Fleen's Mild Naughty

298 6 2
                                    

May trabaho kinabukasan ang bawat isa kaya bago maghating gabi ay dapat makauwi na ang mga bisita ni fleen. Kunting inuman lang sila after eating doon sa may balcony. Kwentuhan at kantahan kahit di kasing ganda ang boses nila pero lahat ay sabay sabay na kumanta ng happy birthday at Kantang love song.

Habang nagkasiyahan ang grupo, di mapalagay si Fleen dahil sa emosyon na dulot ni emman. Gusto nya na masulo at makausap ito,ngunit nahihiya lang sya. kaya nag excuse ito, pumasok sa loob, kunwari magligpit ng pinagkainan nila para lang makaiwas sa grupo.

"Oh bakit dito ka na naman" puna ni fleen Kay emman. Sumunod kasi ito sa kanya. "Ayaw mo may tutulong sayo, nakakahiya naman sayo, kumain ako tapos di tutulong." Nakangiting wika ni emman. "Wow matulongin sya, thank you!" Pabiro ngunit seryusong wika nito kay emman. "You look seryus.." wika ni emman. "Seryuso talaga ako pag may kasama na kagaya mo." Pabirong Sagot nya habang nakangiti ng patago. "Ano uli sabi mo?" Tanong ni emman,narinig nya ito at kinilig sya kahit alam nyang biro lang iyon ngunit laking tuwa ng puso nya.

Lumapit si Fleen Kay emman para sagutin yong tanong nito. Nakatitig ito sa mata pababa sa labi habang hawak ang pampunas ng lamesa. Titig na Titig dito si emman. Limang dipa nalang ang pagitan at sinabi ni fleen, "Sabi ko.... salamat! Pogi mo." Sabay talikod sa kausap. "Cute mo." Ganti ni emman. Nagtatampisaw sa tuwa ang puso ni fleen. "Mapagbiro ka pala." Dagdag pa nito. Biglang nanlamig ang nag uumapaw na init sa kilig ni fleen ng marinig ang huling sinabi ni emman. 'biro lang pala iyon sayo. Seryuso nga ako eh type kita...' sigaw ng isip ni fleen.

"Oh paano uuwi muna kami Fleen, salamat sa gabing ito." Pukaw ni Lyka sa dalawa. Nagpakiramdaman ang mga ito pagkatapos ng pagiging pilya ni fleen, habang busy sa ginagawa. "Oh sya, tapos narin ako, ay kami pala, magligpit at ng makapagpahinga na tayo, may work bukas." Sagot ni fleen na nakangiti sabay tingin Kay emman. Sumibol na naman ang kaba at kilig ng tumingin sya dito. 'Gosh sarap mo yakapin..' kulit ng isip ni fleen.

"Salamat sa inyong lahat at tayo ay nagkakilala,sanay maulit muli." Ani Andrew. " Dito nalang daw matulog si emman, ayaw pa yata sumabay sa atin mga 'tol." Sigaw ni Wilfred para marinig nito, pumunta kasi ito sa balcony may kinuha. Nagtawanan ang lahat at napunta sa tuksuhan.

"Payag kaya si Fleen." Tanong ni fritz sa mga kasama. "Payag kaba best?" Kulit ni Harlene. Na lalong nagpaingay sa grupo. "Oo naman, sya dito matulog at ako ay doon sa higaan nya." Tugon ni fleen na nakatingin sa papalapit na emman. Dinig nito na pinag usapan sya kaya nakangiti nalang ito while observing fleen's lovable smile and wonderful eyes.

"Tama na nga, kayo talaga inaasar nyo ang dalawa." Ani Lyka habang pigil ang pagtawa. "Who knows baka kayo nga." Added Lara. "Weeh, antok lang yan oi, pahinga na tayo." Kaswal na sagot ni fleen sa mga ito, para di mahalata na apektado sya sa biruan na iyon. "Oh ayan tinaboy na tayo, galit na yan." Biro ni Vanessa. "Di naman... kayo talaga."ani fleen na pigil ngiti. " Kung Gusto nyo dito nalang kayo matulog." Dagdag pa nito. "Oi bumawi."ani mark. Nagtawanan sila at masayang nag paalam Kay Fleen.

Villa Pantasya Where stories live. Discover now