Chapter 17

26.4K 759 15
                                    


DAHIL sa legal nang kapatid ng kambal na Blake at Flake si Mizzy ay nagpareserve ang magkapatid sa restaurant ni Mark ng lunch. Gusto ng kambal makasalo sa lunch ang kapatid nila at si Tyrone. At dahil sa meron trabaho sa opisina si Tyrone at nagpaiwan naman sa bahay ang dalaga ay ipinasundo na lang nila ito.

"Thanks bro at pinagbigyan mo kami." Ani Blake ng dumating si Tyrone sa loob ng restaurant.

"Nha. Wala yun bro." Anito kay Blake. "Nasaan si Flake?" Maya ay tanong nito ng hindi makita doon ang isa.

"Magkasama sila ni Villagas sa loob, may pinag uusapan ata silang dalawa." Sagot nito. Napatango naman si Tyrone ng marinig ang tinuran ni Blake. "Bro, punta muna ako mens room." Paalam ni Blake sabay tayo. Tinanguan lang ito ni Tyrone bilang sagot.

Habang hinihintay ni Tyrone ang mga kasama ay may biglang lumapit sa kanya. Walang babalang hinalikan siyang nito. Sakto namang papalapit sa mesa nila Tyrone sina Rain at Raids at dahil sa nakita ng dalawa ay bigla silang nagtaka. Maging sina Flake at Mark na galing sa opisina nito ay napanganga sa senaryo na nasaksihan. At dahil meron mga press na naroon ay kinunan nila ang nangyaring tagpo. Sa pagkagulat ni Tyrone ay hindi agad ito nakakilos. Kay bilis ng pangyayari at ang lahat ay shock sa ginawa ng babae kay Tyrone.

At ang lahat ng naganap ay hindi nakalampas sa dalawang mata ni Mizzy. Nakita nito ang lahat at dahil sa sama ng loob niya ay bigla siyang tumakbo palabas muli ng restaurant.

"Mizzy....."

Tawag ni Flake sa kapatid ng makita niya ito at agad sinundan. Kung hindi pa narinig ni Tyrone ang pangalan ng nobya ay hindi ito mahihimasmasan. Doon ay malakas nitong itinulak ang babaeng nangahas humalik sa kanya.

"What's the matter of you woman?" Pabulyaw nitong saad kay Jessy ng makilala niya ito. Nagkunwari naman itong gulat at inosente sa nangyari.

Samantala, nang tumakbo si Mizzy palabas ng restaurant ay hindi nito akalain na may nag-aambang panganib para sa kanya. Saktong pagkarating niya sa tabi ng daan upang pumara ng taxi ay may rumaragasa namang van na bigla siyang dinampot. Agad siyang isinakay ng mga ito sa loob ng van.

"Bitawan niyo ako. Ano ba?" Pagpupumiglas niya sa mga ito, ngunit mas malakas ang tumangay sa kanya kaya wala siyang nagawa ng tuluyan siyang maisakay ng mga hindi kilalang lalaki.

Habang si Flake naman ay tanging plate number ng van ang nakita niya. Kaya humahangos itong bumalik sa loob ng restaurant.

"Tawagan niyo ang GBS for 911, meron tumangay sa kapatid namin. You bitch your dead, kapag may nangyari sa kapatid kung masama ay magdasal kanang sisikatan ka pa ng araw." Sabay turo ni Flake kay Jessy. At sa galit nito ay bigla niyang sinuntok ang ibabaw ng mesa at sa lakas nito ay biglang bumigay ang mesa.

Dahil sa narinig ni Tyrone ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Hindi nito akalain na aabot ang lahat ng ito sa ikapapahamak ng mahal niya. Si Rain naman ang agad na tumawag ng 911 sa GBS dahil sa ang mga kasama niya ay naguguluhan parin at natataranta.

"Sa opisina tayo mga bro, hindi tayo makakapag usap dito ng maayos." Ani Mark sa mga ito. Parang wala sa sarili sina Flake at Tyrone na sumunod kay Mark maging si Blake na naguguluhan sa nangyayari.

Si Raids naman ay pasekrito nitong inutusan ang isa sa mga waiters ng restaurant ni Mark, na bigyan nila siya ng hot souce at ilagay nila ito sa baso at haloan ng tubig. Sinabi nitong damihan nila ang ilalagay na hot souce sa isang basong tubig. Dahil sa tinakot niya ang mga ito ay wala silang nagawa kung ang hindi tumalima sa utos niya. At dahil sa nangyari naman ay nagtangkang umalis si Jessy upang takbuhan ang ginawa niyang gulo. Ngunit hindi nakalampas ito sa mata ni Raids kaya hinila niya ito.

Falling In Love With Me(Completed)Where stories live. Discover now