Four

723 39 19
                                    

Third Person's

Napatungo nalang si Mingyu sa upuan niya. Bukod sa sirang araw niya dahil nakita niya yung transferee na nasa tabi lang niya, banas na banas pa rin siya sa nangyari kagabi.

Putangines kasing selpon 'to...kung kailan namang magkakatrabaho na ako eh...

Hindi na siya nagcutting, Physics pa man din. Nakatungo lang talaga siya.

"Uhh..." tinapik siya nung transferee.

Mingyu tsked and annoyingly faced this seatmate of his.

"What?" Napaengrish pa siya sa inis. He doesn't know why, but his expressionless face makes his blood boil. Naiinis siya tuwing makikita ang gwapong pagmumukha nitong transferee na ito. Gwapo nga, wala naman ekspresyon ang mukha. Always the same expressionless face every damn time he sees him. Every damn time.

Parang baliw lang diba?

"Okay ka lang ba?" Gageu haha, ako ba kausap nito?

"Luh, who you po," umirap si Mingyu.

Rude.

"Okay," bumalik ito sa pakikinig.

FC naman, psh.

At bumalik nalang si Mingyu sa pagtulog.

----

Nagising si Mingyu sa bell ng lunch break nila. He was the only one there. Hindi manlang ako ginising mga deputa talagang mga kaklase aish!

Mingyu grabbed his backpack and went to the cafeteria, at dahil twenty minutes nalang ang natitira sa isang oras nilang lunch break, dadaan siya sa shortcut.

You know, a trouble-maker always know these kind of stuff. Mali, ex trouble-maker na pala siya. Mabait na daw siya sa lagay niyang yan :")

Pero sa tagal na niyang hindi nakakapunta rito, hindi niya na alam ang mga...bagong mga bagay roon. Tulad nalang ng pagkahulog niya mula sa bubong ng music room.

Hindi niya alam na bago na pala ang bubong roon kaya nadulas siya, buti nalang e sa damuhan at mga puno siya bumagsak. Damuhan, puno at dun sa lalaking tambay na galit na galit rin siya.

Aray ko. Hinimas niya ang likod. Ano yun? Ang bango...

Sa kasusunod ng ulo niya sa amoy nung naamoy niya, dumilat siya sa direksyon ng pagkain na kinakain nung tambay.

Ben....ten

Charz, kingina.

Ben..to

Oo, isang bento. Pero napakabango. Tingin pa lang, alam mo na na masarap. Punong-puno pa ito tapos yung pinakagusto ni Mingyu,

Ang daming kanin.

Tamang-tama para sa isang mandirigma na gutom na gutom tulad nalang ni Mingyu.

"Okay ka lang?" Tanong ni koyang tambay. At dahil sa galit niya rito, nabalik siya sa realidad.

Tinitigan niya lang ito. Nakabonnet at nakaspecs. Last time na nagkita sila, nakahood ito. Kala mo naman malamig huehue eh tirik ang araw.

Nanahimik lang sila. Pero nagingay ang tiyan ni Gyu. Tunog mandirigma.

"Gusto mo?" Binigay niya ang lunchbox. Tanggihan ko pa ba 'to? Tanong niya sarili. Pero ples lang Gyu, gutom na gutom ka na aminin mo na huhubells.

Kinuha niya ito at kinain lahat.

ANG SARAP.

Natapos siya ng ilang minuto lang. Pinunasan niya ang labi at tuluyan na ata niyang nalimutan ang galit niya kay kuyang tambay kasi...ang bait niya pala. Hulog siya ng langit.

Ikaw ba naman bigyan ng napakasarap na baon eh.

"Ang sarap hyung, hehe. 5th year ka po ba?" Tanong niya rito. Nakangisi pa siya kasi may higit ten minutes pa siya para makipagdaldalan dito sa new friend niya.

"Kagrade mo ko, tanga." Nanlaki ang mata ni Gyu.

Puta, huwag naman sana...

Dahan-dahan niyang tinanggal ang nakaharang na bonnet ni koyang tambay at tama siya... si transferee ito.

GasSSSSSssssspPpppPP

"PUT- BAKIT BA LAGI KA NALANG SUMUSUNOD SAKIN?!? SINO KA BA??!?"

"Kalma. Jeon Wonwoo ako. Atsaka wow ha. Hindi kita sinusundan." He flatly said in his usual poker face.

"Kim Mingyu." Tumango siya at tinitigan lang siya ni Wonwoo. "S-Salamat pala sa lunch" nahihiyang sabi ni Mingyu.

"Mukhang sarap na sarap ka nga eh," tinakpan niya ang bunganga kaya naman hindi ito masyadong narinig ni Mingyu. Whatever.

"ANLA!" napasigaw si Mingyu kasi naalala niya na kailangan niya pala ng trabaho. Yung poster, kailangan niyang mahanap yun.

"O? Ano na naman problema mo?" Tanong ni Wonwoo na kanina pa panay sulat sa sketchpad niya.

"YUNG SA NOTE-TAKER KASI KAILANGAN KONG MAKUHA YUNG TRABAHO...." just then he realized what a big idiot he was.

Tangatangatangatangabobobobobobobotangaaaaa!!!!TANGA KA MINGYU!!

Bakit ba niya sinabi yun sa isang tambay na transferee, yun yung top secret niya diba?

Sinabunutan niya ang sarili.

Putaaaaaaaa bakeetttt

"You're hired."

*Krung krung*

Iniwan siyang nakanganga ni Wonwoo.

Wonwoo walked away carrying his stuff. Time na kasi eh. Masipag ata itong kiddo na ito.

Ano daw?

Pagod raw ako?! Pagsigaw ni Mingyu sa loob niya. Putspa naman kasi eh, hindi ka ba talaga natuto sa loob ng three years Gyu? :---((

---

DICKSYONARY NI NOG

- hired -tired (nyeta lang Gyu)

Healing [MEANIE]Where stories live. Discover now