Best Talaga

255 5 3
                                    

Patapos na sa pag encode si Fleen ng tumunog ang bell ng break time. "Tara na best tawagan na natin yong ka phone pal mo, este mag meryenda muna tayo." patawang sabi nito kay Harlene na nagligpit ng gamit at ngumiti. "Di mo talaga nakalimutan yon usapan natin best." Sagot nito kay Fleen. "Paano eh di ko pa alam, sino nga ba yon best?" Ani fleen habang naupo sila sa canteen.

"Hulaan mo best, at pagnahulaan mo, ilibre kita ng meryenda ngayon at mamayang uwian, ice cream naman." Kilig na sabi nito Kay Fleen. "Pambihira ka best, ako nalang maglibre sayo eh di ko mahulaan." Ani fleen na medyo nairita ngunit nakangiti. "Di mo pa nga nasubukang hulaan, ikaw talaga best... inlove ka na talaga." Patawang sabi ni Harlene.

"Sige try ko hulaan, sayang yon libre pa naman, baka pwede clue naman dyan." Dagdag pa ni fleen na na-excite. "Ok sige,ahmm.... nakikita mo na sila noong nagkita ang 5B at 5B sa isang party." Ani Harlene. "5B at 5B?" Irap na sagot ni fleen at yon lang ang naisip nya ang party sa condo unit nya. Tsaka 5 boys iyon at 5 silang babae. 'Tama yon nga' masiglang tugon ng isip nito. At wala namang ibang boys na alam nyang pinagkainteresan ng best nya.

"Ah..gets ko na, hulaan ko nalang yong name nila. Yong nasa villa Pantasya ba best, yong pinagPantasyahan nyong boys?" Sabi nito habang napalakas ang tawa. "Mismo best, galing mo talaga." Mabilis na tugon ni Harlene. "Medyo magaling lang best. Nagtawanan sila at bumili na ng makain si Harlene habang si Fleen inisip pa kung alin sa limang Pantasya boys ang nahumaling Kay Harlene.

"Kain ka muna best, at ng magka alert yong mind mo at maging tama ang sagot mo kung sino sa kanila." ani Harlene habang dala-dala ang pagkain na binili. 'Andrew yata kasi sya yong mas matanda sa kanilang lima at match silang dalawa.' ayon ng isip ni fleen. "Pag di mo nasagot ng tama best may utang ka sa akin, babayaran mo itong pagkain mo." Biro ni Harlene habang hinintay ang sagot. "Feel ko lang match kayo best, si Andrew! Tama ba? Ani fleen na nakangiti at nanunudyo sa kausap.

Kinilig si Harlene ng nasabi ni fleen ang tamang pangalan ng lalaking nagbigay sa kanya ng oras para kumustahin at makausap. Di pa man ito nanligaw ngunit batid nya na pareho sila ng pakiramdam sa isa't isa.. Kahit di pa man ngayon, kahit paano may happiness ending syang inaasam at inaasahan.

"Hi two ladies.... pasinsya na late na kami." Masiglang bati ni Vanessa kina harlene at fleen na kakarating lang kasama sina Lara at Lyka. "Nakakahilo dami utos ni boss." Ani Lara, habang kumain ng binili nyang meryenda. Isa itong staff sa finance department. "Ako rin dami pinagawa na report." Sabad ni Lyka na uminom lng ng tubig. Nakasanayan na nito na ayaw magmeryenda, kakain lang pag tanghalian na kapag working days. Isang department lang silang tatlo. Clerk si vannesa at secretary naman si Lyka.

Naputol ang kilig kwentuhan Nina Fleen at Harlene ng dumating ang tatlo nilang kaibigan. "Ano ang sunod nating gimik, yong thrill naman." Pag-iba ng usapan ni Harlene. "Basta best wag mong kalimutan ice cream cafe tayo mamayang uwian." Singit ni fleen, kahit di pa man kinumpirma ni Harlene na tama sagot nya pero basi sa reaksyon ng anyo nito ay tama ang hula nya.

Villa Pantasya Where stories live. Discover now