Boss Talaga

256 6 3
                                    

"yes boss, ano po iyon?" Tanong ni fleen ng lumapit na ito sa table ng manager nila. Seryuso ang boss nila kaya isang tawag lang sa kanila, lapit agad. Nagtaka ito na wala pa si Agatha, ang secretary nito. "Biglaang nag-resign ang Secretary ko kaya ikaw muna ang kapalit nya habang wala pa akong mahanap na bago. Don't worry, tuturuan naman kita. Di naman mahirap, at alam Kong kaya mo." Mahabang paliwanag nito habang nakatingin ito Kay Fleen mula ulo, pababa.

Nag-init ang pakiramdaman ni fleen ng tinitingnan sya ng boss nya. Sabay kaba dahil sa bagong trabaho na inatas ng boss nya. "Yes boss, sana makaya ko. Basta sabihin mo lang kung may mali ako, o ano ang dapat kung gawin." "No problem ija, basta pag di kana busy o wala akong iuutos sayo saka mo gawin ang pag e-encode."

"Don't worry dagdagan ko ang sahod mo." Dagdag pa nito ng nakatingin Kay Fleen na nakatulala at nag aalanganin dahil doble na ang task nito during working days," "Ok boss I try my best." Ani fleen na nakatingin sa labi ng boss nya. ' cute ng lips nito kahit may edad na, ilang labi na kaya ang nAkatikim nito at natikman.' pilyong isip ni fleen habang nakakagat sa labi at sumilay ang ngiti.

"At saka every Saturday I will send you to study as Secretary, anim na buwan lang para may knowledge ka sa gawaing ito. Sagot ko ang gastusin." "Boss, really? Di kaba nagbibiro.?" Papungay pungay pa ang mga mata ni fleen habang nagtatanong. "Lalo po kayong bumata boss." Dagdag pa nito na syang ikinatuwa ng boss nya.

"Matanda nako ija pero, kaya pa naman." "Lam ko kaya mo pa." Sabi nito habang nakangiti at nakatingin sa papers upang makaiwas sa Titig ng boss nya. "Kaya ng.. ano ba nasa isip mo ija." "Nyahaaa si boss talaga iba naisip nyo... trabaho po simpre."

"O sya tapusin mo na pag encode mo at pagkatapos balik ka dito at pag aralan mo ang mga gagawin dito." Taboy nito kay Fleen habang nakangiti at pailing-iling.

"Oh, ayaw mo lang aminin eh iba naisip nyo, umiwas ka lang eh." Kantyaw nito sa boss habang tumatawa. Sinasamantala nitong biruin ang boss nya upang kahit paano ay mapatawa nya. Tumawa rin ang matandang binata nyang boss. "Mr Arnold Queza of Head office Department please proceed to the meeting room, thank you." Ani ng boses babae sa intercom.

"O sya, tapusin mo muna gawain mo at pagbalik ko na kita tuturuan." Bilin ni Mr Queza Kay Fleen. Tumango lang ito bilang pag sang ayon at lumabas na upang ipagpatuloy ang gawain nya. Nag mamadali ring lumabas si Mr Queza patungo sa meeting room.

Napasulyap si Fleen sa table ni Harlene. Kumindat ito at nagpatuloy sa ginagawa. Itinuon ni fleen ang atensyon nya sa pag encode at pag ayos ng dapat ayusin sa table nya. Di nawala sa isip nya ang pangamba pagkat doble na ang gawain nya. 'Sana makaya ko ito!' wish ng isip nya sabay hinga ng malalim at itinuloy ang pag encode.

Villa Pantasya Where stories live. Discover now