Tama Ka...

228 5 2
                                    

"Wow ha kayo lang ba...sama kami." Sabad ni Lara. "Libre ba, libre?" Biro ni Lyka. "Double dutch lang sa akin insan." Singit ni Vanessa habang ninanamnam ang sarap, kunwari kumakain.

"Oo ba, basta ubusin nyo... tig-isang galon kayo ng ice cream." Sagot ni Harlene sa mga ito. Nagtawanan ang lahat. Nang biglang tumunog ang bell for time in. Bumalik na ang magkakaibigan sa kani-kanilang department habang tuloy parin ang katuwaan ng mga ito.

"Best tama ba hula ko?" Kulit ni fleen habang papasok na sila sa loob. "Kailan kapa best nagkamali." Pang-aasar ni Harlene habang di mapigilan ang kilig ng maalala ang Andrew ng buhay nya. "Wow...best ikaw na, swerte nama nya sayo..." ani fleen habang nakangiti at dumiritso na sa table nya.

Abala na sina Harlene at fleen sa kani-kanilang trabaho. Kahit oras na ng tanghalian pero nakatuon parin sila sa work. Kaya sila lang dalawa ang di na tanggal sa department na iyon. Tumaas ang sahod nila, at binibigyan sila ng time para magbakasyon kung kailan nila gusto. Di nila namalayan ang paglipas ng oras.

Uwian na ngunit ang boss nila kakarating lang. "Bukas nalang Fleen, dami ko kasi inaasikaso sa labas." Ani ni Mr Queza habang inaayos ang mga papel sa table nya. "Sige boss, paano mauna na kami." Sabi ni fleen. "Paalam boss..!" Sabay na sabi nina fleen at Harlene, at saka ang mga ka office mate nila. "Ok paalam, ingat." Ani Mr Queza.

"Best ako yata ang maswerte sa kanya...never been...sya best! Madamdaming sabi nito habang niyayakap ang sarili. "Anong never been..." ulit ni fleen na napatawa. Nakaupo sila sa waiting area habang hinihintay yong tatlong kaibigan.

"Basta kung maging kami best, ako ang first touch nya." Pilyong sabi ni Harlene. "Oo nga halata naman na swerte ka kaysa kanya." Biro ni fleen dito. Nag-iba ang anyo ni Harlene at tumitig sa kausap. "Kakampi ba kita best o hindi... remember ilibre kita ng ice cream. Mamili ka! Pabirong sabi nito. Nagtawanan sila. Nang dumating ang hinintay nila, sabay pumara ng taxi papunta sa ice cream cafe.

Ang iingay at saya-saya nilang magkaibigan mula sa sasakyan at pagbaba na. Biruan at kulitan. Sa dinami-rami ng kanilang usapan di man lang nila nabanggit ang limang hunk na lalaki sa katabing balcony ni fleen.

Nasa labas na sila ng ice cream cafe ng may isang nilalang na napansin si Fleen. Madungis ito at nakakaawa. Parang naghihintay na may mag-abot sa kanya ng makain o kahit ano. Parang hiniwa ang puso nya ng pagmasdan ito. Di ito napansin ng mga kasama niya kasi panay ang kulitan.

" Hintayin nyo muna ako, teka lang saglit." Pakiusap ni fleen sa mga ito na akmang papasok na sana sa loob. Dumukot sya ng pera sa wallet at bumili ng makain sa katabing bilihan.

Lumapit sya doon sa madungis na tao at binigay ang binili nyang pagkain at nag abot din sya ng pera. Abala sa kwentuhan ang mga kasama nya habang hinihintay sya. Nang makita ng mga ito ang ginagawa nya, lumapit din sila at nagbigay ng pera.

"Bait ni Santa...namigay eh wala pa ngang pasko." Biro ni Harlene. Nagtawanan lang sila. "Magpalamig muna tayo...init lang yan mga best." Ani fleen na ayaw patulan ang biro. Tahimik na sila ng papasok na sa loob.

Villa Pantasya Where stories live. Discover now