Fleen's Emosyon

216 5 2
                                    

"How's your day Ladies." Tanong ni andrew. "Fine...kasing-init ng ice cream." Masiglang tugon ni Vanessa na nakatingin kay Fritz. "At kasing gwapo nyo". Pabirong sabi ni Lara. Napangiti ang mga lalaki. "How about my Girl...?" Dagdag pa ni andrew na nakangiti at nakatitig Kay Harlene. Nagtitigan ang dalawa. Mutual feeling feels each other.

"Sweet naman....ako kailan kaya ako mainlove." Ani fleen na nakatingin kay Harlene. Ayaw salubungin ang mga mata ni emman. Kinakabahan sya at nahihiyang tumitig dito. Kaya dinaan nalang sa daldal para maibsan ang halong pakiramdam na dala ni emman at ng kinakain nilang malamig. "Sarap mainlove anu." Dagdag pa nito habang sumusubo.

"Ahem...pinaparinggan ka bro emman." Diritsong sabi ni Wilfred na nakatawa. Kilig si Fleen sa sinabi ngunit ayaw nyang paapekto. Tumingin ito ng diritso Kay emman, kunwari wala lang. Buti nalang may kakampi sya. "Ooh... kunwari ka lang, ayaw mo pa kasi sabihin kay Lara, pasikat...." Pabirong sabi ni Fritz Kay Wilfred. Nauwi sa tawanan.

"O sya change topic na kayo baka, may mapikon." Daldal pa ni fleen. "Magsalita naman iba dyan baka mapanis laway natin." Dugtong pa nito na nakatingin kay emman ng may katatagan, para di nito mahalata na apektado sya sa pagkikita nilang iyon at sa biruan.

Sinalubong ni emman ang mga mata ni fleen, magkatabi ito ng inupuan. " Ang daldal mo pala...." Ani emman Sabay kuha ng tissue at pinunas sa gilid ng labi nito na may kunting ice cream. Dama ni fleen ang init ng kamay nito. Na waring dumaloy sa buong kaibuturan nya. "Salamat po..." tanging nasambit nya na kunwari abala sa pagkain.

"Oohh...nakakaingngit sila." Ani mark na nakatingin sa kaharap na Lyka pagkatapos ng sulyap kina emman. Kumuha din ito ng tissue at binigay sa kaharap. "Salamat, gumagaya ka lang eh." Biro ni Lyka dito. Tumawa ang mga kasama ng makita ang ginawa ni Mark.

"Guys, what if gimik tayo sa weekend." Komento ni Andrew. "Cool..." sang-ayon ng lahat. "Sports tayo, ok ba sa inyo?" Suhistyon ni Andrew "Great." Ani fleen. "Saan?" Tanong ng mga nakinig. "Maghanap pa ako ng good location." Sagot nito. Sabihin ko nalang pag merun na akong nahanap. Dagdag nito.

"Well time to go...ng makapagpahinga na." Ani fleen upang maiwasan nya si emman. Di nya yata kayang kontrolin ang emosyong gumapang sa buong katawan kapag nagtagal pa itong kaharap nya. Ganun kalaki ang epekto nito sa kanya. Gayong pakiramdam nya kaibigan lang sya nito.

"Paano uuwi na kami, papa dilim na kasi." Ani Harlene na nakatingin kay Andrew. "Sabay-sabay na tayo, init na puwit namin kakaupo." Sabi sa kausap. "Pinainit ka lang ng best ko, kunyari kapa." Ani fleen na nakangiti. Tumawa ang lahat.

"Hatid nalang namin kayo, sa kanya-kanya nyong uuwian." Presenta ni Mark. "Tama." Sang-ayon ng mga lalaki. May kani-kanyang kotse kasi ang mga ito. Maliban kay emman na gamit ang motorsiklo ng pinsan nya.

"Kayo kung di kami nakaabala sayo." Sabad ni Lyka. "No problem." Ani Fritz. "O sya tayo na may girl, ." Ani Andrew na inilahad ang kamay kay Harlene at lumakad papunta sa pinaparadahan ng kotse nito. Ganun din ang ginawa ng mga kasama, maliban kay emman. May pupuntahan pa ito. kumaway lang ang mga kaibigan ni fleen sa kanya, nahiya kasi syang sumabay dahil by partner ang mga ito. Nakatanaw lang silang dalawa sa papalayong sasakyan.

Villa Pantasya Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon