At The Balcony

1.6K 13 5
                                    

"Wow ang ganda ganda nyo talaga, I love you!! I really love flowers! Kayo ang nagpapaganda ng araw ko." Masiglang kinausap ni Fleen ang kanyang mga halamang bulaklak.
     Enjoy na enjoy siyang nagdidilig sapagkat mabulaklak ang mga ito. Nasa maliit lang na Paso at Nakahilira ang mga ito sa balcony.

Habang ipinagpatuloy ang pagdidilig, di nya alintana ang mapatingin sa kabilang unit. Magkatabi ang balkonahe nito, kaya kitang-kita nya ang isang good looking genius man na may hawak na binaculos habang nakamasid ng tanawin na nakapaligid.
     'Ows may pogi pala dito' puna ng isip nya.' Dali-dali niyang tinapos ang pagdidilig at pumasok na sa loob. 'hmm..baka kanina pa nya ako tiningnan, gamit yong telescope nya, ay binaculos pala, nagsasalita pa naman ako mag-isa, huhuhuhu, kakahiya... eh ano naman..... pake nya,diko naman sya kilala'. Kumabog ang dibdib nya habang naisip yon pero don't care lang.

Lingid sa kaalaman ni fleen kanina pa pala sya kinuhanan ng larawan nitong si Emman.
     'Cute naman ng garden girl, katulong ba yon o ano, may apron pa kasi, nagdidilig lang naka-apron pa, kala mo chef-cook.' napaisip sya habang ngumiti ng di mawari ang feeling. 'Parang ang taray...di man lang nag hi, pumasok agad, nagmamadali pa, kala nya sa akin multo!' Napangiti na lamang si Emman h
     Baliw yata yon, nagsasalita mag-isa.' Tawa ng isip nito. Naputol ang pag-iisip nya ng tinawag na sya ni Andrew.
      "Dude kain na! Aba...parang ganda ng umaga natin ah, sana magustuhan mo dito sa Pinas."
    "Well see, hope so..." Nakangiting sagot  sige Jan kana muna shower lang ako" sagot ni emman. Pailing-iling nalang si Andrew habang nakatingin sa papalayo na emman. 'Sana makamove on na ito sa bad tragedy ng girlfriend nya.' wish ng isip nito.

Pumasok agad si Fleen sa kwarto pagkatapos ng mga gawain nya. Walang work kaya balak nya matulog buong araw. Habang hawak nya ang kanyang Phone inaantok na sya kaya nahiga nalang sya at pumikit. Imbes na matulog kumabog dibdib nya dahil naalala nya yong genius man. 'Paano yon may eye glasses pa tapos gamit pa ng binaculos, wahaaaa...funny. makatulog na nga panay isip ko naman sa mokong na yon' tumagilid sya para makatulog na talaga ngunit di mawaksi yong lalaking nakasalamin na nakita nya sa katabing balcony. Kaya patuloy ang imahinasyon nya. 'hmmm sarap kurutin ng pisngi mo, tanggalin mo nga salamin mo,at hinalikan nya ito at niyakap ng mahigpit' ' Tangi tulog kna oi,' saway ng isip nya, 'epekto na yan ng walang boyfriend' hanggang nakatulog na ito.

Nagising si Fleen sa tunog ring ng phone nya, tumawag si harlene ang makulit at mabait nyang colleague. Hinayaan nya itong kusang huminto sa pagring at natulog uli. Medyo madilim na nang siya ay nagising ngunit tindi ng antok nya kaya tuloy ang himbing ng tulog nya.

Nagising na sya ng 5am kya dali sayang bumangon at dali daling nag ayos para maaga sya makapasok sa work. Nakabihis na sya ng pang opisina, tumingkad ang pagiging sexy nya sa suot nyang black skirt at white blouse na lalong gumanda.

Paalis na sana sya ng maalala ang kanyang munting halamang bulaklak. Dali nyang pinuntahan ito at diniligan. Tumingin sya sa malayo at napatingin sa kabilang balcony. Nakita nya ang limang hunk. Half naked ito halatang galing sa laro o pag jogging kasi pawis na pawis ang mga ito. 'Oh...' kulit ng isip nya. Sabay pasok at paalis na ito.

'Dami pala nila,pero...bakit wala si eye glass man.' balik isip nya sa eksenang nakita nya sa balcony ng condo nya habang busy sa pag aayos ng table, at di nya tuloy napansin si harlene na tagal ng nakamasid sa knya. Lalim kasi ng isip nya kya di ito pinuna ng huli.

"Hi Good morning fleen, ehem lalim isip natin ah" sa wakas puna ni harlene. "Hi good morning too" bati nito, at nagpatuloy sa ginagawa nya, ayaw nyang kausapin si harlene kasi pag nasimulan wala ng hinto ang bunganga nito as in kulit. Lalo pa at gusto lang nya isipin yong hinahanap ng mata nya kanina sa balcony. 'hay nako bakit nga ba isipin kita sino kaba kasi.' saway ng isip nya. Pilit nyang iwaksi iyon pagkat ayaw nyang umasa sa wala lalo pa at di nya iyon kilala. Kya to-do attention nalang siya sa work paper nya.

