"Nasulo Kita"

329 5 7
                                    

Nagbisi bisihan si Fleen habang nasa balcony ang lahat. Excited ang isat-isa na magkakilala. Usapan lang ng mga ito ang tungkol sa life nila. "pwede makiinum, nauuhaw ako." Ani emman. " Oo sure, pasok ka nalang, hingi ka doon Kay Fleen nasa loob."ani Lyka. "Ok thank you Lyka."sagot nito.

Medyo humuhupa na ang kabog ng dibdib ni fleen ng uminom ng malamig na tubig. nakaupo ito sa sofa at nagbuklat ng magazine. "Hi miss alone... pwede makiinum ng tubig." Ani emman Kay Fleen. Huminga muna ito bago sumagot, kumapit na naman kasi ang kakaibang pakiramdam ng nakipag-usap yong iniiwasan nya. "Oh sure, kuha ka nalang doon." Utos nito, ngunit ng papunta na si emman para kukuha ng mainom hinabol ito ni fleen at pinigilan, nakahawak sa kamay ni emman. "Teka ako nalang kukuha, bisita nga pala dapat pagsilbihan." Nakangiting wika nito. Nakatitig at lalo syang humanga dito. Naisipan ni fleen na idaan nalang sa biro o kulitin ito kesa maging mailap dito o iiwas.

"Kain na rin kaya tayo baka gutom na kayo."ani fleen Kay emman habang umiinom ng tubig. "Wag na muna baka isipin nila na nagkunwari lang akong iinum yon pala kakain." Wika nito na nakatitig Kay Fleen at nakangiti. "Ha-ha yaan mo na pasalamat pa mga yon eh baka kanina pa yata sila gustong kumain." Sagot ni fleen. "Pwede pahinge pa ng tubig, sarap uminom lalo na kung ikaw nagsalin. Biro ni emman. "Weeh,naminihasa kana ha," sagot ng pataray ni fleen,ngunit di maikaila na kinikilig sya sa birong iyon ni emman. "May sense of humor ka pala, kala ko kasi sa mga look genius na kagaya mo di mahilig magbiro o mahirap diligan ng jokes."sabi nito kay emman na nakatitig at nakangiti. Ang cute nya...' tili ng isip ni emman. "Ows, kala mo lang yon, well happy ako na nakilala ko kayo..." malumanay na sabi nito kay Fleen. 'KAYO... akala ko ako.' Maktol ng isip ni fleen. "Lalo na ikaw Fleen!" Madamdaming sabi ni emman, at seryuso na nakatitig sa kausap. Lalong kinilig si Fleen at lumakas ang daloy ng kaba sa dibdib nya.

Ayaw ni fleen na may seryusong maganap sa oras na iyon, hirap labanan ang nag aapoy na pakiramdam. "Ow, di nga, gutom lang yan, kaya kain na tayo. Hi guys let's eat na!" Tawag nito sa mga kasama nya na nasa balcony. "Ok best, tama gutom na rin.Napahaba ng kwentuhan." Ani Harlene. Daldal kasi ni Wilfred." Ani Lara na nakangiti. Nagtawanan ang mga ito habang papunta sa hapag kainan.

Bago kumain, nagdarasal muna sila. kumanta ng happy birthday. Maliit lang ang lamesa, kaya yong iba kanya kanya ng pwesto habang kumakain. Biruan at kulitan parin sila habang eni-enjoy yong pagkain. "Emman oh di na nakalabas, iinum lang daw." Asar ni Wilfred. "Paano eh si miss alone di iniwan yong pagkain kaya di sumabay sa atin doon sa balcony." Sagot ni emman Kay Wilfred ngunit sa labi ni fleen nakatingin. Embes na maasar si Fleen sa narinig nya Kay emman, nagblush ito at parang may dumagan sa puso nya ng makita ang maamong mukha nito na nakakainlove tingnan. Nakangiti ito at nakatitig sa kanya.

"Oi...smell heart.. whohoho..." panunukso ni fritz. "Nakakainggit kayo best ha." Singit ni Harlene. "Enjoy your food guys..."kaswal na sabi ni fleen sa mga ito. Ayaw nyang pahalata kaya dinaan nalang sa natural na kilos at kunwari baliwala lang nya ang nga sinasabi ng mga ito.

Villa Pantasya Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon