Know The Neighbor

321 6 5
                                    

     Late morning na nagising ang magkaibigan. Wala silang naisip na gimik. Naalala ni Harlene na birthday pala ni Lyka that day. "Happy birthday Lyka..." ani Harlene at bumati narin ang iba. "Thank you...makalibre sana ako kung di nyo pa naalala." Patawang sagot ni Lyka. " Oh sya maghanda muna ako ng kape at makain natin." Sabi ni fleen. "Hot lips lang sa akin best, este drinks pala." Ani Harlene sabay tawa." "Kaaga aga yon talaga naisip mo, sali mo narin hugs," sabad ni Lara. Nagtawanan ang lahat.

     Nilibot muna nina Lara , Lyka at vannesa ang buong unit ni fleen, simple lang ito at maayos ang mga gamit. Dumiritso sila sa balcony at naupo,hawak ang cellphone nila. "Mag kape muna kayo mga sista at ng magkalaman ang tyan nyo," ani fleen sa tatlong babae at pumasok uli sa loob para kunin ang makain nila. Lumabas narin si Harlene na hawak ang kape nya, dumiritso sa may mga bulaklak. Sumandal ito sa may rehas at nakaharap sa tatlong nakaupo. Syang pag inum nya ng kape at napalingon ito sa kabilang balcony. Naibuga nya ito sa pagkamangha pagkakita nya sa mga hunk, pawis ang mga ito at walang damit pang taas. Halatang galing nag jogging o naglaro, sabay tawa ng papigil.

     "Anyari, nakulangan pa yata ito ng Disco," sabi ni Vanessa. "Sigurado, nagkape lang nagkaganyan na oh, tawa pa yan tawa pa." Ani Lara. Kaya lalong di mapigilan ni Harlene ang tumawa. "Baka nasubrahan sa kape,haha." Ani Lyka.

    Nagkatuwaan sila ng lumabas si fleen. "Wow saya nyo ah, anu merun..." sabi nya at sumabay narin sa pagtawa. "Ikaw talaga best...sinasarili mo lang, busog na busog ka kada umaga ano, ha-ha." Sabi ni Harlene. Ganda pala tumira dito sa Villa Pantasya mo." Dagdag pa nito.

      Natawa nalang si Fleen, tinamaan sa mga biro ni Harlene. Pinigil ang sarili, kunwaring di halata. Pasimple lang ito, kunwari wala lang. "Dito kana tumira if gusto mo, pwede kayo narin lahat." Sagot ni fleen habang pigil ang hinga. Sumagi na naman kasi sa isip nya yong idol nya and wishing na sana makita nya.

     "Villa Pantasya...ha-ha, love it! So unique."patuloy na biro nito, at pang aasar Kay Fleen. Lalong lumakas tawa nito. Ngunit di parin alam ng tatlong babae ang dahilan. Di kasi mapansin  agad ang tao sa kabila kung nasa may pintuan, may nakaharang na wall. Ayaw parin tumigil ni Harlene sa kakatawa at panunukso Kay Fleen kaya hinabol ito ni fleen. Hanggang maaari ayaw ni fleen sumulyap, nahihiya ito. Umiikot ikot lang sila sa tatlong nakaupo na seryus sa ginagawa,drink coffee and scrolling in their phone.

     Tumigil nalang si Fleen sa kakahabol at umupo kasama sa tatlo. Dinaan nalang sa kain ang pakiramdaman na dulot ni Harlene. Panay parin tawa at asar ni Harlene dito.

       Samantala, boys talaga. Nakaramdam na may checks sa kabila. Sarap ng kulitan nila. Kumaway  si Wilfred Kay Harlene. Friendly ito at malapit sa babae. "Hi," bati ni Harlene sabay kaway dito. Tumayo ang tatlong babae, curious kung sino kausap ni Harlene. Tanging si Fleen lang ang nanatiling nakaupo. Gusto sana nyang pansinin ang mga ito kaso ayaw lang muna, hiya at kaba ang umiiral.

     "Hi Ladies..." sabay na bati ng mga hunk. "Hello..." mabilis na response ng mga babae sabay kaway nila sa mga ito. "Can we have a date?" Ani Andrew,ang may ari ng condo unit na katabi ni fleen. Saglit na nag isip ang mga girls. "Pwede bang gumala nalang kami dyan sa unit nyo?" Pacute na sabi ni Wilfred. "Ok sure." Mabilis na sagot ni Lyka. "Ok thank you...give us a minute,then we jump over there." Ani Andrew. "No, take your time, you can come here about late afternoon. We have a something to settle first." Ani Lara na nakisabay. "Oh ok, thank you. See you later." Sagot ni andrew. At nag bye na ang mga ito.

     Kilig ang mga ito habang lumalapit Kay Fleen, at naupo. "Fleen, sinsya kana, pagbigyan mo na ako, birthday ko naman, para may manlibre sa atin." Pakiusap ni Lyka. "Share mo nalang sila sa amin best, hehe." Biro ni Harlene. "Kayo talaga...ok if saan kayo masaya, I support." Ani fleen, tuwang tuwa isip nya. Kinakabahan na nag iinit. Sa wakas makilala na nya ang mga ito. At makita narin nya in person si eye glass man.

      Nagpaalam na ang mga kaibigan ni fleen. Uuwi muna at ng makapag-refresh at makapagpaalam sa mga magulang. At babalik sa condo to celebrate a birthday party.

Villa Pantasya Where stories live. Discover now