the wonderful day

258 4 2
                                    

Di mapigilan ni fleen ang kilig ng makaalis na ang kanyang mga bisita. Sumilay sa labi nito ang kapilyahan habang iniisip yong eksena nilang dalawa ni emman. Lovely smile and wide feelings evolved while thinking that moments. 'di man lang ako niyakap nung halos magkadikit na kami, asam ko pa naman halik mo' naisip nito habang kilig na kilig. Ngunit nawaglit ito nang maalala ang sinabi nito na "mapagbiro ka talaga." kaya nagmaktol na pumasok sa kwarto at nag ayos na upang matulog.

Habang nakahiga, laman parin ng isip ni fleen ang lalaking pinagnanasaan nyang mahalin. Ngunit nagtatalo sa isipan nya ang mga negatibo. Na hindi ito magkatotoo ang kanyang nais mangyari. Na maging sila ni emman. Pinanatag nalang ang isipan hanggang sa tuluyang nakatulog.

"Di paba kayo inaantok mga 'tol." Puna ni andrew sa mga kasama nya. Tuloy parin ang kantahan nila pagkagaling kina fleen. "May naalala si emman kaya ayaw pa dalawin ng antok." Kantyaw ni Wilfred na nakatingin Kay emman.

"Ako lang ba may naalala o namiss?" Seryusong tugon ni emman. "Namiss daw oh, waw..." panunukso rin ni fritz dito. "Dude I like her as my friend."tugon ni emman. "She's a good friend" dagdag pa nito. "Oh friend daw wahaaa." Hirit ni mark.

Tahimik lang si Andrew. Tingin sulyap lang ito sa pinsan nya. He is hoping na sana makalimutan na nito ang yumaong nobya na nasawi sa isang tragedy.

"Dyan na muna kayo antok na'ko" paalam ni emman na ayaw patulan ang mga pang aasar ng mga ito. Sumunod narin ang mga ito at kanya kanyang nagsipag ayos ng sarili upang magpahinga na.

Gising na ang diwa ni fleen ngunit pikit parin ang mata nito. Pinilit binuka ang mata upang tingnan ang oras. Medyo maaga pa kaya pumikit uli. Biglang sumagi sa isip nya si emman. Ngumiti ito at pabalikwas sa higaan. 'makabangon na nga baka makita ko sya, kunwari lang magdilig ng halaman.' nasabi nya habang nakangiti, sabay ayos ng higaan at inayos ang sarili upang pumunta sa balcony.

Tahimik sa kabilang balcony kaya matamlay na pumasok sa loob si Fleen. Uminom lang ito ng ng tubig at nagtimpla ng kape. Pilit inubos ang makunat na tinapay, na nakasawsaw sa kape, at nag-ayos ng sarili upang papasok na sa trabaho.

"Hi best, aga natin ngayon ah, naunahan mo pa ako." Ani fleen Kay Harlene na nakaupo sa working table nito. "Paano aga aga tumawag kaya ayon di nako makatulog."sagot nito na nakangiti." Napaexcite si Fleen na nakaupo sa table nya at nakatitig Kay Harlene sabay sabi: "Pumapagpag naba ang best ko...! Pag-ibig." "Uhm medyo best..."kilig na tugon Kay Fleen. "Sino best?" Tanong nito kay Harlene. Naputol ang usapan nila ng dumating ang kanilang manager, dumiritso ito sa desk nya saying 'Hi' to them. Nagkindatan nalang sila at back to work after they replied: 'Hello'!

Naexcite si Fleen Kay Harlene makipagkwentuhan. Bitin ang usapan nila. Kilig sya sa kaibigan nyang may nagbibigay na ng saya. Kilig din ito sa sarili nya na mayroong emman syang nakilala. 'Pinagnanasaan nyang maging ito ang Prince charming ng buhay nya. Di lang charming kundi warming ng malamig nyang higaan.' Napangiti sya sa kanyang huling naisip.








Villa Pantasya Where stories live. Discover now