Gimik in Disco house

406 5 8
                                    

    Dumaan muna si Fleen sa simbahan at pagkatapos dumiritso na sa snack bar kung saan sila magkita ni Harlene, bago nila puntahan yong lugar na kung saan sila magkita,ang disco house. *Best dito nako sa Starbucks,asan kana ba.* Message sent. Text nya sa kaibigan nya habang sumilay sa labi ang kapilyuhan. Harlene replied:* limang minuto nalang paparating na ako, ayusin mo Starbucks mo ha-ha.*

     Pagkakita nila agad na kinurot ni Harlene si Fleen habang nakatingin sa salitang snack bar,at di mapigilang ang pagtawa. "Bagong franchise ba ito ng Starbucks best," sabi nito. "Oo best para maiba naman, at magmamadali kang makapunta dito, lam ko naman kasing bilis lang kayo ng pagong pag kumilos." Pabirong sabi ni fleen. Panay ang kulitan nila habang magkasama. Naging pormal na ang dalawa ng makita na ang kanilang tatlong kaibigan.

    "Tara na sa loob." Agad na sabi ni Lyka after they greet each other. Inakupa agad nila ang bakanteng table. Medyo maaga sila kaya di pa gaanong maraming tao. "Wow disco" sigaw ni fleen. Natutuwa lang ito pagkat matagal na syang di nakasali sa ganitong gimik. "Kanya kanya nalang tayo ng order kung anu gusto natin," komento ni vanessa,ang morenang may pagkapilya. "Ok." Pagsang-ayon ng lahat. Nag order na ang bawat isa, dinagdagan nila bawat order para share narin. Si Lyka lang ang incharge sa entrance fee dahil treat nya iyon.

     Tuloy ang saya nila, kainan, kulitan at sayawan. Hindi nila binigyang pansin ang mga lalaking nagpapansin sa pamamagitan ng pagkindat sa kanila. For girls lang talaga usapan nila. Walang gulo sa kasiyahang iyon kaya tuloy ang saya at di nila namalayan na mag uumaga na pala. "Naku paano na ito tiyak papagalitan ako ng mga magulang ko nito, huhu saan ako matulog nito." Nag alalang sambit ni Lara, ang medyo tahimik sa kanila pero mabungisngis. "Ako rin tyak di na ako bubuksan ng Landlady ko,lagpas nako sa oras ng curfew." Saad ni Vanessa. Tahimik lang si Lyka,medyo may tama na, lakas uminom. Nakikinig lang si Fleen sa mga komento ng mga ito at tuloy sa pagngatngat. Sumagi sa isip nya ang lalaking pinagnanasaan nyang yakapin, halikan alagaan at mamahalin ng totoo. Lalo pa at di na sya bumabata. She needs serious relationship in that man. Pero di sya umaasa kasi kahit mismo name nito di nya alam kahit na magkapitbahay sila nito.

     "Best nakatulala kana dyan, sino inisip mo, sa iyo nalang kaya kami muna magpalipas ng umaga." Pukaw ni Harlene Kay Fleen. Fleen sigh before she answered. "Oh sure, no problem." Pero naisip nya baka makita nila yong mga hunk sa balcony at kantyawan sya ng mga ito, napakaharot pa naman lalo na si best nya. 'ok lang I don't care.' sabi ng isip nya. Nakahanda na ito Anumang pang aasar ng mga ito. May pagkapikon kasi sya lalo na pag natamaan.

     Nagpasya na silang umuwi at lahat ay makitulog sa condo unit ni fleen. Tumawag si Fleen ng taxi at sinabi sa driver ang address. " Sa may Fontana condominium po." Sabi nito. Sumulyap ito Kay Harlene. Napansin nya itong nakakunot ang noo. Binaliwala lang nya, alam na nyang address ang dahilan kaya nakakunot ng noo.

     Tahimik silang pumasok sa condo, yon kasi ang bilin ni fleen na wag nang maingay. Besides haggard na ang mga ito kaya pinapakiramdaman nalang ang sarili nila. Pagdating sa loob ng unit kanya kanya ng pwesto sa sofa at sahig ang mga ito natulog. Malinis kasi ang unit kaya doon nila gusto magpahinga kahit na inanyayahan ni fleen ang mga ito na sa kwarto matulog. Nilagyan lang ni fleen ng sapin at doon narin nahiga.

Villa Pantasya Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon