Wow, Hanip!!!

284 5 3
                                    

Pagkaalis ng mga kaibigan ni fleen nahiga uli sya. To ease the tension between her neighbor, lalo pa na pupunta ang mga ito sa unit nya. Makilala na nya ang mga ito. Kilig to the nerves ang pakiramdaman nya, kinabahan din sa susunod na mangyayari. Di mapalagay, ikot ikot sya at sa wakas naisipang ayusin ang unit nya. Pagkatapos nag ayos narin ng sarili nya. Simpling T-shirt na puti at sexing short. Naghanda narin ng kunting makain nila at mainum. Ready na ang lahat at inantay nalang nya ang pagdating ng mga kaibigan nya.

Early evening pa lang ay dumating na ang apat na kaibigan ni fleen. May dala itong cake at iba pang pagkain at mainom. "Hi fleen paabala uli kami dito sa lungga mo." Ani Lyka. "Special ang party na ito". Dagdag pa nito. "Dahil....dito tayo sa...Villa...." putol na sabi ni Harlene. "Pantasya." Sagot ng lahat. Naiiling nalang si Fleen habang nakikinig sa excitement ng mga kaibigan niya.

"Pasalamat ka sa amin best dahil makilala mo na sila, haja,joke lang....". ani Harlene. "Ako lang ba?" Kaswal na sagot ni fleen. Nagtawanan ang lahat. "Di nga Best sino type mo sa kanila". Kulit ni Harlene Kay Fleen. "Hmmm,wala naman." Deny nito. "Weehh, wala daw, itutuloy ko ang pagiging matandang gurang pag wala talaga kahit isa sa kanila." Pang aasar uli ni Harlene. "Ang taong tahimik, ay malalim ang tinik, este magaling magtago,ganun yon best". Dagdag pa nito habang tumatawa. "tama na yan, baka pag naasar yan paalisin tayo." Singit ni Lyka. "Pero pansin nyo parang ang cool nila, mabait." Ani Lara habang inaayos ang pagkain sa lalagyan. "Yes, pansin ko rin." Sabi ni vannesa. "Mukhang mga professional nga yata, Yon lang pansin ko sa kanila." Ani fleen. mang aasar pa sana si Harlene,ngunit dumating na ang kanilang pinakaaantay na panauhin.

"Hi Ladies, pwede ba kaming tumuloy." Magiliw na sabi ni Andrew. "Hello..tuloy kayo" sagot ni Lyka habang pigil ang kilig. May dala itong guitara. "Hi.." bati ng mga kasama ni andrew. Preskong presko tingnan ang mga ito. Makisig at matatangkad. Nakakaakit na mata at nakakainlove kahit boses pa lang.

" Dito lang pala kayo, sayang ngayon lang tayo nagkakilala". Ani mark. "Well, ok lang yan basta may makain." Ani Wilfred. "Weeh, pakunwari kapa, pasikat ka lang." Biro ni fritz. "Sya nga pala I'm Andrew, si mark, Wilfred, fritz at ang pinsan ko, si emman ang genius sa amin." Turo nito sa mga kasama nya. "I'm Lyka, sya si Lara, Harlene, vannesa at silent girl Fleen." Pakilala din ni Lyka. Nang magkakilala na sila, pumunta muna ang mga ito sa balcony, maliban Kay Fleen. Nagpaiwan ito sa sala at dumiritso sa kusina.

Parang may lindol na dumaan sa dibdib ni fleen. Di sya makatingin ng diritso Kay emman. 'oh emman...ka pala' kilig na sabi ng isip nito. Nag iinit sya, kinabahan na halos di mapigil habang papasok si emman kanina na napapansin nyang nakatitig sa kanya. Di niya kayang harapin ito. Huminga sya ng malalim habang nasa kusina at nag-ipon ng lakas. 'Be brave fleen' pakiusap ng isip nya.

Villa Pantasya Where stories live. Discover now