Raindrops

305 4 1
                                    

"Bakla kaba?" Diritsong tanong ni Fleen, kunwari seryuso. Inaasar lang talaga niya lalo ang binata.

"Hindi naman....bakit mo naman naitanong yon." Mahinahong sagot ni Emman. Taliwas sa inaasahan ni Fleen. Hindi nagalit sa tanong niya. Sumakay ito at pinaandar ang makina. Sumakay narin ang dalaga.

Bumuhos ang malakas na ulan habang nasa biyahe ang dalawa. Naisipan ni Emman na huminto sa Luneta park muna para e-enjoy ang buhos ng ulan. Miss lang niya maligo sa ulan.

Nagtaka si Fleen ng nag-iba ang direksyon, embes na sa Jollibee. Ngunit naisip ni Fleen na basa narin sila kaya nakakahiya ng pumasok. Hindi niya maiwasang damhin ang init ng katawan ni Emman habang nakahawak siya nito sa beywang, lakas kasi magpatakbo, kaya kapit siya ng mahigpit dito. Hanggang sa nakarating na sila sa park.

"Sulitin natin ang ulan, ngayon lang naman." Ani Emman ng bumaba ito. "Ok sabi mo eh." Kaswal na sabi ng dalaga, umiwas sa titig ng binata.

"Teka, bakit mo naitanong na kung bakla ako." Seryusong sabi ni Emman. Napahagalpak ng tawa si Fleen at seryusong tumitig sa kausap. "Eh, nakakainis. May magkagusto pa sa akin madismaya nalang dahil sayo." Turan ni Fleen na kunwari seryuso, para di mahalata ang pagkukunwari niya. Na di siya komportable sa sitwasyon nila. Gusto niya yong totoong sila na talaga. Magkasintahan.

"Eh ano naman ngayon kung hawak ko kamay mo, ano pakialaman nila, ano ba ang problema doon?" Sunod-sunod na tanong ni Emman.

"Eh...baka sabihin nila na....(tumitig muna kay Emman) na... boyfriend kita!" Pag-aalangan niyang sagot.

Hinawakan ni Emman ang dalawang kamay ni Fleen at idinikit sa dibdib niya. Sabay hila ng bahagya kaya halos magkadikit na sila. "Ayaw mo ba sa akin..." Malambing nitong sabi.

"Gusto mo bang ako muna ang magsabi sa'yo ng I Love You?" Mahinahong tanong nito sa binata sabay tulak dito palayo. Di na niya kayang pigilan ang emosyong nagpapahirap sa kanyang kalooban, kaya inilabas niya ito upang maibsan. Butil butil ang luhang umagos sa mga mata nito. Yumuko lang si Emman.

"Kung sinabi mo pa, eh dapat noon ko pa sinabi sayo na mahal Kita! Hindi yong di ko alam kung ano ako sayo, kung gaano ako kahalaga sayo." Daldal ni Fleen habang pigil ang hininga at pag-iyak. Di na siya nahihiya na ilabas ang mga ito. Bahala na kung anu ang isipin ng lalaki, basta nagpakatotoo lang siya.

"Oh, siya. Tama na. I love you.... Fleen! Sorry kong pinahirapan ko ang kalooban mo." Madamdaming sabi sa dalaga sabay kabig at dampi ng halik sa noo.

"Ano uli sabi mo?" Pangungulit ni Fleen sa nobyo ng kumalas ito. "I love you... Fleen! Whisper ni Emman sa nobya sabay yakap uli.

"I love you too, Emman!" Masiglang sagot ng dalaga. Sabay silang yumakap sa isa't-isa. Maalab na halik ang nagpa-init sa kanila sa bawat buhos ng ulan.

Pareho silang hiningal ng magkahiwalay ang mga labi nila. Mas lalong eni-enjoy nila ang pagpapaulan. Di matawaran ang saya nilang dalawa. Ngiti na walang kapantay. Busog na pusong nagbibigay ng panibagong pag-asa sa hinaharap. Pangakong bubuo ng masigla at masayang pamilya.

     @@@wakas@@@

Author's Note:
Thank you for viewing and reading.
Please comment, it's much appreciated.
Please vote too... thank you!!

Villa Pantasya Where stories live. Discover now