Oi Ladies...

217 4 1
                                    

Napansin ni emman ang limang babae na papasok sa kinaroroonan nila. Napabilib sya sa ginawa ng mga ito,ang pagtulong sa pulubi. Lalo na ang babaeng hinangaan nya ng husto. Aminin man nya o hindi ay masaya sya ng makita ito. Ang lungkot ng araw nya pag di nya ito nasilayan. Tumitig lang sya Kay Fleen. Humanga sya sa simpling kagandahan nito at alindog.

Abala sa kwentuhan ang mga kasama nya kya di ng mga ito napansin ang paparating. Napatingin si Andrew Kay emman na tahimik at sinundan ang tingin nito. Nagagalak ito dahil tumambad sa mga mata niya ang babaeng nagpapasaya ng puso nya. "Mga 'tol mga chicks, wooh..idol ko nandito rin." Tuwang sabi nito. "Insan ayan na naman yong mata natin, pikit din minsan, baka tuluyang buka na yang mata mo." Dagdag pa nito bilang pasaring Kay emman. Tumawa silang lahat ng makita ang limang magbarkada. kinilig ang mga ito. Natutuwa silang makausap ang mga ito.

Tumikhim si emman at nagbaba ng tingin. Napangiti at sumubo ng ice cream. "Sana mapansin nila tayo." Ani Fritz. "Hindi ka nila pansinin, bolero ka." Biro ni Wilfred dito. "Hayaan muna natin silang makapagpalamig, basta ako lang yata gusto nilang pansinin." Pagyayabang ni mark. Puno ng kantyaw ang tainga ni Mark at nagtawanan.

"Nakita nyo ba ang nakita ko?" Ani vannesa sa mga kasama. "Parang andito ang mga hunk boys." Dagdag pa nito. Parang namukhaan nya ang mga ito. Di lang sure kasi medyo malayo at di na sya tumingin uli sa mga ito baka makita sya at kung anu pa isipin.

Nagpalingap-lingap ang mga mata ni fleen upang masiguro ang sinabi ni Vanessa. kunwari naghanap sya ng maupuan nilang magkaibigan. Naaninag nga nya ang mga ito. Naka Pormal attire ang mga ito, galing sa trabaho, maliban Kay emman. Iniba agad ang tingin upang di mahalata ng mga ito na nandoon din sila.

Abala ang mga kasama nila sa pagpili ng flavor kaya baliwala ang sinabi ni Vanessa. "Wag muna tayo pahalata na nakita na natin sila." Ani ni fleen na kinabahan. Excited lang syang mapansin ni emman. Oo si emman lang ang nagpapalamig at nagpapainit ng buhay nya.

"Best andyan ba siya." Ani Harlene na naintindhan nito sinabi ni fleen. "Mismo best, sya paba matiwalag sa grupo." Nakangiting sagot dito. Nagpacute pa itong ngumiti nagbabasakali na nakatingin si emman.

Nakatingin nga ang mga ito sa kanila habang tuwang tuwa sila sa pag pili ng gusto nilang flavor. "Hi Sexy ladies... join us." Imbita ni andrew na nakakaway sa papalapit. Habang bitbit ng mga ito ang biniling ice cream at naghanap ng maupuan.

"Sexy ba tayo?" Bulong ni fleen sa mga kasama nya. "Simpre naman best, love our self. Kilig bulong ni Harlene. Nakaunipormi sila ng puting  blusa na kumukurba ang alindog, lagpas tuhod na Skirt, kulay dark blue na hapit sa kanilang puwitan, at naka high heels pa ang mga ito. "Hi...sure thank you! Ani Lara na nagpatiuna sa bakanting upuan na katabi ni fritz. Sumunod din ang mga nasa huli at inukupa ang bakanting upuan. Na waring natutuwa sa muling pagkikita at ninanamnam ang lasa ng kanilang kinakain.

Villa Pantasya Where stories live. Discover now