Meryenda time na ngunit si Fleen lang ang di kumibo. Inantay nalang nya ang lunch break kasi dami nya dapat ayusin sa nakatambak na trabaho nya.

" Nako mabilis ang promotion mo nyan pag lage kang ganyan, tataas na na rank mo kesa akin" pabirong wika ni Harlene habang kumakain sila ng tanghalian. " Toink! Tsamba lang yon best kasi sinipag ako." Patawang sagot ni fleen. "Ayan nasubrahan ako sa gutom... best na tuloy nasabi ko sayo, eh pano kasi kapangalan mo best ko nung high school. At walang pinagkaiba ng ugali nyo. Panay lang kami kulitan, asaran at tuksuhan nun" mahabang paliwanag nito. "Eh di best na rin tayo para tuloy ang saya." Sambit ni Harlene habang sumusubo. "Seryuso kaba?" Kulit ni fleen. At sabay tawanan.

Habang patuloy silang dalawa sa pagkain at kwentuhan, dumating ang tatlong kaibigan ni Harlene na taga kabilang department. Mga kasama nya ito dati ngunit na assign sa ibang department kaya nagkahiwalay sila. Ipinakilala nya ito Kay fleen. Tanging sya lang kasi ang ka close nito dahil bago lang ito sa office na iyon. " Hi sa inyo..upo kayo, tuloy ang tanghalian dahil dito na kayo" pabiro ni fleen sa mga ito. " Hahaha kahit wala sila tuloy naman pagkat ikaw at ako". Pabirong sagot ni Harlene. "Turin mo narin silang kaibigan mo, mababait naman sila pag tulog" dagdag pa nito. Nagtawanan lang sila sa huling sabi ni Harlene. "Napakatahimik mo kasing babae ka, sana wala kana lang bibig". Patuloy na biro ni Harlene kya di mahinto hinto ang kanilang kasiyahan hanggang matapos silang kumain at nagsipag balik na sa kanikanilang work.

Habang naka focus sa gawain si Fleen, ngrelax ng bahagya si Harlene, ginagalaw ang upuan nya at nagtanong Kay Fleen. " San kaba dito nakatira best." Best na talaga tawag nito. Isang buwan na kasi itong kasama niya pero di pa alam kung saan nakatira. "Mamaya bigyan kita ng calling card ko, in case you need me I'll be there". Biro nito kay Harlene.
Natawa nalang ito. " Loka ka talaga, mana ka talaga sa akin, di nga seryus, saan ba ng maligaw minsan".

Ayaw nyang sabihin ang totoong tinirhan nya, bukod sa ayaw nyang malaman ito, di nya talaga alam kung anong pangalan ng tinirhan nya, natandaan lang nya ay condominium. Sumagi pa sa isip nya ang nakakapigil hininga na katawan ng mga lalaking nakikita nya sa katabi nyang balcony. " Sa ano, sa Villa". "Anong Villa"? Kulit na tanong ni Harlene. "Daming Villa dito". Dagdag pa nito. "Hmmm...ah, Villa Pantasya". Tugon nito. Tumango nalang si Harlene na parang nagtataka at pagod na rin kaya ayaw ng kulitin ito at binaling ang atensyon sa ginagawa.

Di namalayan ni fleen na uwian na, sya nalang ang naiwan. Di nya kasi pinansin ang puna ni Harlene kaya umuwi na ito at dadaan pa sa palengke.

May oras pa bago magdilim kaya dumaan muna sya sa simbahan. Pagkatapos nyang manalangin lumabas na ito at biglang kabog ng dibdib nya. Nakita nyang papalapit na si eyeglass man at may kasamang apat na hunk, ang gwapo,papasok ng simbahan. Makasalubong nya ang mga ito. Dahan dahan syang naglakad, nakatitig sa naka eyeglass. Sya lang kasi nakatingin dito, at nakatingin sa ibang direksyon ang mga ito kaya Malaya syang pagmasdan ito.

Sa kakatitig nya Kay eyeglass man lalong lumalakas ang beat ng puso nya, ang amo ng mukha. 'Sarap titigan, huggable pa'. Birit ng isip nya. Napahanga sya nito dahil may time pumasok sa Simbahan. 'may time ka rin kaya pumasok at tusukin puso ko!' Pantasya ng isip nya. Lumagpas na ang mga ito, ayaw na nyang lingunin ito baka isipin pa nito na may gusto isa sa kanila, napansin kasi nya na nakatingin na sa kanya ang mga ito nung magkalapit na sila. Tuloy nalang sya sa paglakad at pumara ng taxi pauwi sa condo nya.

"Oi dude, makabangga ka, sa harap ka tingin wag sa likod, esnabera yon di ka papansinin nun". Kantyaw ni andrew Kay emman. Nakasunod kasi ang mga mata nito sa papalayong Fleen. Nagtawanan pati mga kasama nila at tuloy sa bahay dasalan.

******************************
Hello guys.... thank you for reading. Your comments is much appreciated!
******************************

Villa Pantasya Where stories live. Discover now