Un-ending happiness

220 4 1
                                    

Gumapang ang init ng kamay ni Emman sa kaibuturan ni fleen habang hawak ito papasok sa loob ng club house. Sinang-ayunan nalang nya ang pakiramdam na iyon, tumingin sa magkahawak nilang kamay patungo sa mukha ni emman na natutuwa sa mga nakikitang kagandahan sa loob, kaya malaya syang pagmasdan ito. Habang nakatitig Kay Emman ay lalo syang nabighani dito.

"Do you like here?" Tanong ni Emman ng lumingon Kay Fleen. "Oo naman...saya! Excited nyang sagot, sabay ngiti ng pacute para di mahalata at mahuli ang kanyang pagkakatitig dito. Ngayon lang din kasi sya napadpad sa lugar na ito at kasama pa ang Prince ng buhay nya.

"Tara doon tayo, sa may slide." Anyaya ni Emman na hawak parin ang kamay nya. "Saya doon." Dagdag pa nito. "Sige basta libre, mas lalong masaya." Parinig niya dito.  "Simpre libre, gusto mo pati kiss ko libre!" Pilyong sagot nito kay Fleen.  Nagkatitigan sila, sa huli sabay na humagalpak ng tawa. "Hope you enjoy here with me." Saad ni Emman. "Oo naman basta ikaw kasama ko, enjoy pa sa happy." Sagot niya dito na nakangiti. Nagkatitigan uli silang dalawa, hawak kamay parin sila.

Bumili muna sila ng ticket para sumakay sa slide. Daming nakapila sa slide kaya naghintay muna sila ng ilang minuto bago nakasakay. Ang saya nilang dalawa, parang magkasintahan.

Di mapalagay si Fleen, kahit masaya silang magkasama ngunit parang may kulang. Gusto niya, officially silang magkasintahan. Para mas lalong may kakaibang saya kung sila na talaga. Ngunit medyo nadismaya siya sa kasama niya. Di kasi sinabi nito kung anu ba talaga siya sa puso nito. Ano ang status nila for now.

Sumunod lang siya sa gusto ni Emman. Pagkatapos sa slide, sumakay naman sila sa octupos, at ang huli ay flyer. Di mabilang kung gaano sila kasaya ng mga sandaling iyon. Halos lilipad ang utak ni Fleen sa tuwing umaandar ang sinasakyan nila.

"Hilong-hilo ako. Saya naman, nakakawala ng stress." Sabi ni Fleen na bakas parin sa mukha ang saya. "Gusto mo sakay pa tayo ulit." Ani Emman na masayang masaya parin. "I'm so tired na, kaya uwi na tayo. Alalahanin mo di pa tayo naghapunan, guton na ako." Ani Fleen.

"Halika, saglit muna tayo dito sa food lounge. Gutom narin ako." Ani Emman habang inabot ang kamay ni Fleen at sabay pumasok. "Teka muna." Pigil ni Fleen. Tumigil sa paghakbang si Emman. "Doon nalang tayo sa Jollibee, miss ko lang kumain ng masarap nilang spaghetti, chocolate sundae, at cook float."

"Nagpapataba kaba?" Tanong ni Emman na nakataas ang kilay, lalong nagpagwapo sa mga mata ni Fleen.

"Inlove lang ako, kaya sarap kumain." Sagot ni Fleen na nakatitig Kay Emman. "Kanino?" Kumot noo na tanong ng huli. Excited si Emman sa sagot nito, kanina pa sana niya gusto mag I Love You, kaso naisip niya feel the moment muna. Baka kasi isipin ni Fleen na sinasamantala niya. Kaya may tamang panahon para sabihin iyon, kasabay ng engagement ring. Iyon ang plano niya.

"Kanino...? Ulit ni Emman. Di kasi sumagot si Fleen, bagkus patuloy sa paglakad papunta sa parking lot. Ayaw kasi niyang sagutin ang tanong na iyon. Gusto niyang isagot na inlove sa kanya ngunit di niya iyon masabi. Nahihiya siya pagkat siya ay babae.

Kumalas siya sa pagkahawak Kay Emman, ngunit hinigpitan ni Emman ang kamay niya para di makawala. "Bitiwan mo nga ang kamay ko Emman." Matigas niyang sabi. "Sagot muna sa tanong ko." Seryusong sabi nito.

"Kanino pa eh di Kay Jollibee!" Kunwari niyang sagot na pigil ang ngiti. Gusto niyang halikan si Emman ng magkaharap na sila. Mukhang napikon na kasi ito. Lalo itong kaibig ibig sa paningin ni Fleen.

Villa Pantasya Where stories live. Discover now