Feeling Ooh...

495 5 3
                                    

     Pagdating ni fleen sa condo di parin nawaglit sa isip yong tagpo sa ice cream cafe. Di nya alam na doon pala yong inaasam-asam nyang makita. Bukod pa doon nakatingin pa talaga sa kanya pati mga kasama nya, saklap lang kung kailan pauwi na sya saka pa nya napansin, 'busy kasi sa cellphone ' tudyo ng isip nya.

     Para mabawasan ang tension nya kumuha sya ng baso at nagsalin ng tubig, pumunta sa balcony at tuloy ang pagmuni muni nya, hanggang napunta sa imahinasyon. ' sarap mo talagang yakapin....sana kahit chansing man lang' natawa sya sa huling naisip nya at sabay bawi ng isip sapagkat malabo itong mangyari. Kinuha nya ang cellphone nya at napansin na may missed call from Harlene, tinawagan nya ito.

     "Best anong oras na di kapa tulog....saan kaba galing,sino ka date mo, di mo man lang ako sinama." Daldal ni Harlene habang inaasar si Fleen. "Teka teka, dapat ako magtanong kasi nag missed call ka kaya ako napatawag sayo di ko napansin tawag mo, eh ikaw pa itong daming tanong, ano to interview?" Mahabang paliwanag ni fleen na nakatawa rin. "Ok...daldal mo rin ano, huminga kapa ba jan, hehe. Gimik tayo bukas ng gabi treat daw tayo ni Lyka. Na miss na raw nya mag disco." Sabi ni Harlene. Saglit na nag isip si Fleen, wala rin naman syang gagawin kinabukasan. "Ok sure game. Matry nga uli mag dancing dancing, hehe." Sagot nito kay Harlene. "Good, Malay mo doon na tayo makakita ng mayayakap sa gabi gabi,diba ha-ha." Pilyong sabi ni Harlene sa kausap. " Ayan ayan umandar na naman, ha-ha, o sige sleep muna at ng may energy tayo bukas." Sabi ni fleen.
"Energy ka dyan,may papagurin kaba bukas best, nyahaaa...oh sya baka ng blush kana sa galit,bye na." Paalam ni Harlene. Papatulan pa sana nya yong biro ni Harlene kaso gusto na nyang magrelaks. "Ok bye best...love you!" Paalam din ni fleen. "Bye love you too best." Ani Harlene.

     Pagkatapos ng kulitan nila ni Harlene, nabaling ang pansin nya sa kabilang balcony, tahimik parin. 'di pa umuwi mga hunk ko, ganda much sana tulog ko pag masilayan ko lalo na si idol ko.' giit ng isip ni fleen. Pumasok nalang ito sa loob at nag ayos ng sarili para mag rest na. Laman parin ng isip nya yong lalaking naka sunglasses hanggang tuluyang nakatulog.

     "Whoah lamig ng ice cream, pero mainit." Biro ni fritz. Nakauwi na ang mga ito galing sa ice cream cafe. Sa dami ng pag uusapan nabaling ang pansin nila Kay emman. "Dude tulog na yon, bukas agahan mo gising para makita mo agad, wag pahuli." Panunukso ng pinsan nyang si Andrew. Pagpasok pa lang kasi sa unit agad itong dumiritso sa balcony at nakahawak sa rehas, panay sulyap sa kabilang balcony at nakasunod ang apat nyang kasama na nanunukso ang bawat mata nila pag nagkatinginan. "Dyan na nga kayo rest muna ako" pasimpling sagot ni emman. "Ows, umiwas ka lang eh." Sabad ni Wilfred. Ang medyo tisoy sa grupo. Di na pumatol si emman sa mga kakulitan ng mga ito kaya umalis na ito para mag ayos ng sarili at matulog na. Pagod narin yong apat kaya sumunod na ang mga ito Kay emman para magpahinga narin.

     Kinaumagahan, ng unat ng katawan si Fleen habang nakahiga. Sarap ng gising nya. Bigla syang kinabahan na di mawari, dahil sumagi agad sa isip nya si eyeglass man. 'crush nga kita, diko naman alam name mo,tagal na kitang nakikita di ko man lang nahipo ang.....damit lang muna ngayon.' sambit ng pilyong isip nya na nakangiti.

     Bigla syang bumangon ng maalala yong usapan nila ni Harlene. Agad na pumunta sa balcony upang magdilig, at nagbabasakali na makita nya yong nagpapagalak ng puso nya. Natapos nalang nya ang pagdidilig ngunit walang kahit isang lumabas lalo na yong inaantay nyang makita. Pumasok nalang sa loob at nag luto ng makain, tapos mag ayos at ng makapaglakwatsa na. Excited lang syang makipagbonding sa mga kaibigan nya, kaya pumayag sya sa invitation ni Harlene.

Villa Pantasya Where stories live. Discover now