Chapter 5

31.3K 918 27
                                    

NAKATAYO ang lalaking nakaharap sa malawak na harden habang hinihintay niya ang mga tauhan nito. Ng maramdaman niya ang pagdating ng mga ito ay agad siyang humarap sa mga ito.

(Geuga eodi issneunji algo balgyeon) 'Anang may baritunong boses sa salitang Korean sa mga tao nito na ang ibig sabihin sa salitang tagalog ay 'Nahanap niyo na ba kung nasaan siya?'

(Ajig boseu) 'Sagot ng mga itong nakayuko na ang ibig sabihin ay 'Hindi pa po boss.'

"Gusto kung hanapin niyo siya sa lalong madaling panahon." Ustos niya sa mga ito. "Yes, Boss." Panabay na sagot ng mga ito bago sila nagsialisan sa harap ng lalaki.

"Ikaw na lang ang pag-asa ko upang hindi mawala ng tuluyan ang lahat ng pinaghirapan kung ipundar na ari-arian." Anito sa isip.

"Anong binabalak mo sa anak ng pinsan mo Jae-Hwa?" Anang boses babae na nagpalingon sa lalaki.

"It's non of your business Sandy. Kaya wag kang makikialam kung ayaw mong ilagay kita sa dapat mong kalagyan." Mabagsik nitong turan kay Sandy.

"Ang sama mo, napaka makasarili mo. Kinamkam muna nga ang lahat ng pag-aari ni Hyun ay pati ba naman ang anak niyang tinalikuran niya upang wag masangkot sa kahayupan mo ay idadamay mo." Naiiyak na ani Sandy bago niya tinalikuran si Jae-Hwa.

SAMANTALA gaya ng sabi ni Tyrone ay isinama nga nito si Mizzy sa isa sa mga pag-aari ng mga Monte Silva na barko. Isa ito sa mga barkong sikat not only in Philippines but also in other part of Asia. At sa tuwing dumadaong ito sa Pilipinas ay dinadayo ng magkakaibigan.

Pagdating nila sa port kung saan nakadaong ang Monte Silva Cruise ay pagkamangha ang makikita mo sa mga mata ng dalaga. Hindi ito makapaniwala na makakatapak siya sa barkong ito. Ang akala niya ay hanggang pangarap na lang siya. Pero nagkamali siya, dahil ito na nga at makakatungtung na siya dito. Kaya subrang masaya si Mizzy.

Akala ng dalaga ay pinapaasa lang siya ni Tyrone na dadalhin siya dito. Dahil magdadalawang linggo na ang bilang niya sa araw ng mangako itong isasama siya nito sa Monte Silva Cruise. Kaya nawalan na siya ng pag-aasa na tutupad ito. Minsan nga naiinis na siya sa binata kapag lumalabas ito dahil gabi na kung umuwi. Iniisip tuloy niya ay hindi lang ito busy sa trabaho kundi malamang busy sa mga rainbow girl niya.

"Mayayaman at mga gwapo nga naman." Naisasaulob na lang niya kapag naiisip sa bawat araw ay ibang babae ang kasama ni Tyrone. Kaya ibinuhos na lang niya ang oras sa paglilinis pati ang garden ay binungkal din niya at inayus ang mga tanim doon na bulaklak. Kapag kaharap niya si Tyrone ay napakatamis ng ngiti niya dito ang hindi alam ng binata ay pilit lang ang ngiting yun. Dahil ang totoo ay gusto na niyang sipain ang nasa paanan ng hita nito.

Habang naglalakad sila ni Tyrone ay napapangiti ng lihim ang binata sa nakikitang kasiyahan sa mukha ng dalaga. Kahit napaka simpleng bagay lang ay natutuwa na ito. Kaya masasabi niyang mababaw lang ang kaligayahan nito sa buhay. At ang mga ngiting araw-araw niya nakikita sa mukha ng dalaga ay gusto niyang panatilihin yun. Hindi niya alam kung bakit basta sa tuwing nakikita niya yun ay gumagaan ang pakiramdamdam niya. Sa ilang araw na magkasama sila nito ay masasabi niyang kahit wala siyang sex life ay masaya siya. Ang natatandaan kasi niyang araw na may dinala siya sa kama ay last two weeks ago. Ganun siya tumagal na walang kasex pero hindi niya alam kung bakit hindi niya hinahanap hanap ang bagay na nakaugalian niya. He is Zane Tyrone Javier a happy go lucky certified playboy for God's sake. Pero nakatagal na walang kasex sa loob ng dalawang linggo.

"Boss, thank you ha! Akala ko ay pinapaasa niyo lang akong dadalhin niyo ako dito. Pero finally I'm here." Nakangiti nitong aniya na siyang nagpabalik sa isip ni Tyrone sa realidad.

"Your welcome." Sagot niya ditong nakangiti rin sabay pingot nito ng mahina sa ilong ni Mizzy. "Sayang wala akong pangkuha ng picture dito." Bigla ay nalungkot nitong aniya.

Falling In Love With Me(Completed)Where stories live. Discover now