod niya ang makulit niyang anak na si Asher Jade.

"Kita ko yung syota ni tito Jeb, texsy(sexy) puti dito niya." Ani Asher Jade sabay hawak nito ng balakang.

"Langya ka bro, pano nakita ng anak ko ang babae mo?" Gulat na tanong ni Axel kay Jeb. "Gago, malay ko." Ani Jeb kay Axel.

"Daddy, kita ko po kasi dumaan ako doon sa likod ng bahay natin. Tapos kita ko pinaliguan ni tito ng chocolate tapos kinain ni tito." Inosente nitong sumbong na agad ibinaba ni Axel ang anak sa takot na nakita nito ang ginagawang kamilagrohan ni Jeb. Nasa tabi ng bahay kasi nila ang bahay nito kaya kung pumuslit si Asher Jade sa bahay nila ay madali nitong mapupuntahan ang bahay ni Jeb.

"At ano pa ang nakita mo?" Tanong naman dito ni Mark at si Jeb naman ay napakamot ng ulo na natatawa na ewan.

"Wala na po kasi nakita ako ni yaya tapos po tinakpan niya mata ko tapos po pinauwi niya ako. Kasi bad daw po manood ang bata ng live show." Anitong kinailing ni Axel. Ang mga luko-luko naman niyang tito ay nagtawanan ang mga ito.

"Buddy, next time tuturuan ka namin kung pano gumamit ng sibat at tirahin mo si tito Jeb mo kapag nakita mong may ginagawang milagro sa bahay niya." Saad ni Austin kay Asher Jade.

"Ano pong milagro tito, yun po bang naglalagay ng chocolate sa chicks?" Halos pabulong nitong tanong kay Austin na umabot parin sa tainga nilang lahat.

"Son, wag munang ulitin pumunta doon sa bahay ng tito Jeb mo. Kapag nalaman ng mommy mo ay tiyak pipingutin nun ang tainga mo." Pananakot ni Axel sa anak na biglang tinakpan ang dalawang tainga at umasim ang mukha sabay iling niya.

"Good, don't do that again okay. Bad ang batang nangangapitbahay." Saad nito sa anak na tumango bilang sagot.

"Siraulo ka talaga, buti hindi kayo nakita ng bata sa kasarapan ng tagpo niyo." Saad nilang natatawa kay Jeb.

"Oh! May dapat bang magpaliwanag dito?" Ani Jasmine na galing sa loob ng mansyon. Nagkatinginan naman ang magkakaibigan.

"Wala po Mommy, tuturuan daw nila ako kung pano gumamit ng sibat." Anitong sinang ayunan nilang lahat na naroon.

"Good job, buddy." Ani JB sabay high five nito kay Asher Jade.

Si Tyrone at iba ay tahimik na lang mga itong nakikinig dahil mukhang mas matindi pa ang kalukuhan ni Asher Jade sa tingin nila paglaki nito. Kaya ihanda na nilang lahat ang sarili nila dahil sila ang mananagot kapag dumating ang araw na magbinata rin ito.

Matapos ang parang family day na inihanda ni Weng para sa lahat ay gaya ng dati nagkanya-kanya ulit sila ng gawi. At ang mga girls din ang nakausap ni Weng tungkol sa nalalapit na birthday ni AD dahil alam naman ng ginang na magulong kausap ang mga boys.

HABANG nasa daan sina Tyrone pauwi sa kanyang bahay kasama ang nobya ay biglang tumunog ang tawagan nito. Agad naman yun kinuha ni Mizzy at sinagot sabay lapit niya sa tainga ng binata.

"Hello. Yes, okay. Sige, papunta na ako dyan." Anito sa kausap bago nawala sa linya.

"Dadaan muna tayo sa opisina babe, meron lang akong meeting na dapat siputin." Anitong nakangiti. Tumango lang naman bilang sagot si Mizzy.

Falling In Love With Me(Completed)Where stories live. Discover now